CHAPTER 22

571 30 24
                                    

“Teka!? Bakit hindi sila lumabas!!??“ Sabi ko at dito nga ay nagtago kami sa gilid ng building.

“Anong nangyayare?“ Sabi ni micheal.

Sumagot naman ako.

“Nakalock ang gate, hindi talaga sila makakalabas.“ Sabi ko at dito nga ay nagiging zombie na ang ibang mga kaklase namin, pati na rin yung anim na sigang lalaki at ang mga jowa nila.

Si patrick nalang ang natitirang buhay dahil siya lang yung nasa itaas ng gate nakaakyat.

“Tulungan natin siya benedict.“ Sabi ni charity.

Tumango ako sabay tingin sa kanya.

“Nag iisip na nga ako, nakapadaming zombie nyan paano natin mapapaalis.“ Sagot ko.

Dahil dun ay nagsalita si gelo.

“May plano ako.“ Sabi niya.

“Ano naman yun?“ Tanong ni lea.

Huminga ng malalim si gelo at sumagot.

“Isa-isa tayong magpapahabol hanggang sa kukunti nalang sila, tsaka nalang tayo mag kita-kita ulit dito.“ Sabi niya.

“Paano mo naman iyan gagawin aber?“ Tanong ni lea.

“Simple lang, dapat ang mag papahabol ay kaming mga lalaki. Tapos pag humabol naman sila ay papasok kaming lahat sa mg room tsaka lalabas sa bintana. Ang punto ko dito ay para lang mailayo natin sila sa gate.“ Sagot ni gelo.

Well, make sense.

“Sge, payag ako jan.“ Sabi ko.

Tumango lang rin si micheal at justine. Sila lea naman ay nakatago lang sa building.

“Ako na ang mauna.“ Pag vo-volunteer pa ni gelo at nagpakita siya sa mga zombie tsaka sumigaw.

“PATRICKK!!… NAPAKAT*NGA MO!!!“ Sigaw niya at natawa.

Dahil dun ay narinig siya ng mga zombie kaya nagsitakbukan ang iba sa kanila.

Agad namang tumakbo si gelo sa papunta sa kabilang building para hindi kami madamay.

Ilang minuto lang ay nakapasok na siya sa pinakaunang room kaya nagsalita si Justine.

“Ako na ang susunod.“ Sabi niya.

Tumango lang ako at medyo kinabahan, medyo mabagal pa naman ang takbo niya.

“Sge.“ Kunti kong sagot.

Agad na lumabas si Justine at sumigaw.

“PATRICKK! KAPAG HINDI KA NA-INFECTED, KAILANGAN MO AKONG BAYARAN NG LIMANG DAAN!!. BECAUSE IM HERE TO—”

Hindi natuloy ang pag sasalita niya dahil nagsitakbukan agad ang mga zombie papalapit sa kanya, kaya dali dali siyang tumakbo papunta sa kabilang building na malapit lang sa canteen.

Ganun lang rin ang ginawa niya, nang makarating na sa cannteen ay agad siyang nanglock ng pinto.

Now its my turn, kaya aakmang tatayo na sana ako nang biglang may isang lalaki ang nagpakita at sumigaw.

“PATRICKK!! ANG B*B0 MONG HAYOP KA!! HAHAHA!“ Sabi niya at tumakbo sa building kong nasaan si justine.

Nang makita namin ang lalaking yun ay nabuhayan ulit ako ng loob, si oliver lang pala. Buti at buhay pa siya.

Tumakbo siya sa pinakagitnang room tsaka siya pumasok, i wonder kung alam ba niya ang plano namin?

Ang susunod ay si micheal, nagpakita siya at sumigaw.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon