“Ang totoong pinagka abahalan ni alisa ay ang virus, tapos kay kenneth naman ay parasites. At sakin ang bacteria.“ Ika pa niya.
Nang marinig ko yun ay isa lang ang pumasok sa isip ko.
“Ibig bang sabihin…” ika ko pa at napatitig kay kathy.
Ngumiti naman siya at nagsalita.
“Oo, tama ang nasa isip mo. Magkasabwat nga kaming tatlo.“ Sabi ni pres.
Nang marinig ko yun ay wala na akong masabi, sana talaga tumawag na kami ng pulis o kaya pinaalam na namin sa publiko noong una palang.
“Pres, kailan kapa nagka-interest sa science?“ Tanong ni jessa.
Tumingin naman si pres kay jessa at sumagot.
“Actually, hindi naman talaga ako interesado sa agham. Wala lang akong pagpipilian, kasi pag nagtagumpay daw itong plano ni alisa at kenneth ay matutulungan nilang gumaling ang kapatid kong may IBMN.“ Sabi niya.
Napakunot ako ng noo, anong ibig sabihin nun?
“Ha? Anong klaseng sakit yan?“ Tanong ni charity.
Dito nga ay nalungkot si kathy pero sinagot parin niya ang tanong ni charity.
“Imbalance of brain metabolism and neurotransmission.“ Kunti niyang sabi.
Nagtaka naman si jessa at nagtanong.
“Anong konek nun sa zombie?“ Sabi ni jessa.
Natawa naman si kathy at sumagot.
“B*b0 talaga! Sinong nag sabi na ang zombie ang sagot sa sakit ng kaptid ko!?“ Galit niyang tanong at nag explain.
"Ang paglipat ng impormasyon sa pagitan ng mga neuron ay tinatawag na neurotransmission, e explain ko sa inyo kung paano ito gagana." Sabi pa niya at tsaka nagsalita.
"Halimbawa, pag nag iisip ka ng sasabihin o isasagot sa tanong ay naglalakbay muna ito mula sa utak sa pamamagitan ng cell body hanggang sa mabigkas mo ito, yan ang sakit ng kapatid ko. Imbalances of Brain Metabolism and Neurotransmission. Pag lumala yan ay mag kaka- Alzheimer's disease siya." Sabi ni pres.
"Grabe naman, paano ka nila makombinsi na matutulungan nila ang kapatid mo?" Tanong ni charity.
Sumagot naman si kathy.
"Ang alzheimer's disease ay isang Pangkaraniwang lang na uri ng demensya. Ito ay isang progresibong sakit na nagsisimula sa simpleng pagkawala ng memorya, at pag lumala ito ay posibleng humantong sa pagkakalimutin, Ang Alzheimer's disease ay kinabibilangan ng mga bahagi ng utak na kumokontrol sa pag-iisip, memorya, at wika." Sabi niya.
Oo nga, tama nga siya. Kaya pala nakumbinsi nila si pres na makipagtulungan sa kanila. At dito nga ay nagsalita pa si pres.
“Ang isang chemical imbalance sa utak ay sinasabing nangyayari kapag ang utak ay walang sapat na chemical messenger, na tinatawag na neurotransmitters.“ Sabi niya at dito nga ay parang naintindihan ko na kung ano ba talaga ang sadya niya. Kaya nag salita na ako.
“Ibig bang sabihin, ang Amino Acid ay isang gamot sa Imbalances of Brain Metabolism and Neurotransmission?“ Sabi ko at nagsalita pa.
“Pag ang IBMN ay lumala magiging Alzheimer's disease ito, at para hindi yun mangyare ay kailangan mong gamutin ang IBMN para hindi maging Alzheimer's disease. At ang tanging gamot lang nun ay amino acid.“ Sabi ko.
Tumango lang si pres at dito ko na naintindihan ang totoong sadya niya.
“Diba may amino acid na binibenta sa drug store? What if bumili ka nalang dun?“ Tanong ni jessa.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...