CHAPTER 6

1K 27 15
                                    

“Napansin nyo ba? Diba noong eni-explain nung doktor kung paano nawalan ng buhay si alisa ay may sinabi siyang 'Doon palang sa skwelahan ay pat*y na si alisa?“ Tanong ni Justine.

Dahil dun at bigla kong naalala ang sinabi nung dotkor.

“Oo, naalala ko jus—”

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang may napakaraming mga studyante ang nagsitakbuhan sa labas habang umiiyak.

Nang marinig ito ni pres ay agad siyang dumungaw sa bintana at nagsalita.

“Tulungan natin sila!“ Sigaw ni pres, ngunit hindi sumang ayon si sarge.

“Pres, nakita mo naman ang nangyare kay maam harvey diba? Pagkatapos siyang makagat ay nagiging infected siya ng ilang segundo lang. Gusto mo bang mamat*y at magpalakad lakad sa labas habang naghahanap ng taong mabibiktima?“ Sabi niya.

Dahil sa sinabi ni sarge ay hindi makasagot si pres, habang nagsitakbuhan ang mga studyante ay nasa loob lang kami ng room at pinanood namin silang hinahabol ng mga zombie, nakikinig lang kami sa mga sumisigaw at tinitigan ang ibang nag mamakaawang pagbuksan ng pinto.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at unti unti nang tumahimik sa labas.

“Na infected na kaya silang lahat?“ Tanong ni pres.

“Ewan.“ Kunti kong sagot habang naka mokmok.

Napailing nalang si sarge at sila gelo naman ay nakatunganga lang.

“At ngayon, ano na ang gagawin natin?“ Tanong nung treasurer namin.

Tumingin sakin si justine pero umiling lang ako dahil wala naman kaming pupuntahan, at kung lalabas man kami ay hindi naman rin namin magagawa dahil may mga zombie sa harap ng pintuan.

Dahil dun ay nag aantay nalang kami kung ano ang plano ng mga nandoon sa Principal's office at kung paano nila masulusyonan ang sinasabi nilang kunting problema.

Lumipas lang ang ilang minuto pero wala pa ring announcements, kaya nag dududa na kami.

“Di kaya na infected na rin sila doon?“ Tanong ko.

Tumingin naman sakin si pres at sumagot.

“Hindi naman siguro, tsaka sa tingin ko nga sa skwelahan lang natin nangyayare ang zombiehan ehh, im sure na nakalock yung gate.“ Sagot ni pres.

“Well, dapat lang na i lock nila ang gate. Malaking problema to pag nakalabas ang mga yun.“ Sagot naman ni justine.

Pagkatapos ng usapang yun ay bigla na kaming natahimik, tsaka tiningnan ko si alisa at wala namang kakaiba sa kanya.

Kaya pa simple ko siyang nilapitan at nagtanong.

“Oy, may kinalaman ka ba sa nangyayare ngayon?“ Tanong ko.

Bigla naman siyang natawa at sumagot.

“Hello? Mukha ba akong nag eksperimento ng tao?“ Sabi niya.

“Pero ikaw lang naman ang nag kainteres sa mga ganito eh.“ Sagot ko.

Tinawanan lang niya ako tsaka siya sumagot.

“Oo, pero daga naman yun eh. Paanong makakaapekto yun sa tao?“ Tanong naman niya sakin.

Hindi ako makasagot, dahil bukod sa b*b0 ako pag dating sa mga ganito, may punto rin siya. Unless hindi nakakahawa ang mga dagang pinag eksperimentohan niya.

“Sigurado ka ha? Baka mamaya malalaman nalang namin na ikaw pala ang may pakapana sa nangyayare dito sa school.“ Sabi ko.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung pusa na namat*y, posible kayang daga ang nakalaban ng pusang yun? Tsaka sabi pa nga niya na ang parasites na nandoon sa laboratoryo ay kayang manghawa ng isang daang makmak na hayop, at hindi lang sa hayop. Dahil pwede rin makahawa sa mga tao.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon