“Uhmm… excuse me, hindi mo pa rin ba nakita ang alaga mong pus—”
Naputol ang pagsasalita ni gelo nang makita niyang yakap yakap na nung babaeng studyante ang pusa niya na wala nang buhay.
“Huhuhu!…Ang saya pa nito kanina habang nag perform kami sa P.E! Huhuhu!“ Ika pa niya habang humagulhol ng iyak.
Kung hindi ako nag kakamali, yung pusa niya ang nakita namin mismo doon sa gilid ng laboratory na hinahabol ng daga. Kaya napatingin ako kay justine.
Pero imposible namang matalo nung daga ang pusa, e'sobrang liit lang ng dagang yun.
Wala kaming magawa kundi ang malungkot, pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa room at kinuha ang bag.
Umuwi kaming tatlo sa mga bahay namin at ako naman ay dumiretso sa sala upang magpahinga, nanood muna ako ng telenovela at pagkatapos nun ay kumain, tsaka nag punta ako sa kwarto ko para mag bihis. Nag celphon ako ng ilang minuto at kalaunan ay natulog.
Kinabukasan…
Maaga akong nagising, naligo, kumain tsaka nagbihis, at pagkatapos nun ay agad na akong dumiretso sa school.
At dahil maaga akong nakarating ay syempre nag expect ako na ako ang unang tao na makakapasok sa room namin, pero pag dating ko doon ay nagulat nalang ako nang makita ko si alisa na nandoon at natutulog siya sa upuan niya.
Kaya dali dali kong binuksan ang pintuan dahil hindi naman nakasara ang bintana, pag bukas ko sa pinto ay hindi rin ito naka-lock. I wonder kung ano ang ginawa nung babaeng guwardiya kagabi, bakit hindi niya nakita si alisa na natutulog? Kasi ang palagi niyang gagawin ay ang mag lakad lakad sa mga room at sinisigurado na naka lock ang mga pinto, at sinisigurado din niya na wala nang niisang studyante sa paaralan.
Agad akong pumasok sa room at dito nga ay nilapitan ko si alisa at ginising.
“Oyy, hindi ka ba umuwi kagabi?“ Sabi ko ngunit hindi siya nagising.
“Alisa, gising!“ Dagdag ko pa habang hinimas himas ko ang ulo niya.
Bigla naman siyang nagising at tumingin sakin.
Nang makita ko ang mukha niya na puno ng dugo ay agad akong naatras sa takot.
“AAAHHH!!“ Sigaw ko sabay umatras palayo.
Bigla siyang tumayo at agad na lumapit sakin, kaya dali dali akong tumakbo palabas ng room.
“L-lea…” mahina niyang sabi.
Sinara ko ang pintuan tsaka ako tumingin sa kanya sa pamamagitan ng bintana.
“A-alisa… a-anong nangyare sa mukha mo? Bakit puno ito ng dugo!?“ Kaba kong tanong.
Dahil dun ay bigla siyang nagtaka.
“H-ha?“ Kunti niyang sabi.
Dali dali kong kinuha ang maliit kong salamin sa bag tsaka ko hinarap sa kanya para makita niya ang hitsura niya.
Nang makita niya ang mukha niya ay agad na lumaki ang kanyang mga mata at nagsalita.
“L-lea! Ano ang ginawa mo sakin!“ Sabi niya.
Agad akong nabigla, papanong ako? E'kakarating ko palang sa school.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba alam kung ano ang pinag-gagawa mo kagabi?“ Kaba kong sabi.
Agad naman siyang tumango at nagsalita.
“L-lea, wala akong ginagawa.“ Sabi niya ng paawa.
Tinitigan ko muna siya ng ilang segudno tsaka ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...