“So, ano na? Ano na ang plano?“ Tanong ni justine.
“May isa akong solusyon na alam.“ Sabi nung weirdo.
“Ano naman yun?“ tanong pa ni pres.
“Simple lang, since naa-attract sila sa tunog ay bakit hindi natin gamitin yun para paalisin silang lahat doon?“ Sabi niya.
“Sge, paano natin gawin?“ Tanong ni gelo.
“Sa pamamagitan ng celpon, itapon mo doon sa likod, malapit sa hagdan tsaka mo tawagan para marinig nila at magsitakbuhan sila palapit doon sa hagdan.“ Sagot nung weirdong lalaki.
Agad naman may pumasok sa utak ko ang sinabi niyang idea.
“Oo nga no! Tapos pag nasa likod na sila ng hagdan ay tsaka lang tayo tatakbo papunta doon sa laboratory!“ Sabi ko.
Tumango lang yung weirdo, kaya agad na kaming natuwa.
“Ang tanong, kaninong celpon ang itatapon natin doon?“ Sabi ni gelo.
Agad naman kaming natahimik.
“H-hindi pwede sakin.“ Sabi ni pres.
“Sakin din, hindi pa'to fully paid.“ Sagot naman ni charity.
Tumingin ako kay gelo at aakmang mag sasalita nang bigla niya akong inunahan.
“Hindi pwede ang celpon ko, may mahalagang impormasyon ang nakalagay sa pdf nito.“ Sabi niya.
Uwas naman ng tingin ang dalawang sarge, kaya parang wala na akong pag pipilian kundi mag volunteer.
“O'sge, ang celpon ko nala—”
Naputol ang pag sasalita ko nang biglang nagsalita yung weirdong lalaki.
“Celpon ko nalang.“ Sabi niya.
Agad naman kaming natuwa.
“S-sge…” kunti kong sabi.
Agad na kinuha si pres ang number niya para tawagan at tsaka sinigurado naming naka full ang volume ng celpon niya.
Nang matapos na ay tsaka na kami nag handa.
“Okay na, ready na ba kayo?“ Tanong ni pres.
Tumango naman kaming lahat at dito nga ay tinapon na ni sarge ang celpon sa likod kung saan may hagdanan paibaba.
“Sge, tawagan mo na.“ Sabi ni gelo.
Agad namang tinawagan ni pres at dito na tumunog ng malakas ang celpon nung weirdo.
*Ay, ay, ay, I'm your little butterfly!*
*Ay, ay, ay, I'm your little butterfly!*
Agad akong napahawak sa bibig at pinigilang matawa.
“Anong klaseng ringtone yan?“ Tanong ni justine.
Nakita ko sila pres na pinipigilang matawa.
At dito na namin nakitang nagsilapitan ang mga zombie papunta sa likod.
“Effective.“ Sabi ni gelo.
Dahil dun ay agad na kaming lumabas ng room at sa pag labas namin ay wala nang niisang zombie pa sa harap kaya malaya na kaming tumakbo papunta sa laboratory.
Pag dating namin sa laboratory room ay tiningnan muna ni Justine ang room bago kami pumasok.
“Walang tao.“ Sabi niya.
Agad namang sumagot yung weirdong lalaki.
“Tsaka kana mag decide kung may tao ba o wala, ang mahalaga ay makakapasok tayong lahat jan sa loob.“ Sabi niya.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...