“My time is over guys!! Kaya kung gusto ninyong matigil ang larong to, pwes! Hanapin nyo ako!! Hahaha!! THE GAME STARTS NOW!“ Sabi niya at dito na kami nagulat, dahil zombie na siya pero nagawa pa rin niyang makuntrol ang katawan niya, tsaka hindi siya kinakagat ng mga zombie.
Napaluhod nalang ako sa narinig ko, so confirm nga? Zombie na si alisa kaya pala may napakaraming dugo sa bibig niya noong nadatnan ko siyang natulog sa loob ng room.
Napanganga nalang si gelo sa nakita at narinig, parang hindi siya maniniwala na si alisa ang may pakapana ng lahat.
Napaupo nalang si gelo sa upuan at ako naman ay walang imik, hindi ako makapagsalita dahil walang lumalabas sa bibig ko.
Kaya agad na lumapit si pres at hinimas himas niya ang likod ni justine tsaka nagsalita.
“Okay lang yan, malalampasan nyo rin tong mag kakaibigan.“ Sabi niya.
Aakmang sasagot sana si justine pero biglang kumalabog yung pintuan.
“Mmmnnn!!… Mmnn!!“ Sabi ng mga zombie at napansin naming parang gusto nilang pumasok pero hindi nila magawa dahil naka lock yung pinto.
“Sarge! Kunin mo ang mga upuan at iharang mo sa pinto! Baka mabuksan nila yan!“ Sigaw ni charity.
Agad namang nagsitayuan ang mga lalaki at sabay sabay nilang kinuha ang mga upuan at hinarang sa pinto, yung mga kurtina ng bintana ay agad naming binaba para hindi nila kami makita sa loob.
“Kailangan natin ng strategy, dahil kailangan nating makaalis dito. Mamamat*y tayo sa gutom kung nandito lang tayo sa loob.“ Sabi ni pres.
“Oo nga, Everyone here should be divided into three and each group will have a task to do.“ Sabi ko dahil ako ang class secretary sa section namin.
Dahil dun ay binilang ni sarge ang lahat ng nandito at lahat kami ay na hati sa sampung grupo, kasi 30 naman kaming lahat dito.
“Ngayong nahati na tayo sa tatlo, kailangan natin ng isang grupo para bumaba sa bintana.“ Sabi ni pres at tinuro niya ng bintana sa likod.
MAY DALAWANG BINTANA KASI SA HARAP AT MAY DALAWANG BINTANA RIN SA LIKOD.
“Grupo ko nalang ang gagawa ng misyon nayan.“ Pag vo-volunteer pa ni gelo.
Agad naman kaming sumang ayon, ang grupo niya ay ang muse namin na si charity at si Benedict na isa sa sargent at arms.
“Okay sge, ang kailangan ninyong gawin ay makababa sa second floor at makahanap ng isang ligtas na room.“ Sabi ni pres.
Tumango naman silang tatlo kaya agad kaming humanap ng lubid at buti nalang ay may nakita kami. Tinali namin yun sa bakal at tinapon sa baba para babaan nila.
*GELO's POV*
Nang naibaba na ang lubid kay chineck ko muna kung matibay ba ang pagkakatali sa bakal, nang masatisfied na ako ay si Benedict ang unang bumaba.
Mabilis naman siyang nakababa, at sa pag baba niya ay biglang may isang lalaki ang pilit siyang ihulog sa baba.
“H-hoy!! Wag!! Safe ako!!“ Sabi niya.
Hindi tumigil yung lalaki sa kakatulak kay Benedict kaya agad niya itong sinipa na ikinagulat ko.
“Hoy! Bat mo yun ginawa!“ Sigaw ko sa kanya.
Agad naman siyang sumagot.
“Ayaw akong papasukin eh! No choice ako!“ Sabi niya.
Hindi na ako umangal pa at ang kasunod na bumaba ay si charity.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...