CHAPTER 3

723 20 12
                                    

“Basta alisa, Whether the teachers are right or wrong, we are still not allowed to answer them like what you do kanina.“ Sabi niya at ngumiti tsaka umalis.

Nginitan lang din ni alisa si pres, pagkatapos nun ay pumasok na ang susunod na subject teacher namin hanggang sa lumipas ang ilang oras at nag tanghalian na.

“Okay class, dismiss!“ Sabi niya.

Agad na kaming nagsitayuan dahil nga mag lu-lunch na.

“Tara na! Doon pa rin tayo sa rooftop kakain ng tanghalian!“ Sabi ni gelo.

Agad naman kaming sumang ayon maliban kay alisa.

“Pass muna guys, may gagawin lang ako sa laboratoryo.“ Sabi niya.

“Diba favorite mo doon sa rooftop? Ikaw pa nga ang nag aya samin na doon na kakain tuwing tanghalian ehh.“ Sabi ni justine.

“Hehe, pass na muna ako. Tsaka doon na ako kakain sa laboratoryo, babalik nalang ako dito sa room pag mag alas 1 na.“ Sagot niya at excited na nagpunta sa laboratoryo.

“Parang nag bago siya.“ Sabi ni gelo.

Hinayaan nalang namin si alisa at nagpunta na kami sa rooftop, kumain kami at nag kwentuhan tsaka bumalik na sa room dahil mag alas 1 na ng hapon.

Pag balik namin dun ay agad kaming pumasok sa room at sa pag pasok namin ay napansin kong hindi pa nakarating si alisa, kaya nag hintay na muna kami ng ilang minuto. Hanggang sa dumating na nga ang first subject teacher namin sa hapon pero wala pa rin siya.

“Magandang hapon sa inyong lahat!“ bati ng guro.

“Magandang hapon din sayo guro.“ Sagot namin dahil Filipino teacher naman namin siya.

“Magsitayuan ang lahat at tayo'y magdasal, Mangyaring pangunahan ang panalangin lea.“ Sabi ni guro.

Agad akong pumunta sa gitna at nag tanda ng krus.

“Sa ngalan ng ama.“ sabi ko at dito nga ay biglang  dumating si alisa sa pintuan.

“Ng anak.“ Dagdag ko pa kasabay ng pag pasok ni alisa sa room.

“At ng ispiritu santo.“ ika ko pa at saktong naglakad siya sa harap namin habang kaming lahat ay papikit palamang ng mata.

“AMEN.“ Sagot nila sakin at dito nga ay nakarating na si alisa sa harap kasabay ng pag pikit ng aming mga mata.

Pero hindi ako mapakali, kaya minulat ko ang mga mata ko.

“Ama namin, sumasa—”

Biglang naputol ang pag sasalita ko nang bigla kong nakita si alisa na nakatayo lang sa gitna habang nakatitig sakin.

“S-suma… s-salangit Ka…” nauutal kong  panalangin at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

“Sambahin ang ngalan mo.“ Sabi ko at dito nga ay agad nang tumalikod si alisa para mag lakad papunta sa upuan niya.

Pero nagulat nalang ako nang may isang mantsa ng dugo ang dumikit sa kanyang palda sa likod.

“Mapasa'amin ang kaharian mo.“ sabi ko at dito nga ay pumikit nalang ako para maka fucos na ako sa panalangin.

“Sundin ang loob mo dito sa lupa para lang sa langit.“

“Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawa—”

Napahinto ako saglit dahil biglang may kumalabog sa gilid ko.

“A-at… patawarin Mo po  kami sa aming mga kasalanan…” pagpatuloy ko pa at minulat ko ang mata ko para tingnan ang kumabog sa gilid.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon