CHAPTER 1

2.1K 47 17
                                    

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa laboratoryo ng skwelahan upang tapusin ang nasimulan kong eksperimento, bukas na kasi ito ipapasa kaya kailangan ko itong tapusin or else babagsak ako sa 4rth grading.

*Ring!* *Ring!* *Ring !* - tunog ng phone.

Agad kong kinuha ang phone at nagsalita.

“Hello?“ Sabi ko.

“Hoy alisa! Mag ga-gabi na! Hindi ka pa ba uuwi?“ Tanong sakin ni lea.

“Mamaya na lea, malapit ko na itong matapos eh.“ Sagot ko.

“Hays! Bakit ba kasi napakatalino mo pag dating sa science! Tapos b*b0 naman pag dating sa ibang subj—”

Naputol ang pag sasalita niya dahil kinuha ni gelo ang phone.

“Hoy weirdo! Hali ka na dito! Ikaw nalang ang kulang!“ Sigaw niya at pinat*y ang phone.

Natawa lang ako sa kanila, sila pala ang dalawa sa aming mag babarkada na may concern sa kalagayan ko.

At by the way, ang ginawa ko palang eksperimento ay isang kemikal na pinagmulan ng buhay ng mga tao, hayop o kahit anong uri ng nilalang na may buhay o puso.

“Kunti nalang at matatapos na rin'to.“ Nakangiti kong sabi sa sarili, dahil im sure na magiging matagumpay itong gagawin ko eksperimento. Tsaka pinagsama ko ang tubig, methane, ammonia, at hydrogen para makabuo ng amino acid.

Dahil ang mga amino acid ay karaniwang na nabubuo sa mga nabubuhay na nilalang. Tayong mga tao ng may humigit-kumulang na 20 amino acid upang makabuo ng mga protina sa katawan.

Pero sa 20 na ito, maaaring mabubuo ng katawan natin ang lahat maliban sa siyam (9). Dahil ang siyam na ito ay hindi galing sa ating katawan, kundi galing ito sa mga kinakain ng mga tao, tumutulong ito sa katawan para bumuo ng kalamnan upang lumikha ng mga bagong immune cell.

Gayunpaman, totoo na ang mga amino acid ay ginawa ng mga nabubuhay na nilalang dito sa mundo.

Naniniwala kasi ako na kaya kong bumuo ng mga amino acid nang walang tulong ng biological enzymes sa pamamagitan ng histidine, isoleucine, leucine, lysine, methionine, phenylalanine, threonine, tryptophan, and valine.

Habang ginawa ko yun ay nilagay ko na ang lahat ng recipe sa harap at nag hintay nalang ako kung kailan lalabas ang kemikal reaksyon.

Nang makita kong umayun sa lahat ang plano ko ay agad kong nilapitan ang eksperimento ko dahil sa tuwa, pero hindi ko inakalang iba ang makikita kong kemikal reaksyon dahilan ng pagkabigo ng aking eksperimento at humantong ako sa pinakadelikadong istado ng buhay ko. Sumabog yung pinaghirapan kong buo-in at dito nga ay nawalan ako ng buhay dahil sa kapabayaan ko.

*LEA's POV*

“Ano ka ba gelo! Kita mo namang kinausap ko pa ang mala-scientist nating kaibigan eh!“ Pag rereklamo ko pa.

Agad namang natawa si gelo at sumagot.

“Aysos! Matatapos nalang tayo dito sa thesis na'to pero hindi pa rin tapos yung bruhang yun sa pag gawa ng experimento niyang siya lang ang nakakaintindi.“ Sagot pa ni gelo.

Napangiti nalang ako dahil ganyan talaga siya mag salita, pero kahit na ganyan pa ang lalaking yan ay siya parin tong caring at palaging nani-nermon saming mag babarkada pag dating sa kalusugan.

“Sge na lea, hayaan mo na si alisa. Tayo nalang ang gagawa nito at isasali nalang natin ang pangalan siya sa listahan ng mga tumutulong.“ Dagdag pa ni gelo.

“S-sge.“ Kunti kong sabi.

At dito nga ay agad na akong lumapit sa kanila at aakmang uupo sa upuan nang bigla kong nasipa ng hindi sinasadya ang lamesa, at nahulog yung picture naming mag babarkada na naka nakalagay pa sa frame.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon