“Nga'pala, paano mo ito patitigilin?“ Tanong nung guard na may pagtataka sa mukha.
Ngumiti lang si alisa at tumingin kay ateng guard tsaka sumagot.
“Ewan, hindi ko rin alam.“ Sabi niya at ngumiti sabay tingin sa mga mata ko habang natatawa.
Di ko alam ha pero nang iinis ba siya?
Hindi ko nalang ininda si alisa, at dito nga ay agad na naglakad si alisa paalis. Kaya sumigaw si justine.
“Alisa! Itigil mo na ito! Nahanap kana namin!“ Sigaw niya.
Hindi tumigil sa pag lalakad si alisa pati na rin yung guard tsaka sumagot si alisa.
“Hindi naman eh, ako yung nakahanap sa inyo at hindi kayo ang nakahanap sakin.“ Sabi niya at ngumiti kasabay ng pag pasok niya ulit sa pintuan pababa ng rooftop.
Naiwan kaming lahat habang may napakaraming mga zombie sa baba namin.
“Gagi, yun na yun? Pinaparami lang ni alisa ang mga zombie dito sa taas!?“ Sabi ni sarge micheal.
Napanganga nalang kami dahil paano namin matatakasan ang mga'to? Tanging daanan lang ay ang pintuan pababa ng rooftop.
Dahil dun ay napailing nalang si pres at nagsalita.
“Mukhang wala na tayong choice kundi ang bumaba sa gilid at pumasok sa bintana, kagaya nung ginawa natin sa 3rd floor.“ Sabi niya.
“Pero san tayo kukuha ng lubid?“ Sagot ni gelo.
Sumagot naman yung weirdo.
“Kung walang lubid edi yang mga sout ninyo, diba studyante kayo? Ibig sabihin naka slacks na itim at yun ang gamitin ninyo para gawing lubid.“ Sabi niya.
Napangiti ako at sumagot.
“Oo nga! Naka boxer naman kayo eh! Isa yan sa rules ng skwelahan natin.“ Sabi ko.
Napahawak nalang sa ulo si justine at nagsalita.
“Walang choice, ayoko pa naman hubarin ang slacks ko.“ Sabi niya.
Dali dali namang hinubad nila ang mga slacks nila at dito nga ay pinag tatali namin yun para magiging mahaba.
Nang matapos na ay ang tanging problema nalang namin ay kung paano kami makapunta sa pinakagilid para bumaba, wala kasi sa gilid ang water tower naka display.
Agad namang nagsalita si sarge benedict.
“Ganito, bababa ako since nasout ko na ang mga polong binabad sa isopropyl alcohol tsaka ako—”
Naputol ang pagsasalita niya dahil pinigilan siya nung weirdo.
“Huwag mo nang ituloy.“ Sabi niya.
Agad naman kaming nagsitinginan sa kanya tsaka siya nagsalita ulit.
“Huwag mo nang ituloy, tuyo na ang mga damit na yan. At hindi na gaano kabaho, makakagat kalang.“ Sabi niya.
Well, may punto naman. Siguro kong ilalapit lang ng zombie ang mga ilong nila sa polo ay malamang mag rereact sila dahil sa baho, pero hindi na malakas ang amoy nito kagaya nung dati, kaya hindi na kakalat sa paligid ang mga natirang baho ng alcohol.
“So ano nalang pala ang gagawin namin?“ Tanong ko.
Napaisip naman yung weirdo at ilang segundo lang ay nakaisip agad siya ng paraan.
“Sge ganito, ito ang gagawin ninyo. Mag tapon kayo ng dalawang celpon, ang isa ay sa gitna tsaka ninyo tawagan para lumapit sila doon sa gitna. At ang isa naman ay sa gilid, baka kasi hindi lahat pupunta sa gitna, tsaka nyo tawagan para pupunta sila sa gilid, buti na yung sigurado. At kayo naman ay doon kayo dadaan sa opposite side nung gilid kung saan nyo tinapon ang pangalawang celpon.“ Sabi niya.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...