Chapter 9

481 23 4
                                    

Silence enveloped us. Hindi ako naka sagot sa sinabi ni Archie dahil baka tama siya. Baka hindi ko talaga siya kayang mahalin sa paraang gusto niya. Baka mali talaga ang paraang alam ko.

Unti-unting nawala ang tensyon sa pagitan namin nang balutin kami ng katahimikan kasabay ng lamig ng hangin.

"Can we set this aside muna? C-can we talk about Ari first?" He broke the silence. Archie stuttered a bit at his last question. I immediately wiped my tears and nodded.


Sa aming dalawa ni Archie, kung titignan mula sa anggulo noong senior high, ako ang mas mag tatanong noon. Ako ang mas mag sasabi na isantabi muna namin ang nararamdaman namin para sa mas mabuti at mas mahalagang bagay. Ako dapat 'yon. Palaging ako 'yon.


Kaya lang, sa tingin ko ay parehas na kaming binago ng panahon. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang nag bago o ano-ano ang mga nag bago kay Archie, pero sa akin, marami.


Hindi na ako ang Roxy na makulit, maingay, tsaka maraming butterfly hairclips. My first heartbreak changed me, then it went on and on. Countless of heartbreaks changed me. Massively, but not entirely. Alam kong narito pa rin naman 'yung dating Roxy. Nag tatago lang. Natutulog lang. Natatakot lang.


"Can we tell her na I'm her dad? Roxy, please naman, oh? I was robbed of being her father for six long years, ibigay mo na sa'kin 'to," Archie stated as he looked directly into my eyes once again.


"Basta 'wag natin siyang bibiglain," I answered as I nod, agreeing to Archie. Alam kong darating ay darating kami rito. Ayoko nang ipagkait kay Archie ang karapatang makasama niya si Ari, at ayoko na ring ipagkait kay Ari ang pagkakataon na makilala kung sino ang ama niya.


Archie would become a great father. He has always been family oriented kahit na ang gulo-gulo ng pamilya niya noon. Kung kaya niyang ibigay ang mundo sa kapatid niya at sa lahat ng taong mahalaga para sakanya—ano pa kaya sa sarili niyang anak?


Six years. Walang kinalakihang ama si Ari. Hindi naman siya nag hahanap pero alam ko na deep inside, gusto niya ring makikala kung sino. Hindi ko alam kung papaano ko uunti-untiin kay Aria na ang nakasalubong namin sa airport pala ang tatay niya. Eto naman kasi si Archie, sumusulpot bigla eh.



"Of course! Where shall we start? Should I introduce myself again? Should I take her to a nice place and doon ko sabihin? Kahit ano!" Natatarantang tanong niya.


Archie's face lit up when he heard my answer. Pinalis niya ang mga natitirang luha gamit ang likod ng kanyang mga kamay at halata mula sakanyang mga mata tuwa at pananabik.


"Gusto mo bang mag introduce yourself tayong tatlo bukas? Kalmahan mo lang ang pag papakilala ha, baka naman mawindang si Aria sa'yo," I chuckled as I tapped his arms.


I am fascinated with how everything changed when we started talking about Aria. Nawala nang kaunti ang bigat ng sagutan namin kanina. Archie and I have never acted that way towards each other. Lahat ng sagutan namin noon ay puro bangayan. Iba ang kanina. Mabigat. Malalim. Nangungulila.


Naiintindihan ko siya dahil nasaktan siya. Pinipilit ko rin na intindihin ang sarili ko dahil nasaktan din naman ako sa pag pili ko sa mga desisyong 'yon. Kung nagkamali man ako, handa na siguro akong patawarin ang sarili ko.


I was young. I didn't know how to raise a kid properly. I didn't even know how to handle my pregnancy. I didn't know how I would handle Archie and whatever I was feeling for him. I was completely lost.


Ang hirap dahil kasabay ng pag tuklas ko sa mga bagay na 'yon ay ang kalungkutan dahil biglang nag iba ang takbo ng mundo ko. Kasabay nang lahat ng 'yon ang mga tanong, galit sa sarili, at inggit sa mga kakilala ko na normal pa rin ang buhay. Patatawarin ko ang sarili ko kasi hindi madali lahat nang 'yon, lalo kung ikaw lang mag isa. Kinaya ko. Kinakaya namin.


Muli kaming tumahimik ni Archie. Pumikit ako kasabay ng pag hampas ng hangin para ikalma ang sarili ko. Mukha namang effective dahil naramdaman ko ang pagbaba ng tensyon, hindi lang sa pagitan namin, ngunit pati na rin ang sa isipan ko na kanina pa sumisigaw.


Archie looked at me, ready to break the silence once again.


"So, what is she like?" Archie smiled at me. It didn't reach his eyes.


"Ari's a ray of sunshine. Mana sa'kin! Mabuti nga 'di nag mana sa'yo," Pabiro kong sabi nang irapan ko siya, kasabay ang kagustuhang pagaanin ang paligid.

"What? Really, Roxy? Mabait naman ako, ah?" Protesta niya na akala mo ay offend na offend sa sinabi ko.

I chuckled lightly. Genuine, this time.

"Wala naman akong sinabi na masama ka!" I defended.

Mabait naman 'yan si Archie. Mukha namang mabait na siya sa lahat ngayon. Dati kasi, mabait lang siya kapag tropa kayo pero kapag hindi? Mag kakasala yata ako kung ide-describe ko kung gaano siya kalala noong senior high.

"What's her favorite food? Favorite color? Favorite everything?" Sunod-sunod na tanong na naman ni Archie.

"Slambook ba 'to?" Tumawa ako bago lumagok muli nang kaunti sa beer.


"Just answer," Archie's brows furrowed. Napipikon na siya. Kulang nalang ay irapan niya ako! Iyan ang Archie na nakilala ko. Masungit na 'kala mo ay laging pinaglihi sa hinanain ng nanay niya. Very Archie na hindi raw ako kilala sa new york.

"Favorite food, sinigang—" Archie interrupted my sentence. Alam ko na kaagad kung anong sasabihin niya.

"Mana talaga sa'kin," He said so proudly.

I remember his first few months abroad. They didn't have maids, and their mom is mostly outside because of work. Bilang hindi kaya ni Z na masyadong kumilos, si Archie ang naiiwan para gawin lahat ng gawaing bahay kaya talagang natuto siya. I remember how he was so proud when he finally mastered his sinigang recipe. Tumawag pa siya para magpaka bida na magaling na raw siyang mag luto!


"Oo na, bida ka na naman!" I jokingly rolled my eyes. Archie chuckled and said, "Proceed, Roxanne,"

"Favorite color, syempre pink! Girl na girl kaya si Ari!" Pag bibida ko rin sa trait na nakuha niya mula sa akin. Akma pang mag tatanong si Archie ngunit pinigilan ko na siya.


"Alam mo, puro ka tanong. Let Ari introduce herself to you," I said as a matter of fact. Ayoko namang maging spoiler, 'no. Kilalang kilala ko naman si Ari kaya alam ko ang lahat ng sagot sa mga tanong ni Archie, pero alam ko na mas maganda kung si Ari ang mismong mag bubukas ng pintuan para makilala siya ni Archie unti-unti.

"I—sorry, I really just want to make this whole family thing work," Archie smiled shyly as he looked away.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon