“Ang gulo mo naman, akala ko ba sandata na natin ang isopropyl alcohol?“ Sabi ko.
Ngumiti lang yung weirdo at sumagot.
“Pwede natin yun gawing panakot, pero hindi sila masasaktan o mamamat*y. Kasi ang tatlong mikrobyong yun ay nasa loob ng katawan, wala sa labas. Kaya nga nag rereact sila pero walang nag bago.“ Sagot niya.
Sa sinabi nung weirdo ay parang na gets na namin, ganun pala yun.
“Meron pa ba kayong alcohol jan?“ Sabi niya.
Tumango lang si charity at nagsalita si sarge benedict.
“Oo meron, kumuha ako ng marami para kay charity.“ Sagot niya at binuksan naman ni charity ang bag na may napakaraming mga alcohol.
“Ganyan nga.“ Sabi nung weirdo at nagsalita pa.
“Bigyan nyo kami ng tig iisa, yan lang ang tanging sandata natin para makaalis sa room na'to. Aatras lang sila pag natamaan ng alcohol pero hindi sila nasasaktan ha, paalala ko lang.“ Sabi niya.
Tumango lang kaming lahat at dito nga ay nagplano na kami para sa aming pag alis dito sa room.
“Ang una nating gagawin ay tingnan ang laboratory kung nandoon ba si alisa, ang pangalawa ay di-diretso tayo sa rooftop para tingnan ang buong kalagayan ng school. At doon na natin pag usapan ang susunod na plano.“ Sabi ni pres at nagsalita pa.
“Dadaanan natin ang posible madaanan natin na room para hanapin si alisa.“ Dagdag pa niya.
Tumango lang kami at dito nga ay sinimulan na namin ang aming gagawin.
“Para makalabas tayo ay kailangan natin ng pang distruct.“ Sabi nung weirdo.
“Paano natin gagawin?“ sagot ni gelo.
Huminga ng malalim yung weirdo at sumagot.
“Simple lang, hubarin natin ang mga polo natin since may white sleeveless pa tayong sando. Ibabad natin yung mga polo sa isopropyl alcohol tsaka natin ihampas-hampas sa ere para lumayo sila dahil matatapon ng paunti unti yung mga isopropyl alcohol sa kanila dahilan para mapaatras sila.“ Sabi nung weirdo.
Tumango lang kami, yun nalang ang tanging pag pipilian namin.
Agad naming ginawa ang sinabi nung weirdo at dito nga ay naghubad kami ng mga polo tsaka nag hanap si sarge ng pwede naming paglagyan ng isopropyl alcohol sa gilid-gilid.
Nakahanap naman siya ng isang maliit na balde ng fita na may biscuit pa, kaya agad namin yun ginamit at doon namin binuhos ang mga isopropyl alcohol tsaka namin binabad isa isa ang mga polo namin.
Ilang minuto lang ang lumipas tsaka lang kami natapos at dito nga ay nagpunta na kami sa pituan para mag handa, si sarge micheal ang nasa harap at unang lalabas. Kasunod ay si gelo at justine, si sarge Benedict naman ay nasa likod namin para incase may makalapit ay madali lang niyang maitulak palayo dahil napakalaki ng katawan niya.
Yung weirdo naman ay nasa gitna, siya kasi ang nagsilbing utak sa grupo namin kaya mas mabuti nang i safe siya.
“Ano, handa naba kayong lalabas?“ Tanong ni sarge micheal.
Tumango lang kaming lahat, at dito nga ay bigla niyang binuksan ang pintuan tsaka niya pinag hahampas ang mga zombieng nasa malapit niya.
“Aarrrggghh!!!“ Sigaw ng mga zombieng natamaan at dali daling napaatras, pero walang nag bago sa kanila. At dahil hindi sila nasasaktan ay agad rin silang nagsilapitan kay sarge micheal.
Dali dali kaming lumabas at dito nga ay niwagayway ko ng napaka napakalakas ang polo at pinaikot ikot ko sa taas namin para magsitapunan yung mga maliliit na alcohol, ganun rin ang ginawa ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...