CHAPTER 9

677 28 20
                                    

Pag bukas ko ng pinto ay agad na lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang pusang kumakain ng laman ng tao.

“Teka, zombie ba ang pusang yan?“ Malakas kong sabi para marinig ako ni oliver.

Nang marinig nung pusa ang ingay ay agad siyang tumigil sa kakakain ng laman at tumingin sakin.

Nang makita niya ako ay agad akong napaatras at dito nga ay tinalunan ako nung pusa sa mukha.

“Aahhh!! Tulong!!“ Sigaw ko at hinawakan ko ang dalawang kamay nung pusa para hindi ako makagat.

Dali dali namang lumapit sakin si Oliver at si sarge naman ay biglang nagising.

Di ko alam kung itatapon ko ba tong pusa, dahil kung bibitawan ko ito ay malamang babalik lang rin sakin at baka makagat pa ako.

Nang makalapit na sakin si oliver ay tingnan niya ang pusa.

“Mukhang zombie na nga yan drake.“ Sabi niya.

Tiningnan namin ng malapitan since pusa lang naman at walang gaanong lakas.

“Grabe no? Pati pusa kinagat pa talaga ng mga tao.“ Sabi ko at tiningnan ang katawan.

Nang makita kong wala itong kagat ng tao ay dito na ako nabigla.

“Pero… parang hindi naman ito kagagawan ng tao.“ Dagdag ko pa.

Agad naman siyang nagtaka.

“H-ha? Kung hindi yan kagagawan ng tao, sino ang kumagat sa pusang yan para maging zombie?“ Tanong ni oliver.

Napaisip kaming dalawa, hindi ko namalayan na nasalikod na pala namin si sarge.

“Zombieng pusa?“ Sabi niya.

Napalingon ako sa likod at tumango, kaya nagsalita pa siya.

“Posible kayang siya ang may pakapana ng lahat? I mean, baka siya ang ginamit ni alisa para dumami ang mga zombie diba?“ dagdag pa sarge.

Agad naman akong nagtaka.

“Paano mo naman nasabi?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Kasi kung tao ang kumagat sa mga taong zombie ngayon, edi sana ma'aware sila. Kasi pag zombie na ang tao ay malalaman natin ka'agad eh.“ Sagot ni sarge at nagsalita pa.

“At posibleng dumami sila ng ganito ka dali na walang nakakaalam, kaya ang hinala ko ay ang pusang yan ang dahilan kung bakit kumalat ng ganito ka dali ang mga bacteria ng pa sekreto.“ Sabi ni sarge.

Agad ko namang naalala ang sinabi ni alisa noong nalaman naming siya ang ugat ng lahat.

*FLASHBACK*

“My time is over guys!! Kaya kung gusto ninyong matigil ang larong to, pwes! Hanapin ninyo ako!“

“Hahaha! THE GAME STARTS NOW!“ Sabi niya at dito na kami nagulat, dahil hindi siya kinakagat ng mga zombie habang nasa labas.

“Hanapin ninyo ako kung gusto ninyong matigil ang larong to, baka kasi makalabas pa ang mga alaga ko at kakalat pa sa buong syudad.“ Sabi niya sabay sara ng pintuan para hindi makapasok ang mga zombie.

*END OF FLASHBACK*

Nang maalala ko yun ay posible ring tama ang theory ni sarge, siguro sa pusang to nagsimula ang lahat.

Agad namang humanap ng tali si oliver tsaka namin tinalian ang leeg ng pusa. Tinali namin siya sa upuan at dito na namin binitawan.

Pag bitaw ko sa pusa ay agad kaming nabilga, dahil napaka aggressive niyang hayop. Pilit niya kaming lalapitan at kagatin kahit may nakatali na sa leeg niya.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon