"ATTENTION TO ALL PUPILS AND TEACHERS!! PLEASE PAKI-BANTAYAN ANG MGA STUDENTS!! DAHIL MAY ISANG BABAENG GUWARDIYA ANG NAKITANG WALA NANG BUHAY!!." Sabi nung principal.
Nang marinig namin yun ay agad na akong kinabahan, baka kasi may kinalaman si alisa dito. Kaya agad kong nilapitan si justine at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa papel na may dugo at sa likod ng palda ni alisa na may mantsang dugo rin.
"Imposoble namang may kinalaman si alisa dito lea, hindi niya magawang pumat*y ng tao." Pabulong na sabi ni justine.
"Pero jus, baka nakalimutan mo?" Sabi ko at bumulong.
"Na pat*y na si Alisa kagabi, nakita pa nga natin sa morgue diba?" Sabi ko.
Nagdadalawang isip na maniwala si justine, napakahirap nga naman talagang mag bintang ng isang kasalanan o krimen pag walang sapat na ibedensya.
"Malalaman din natin yan mamaya." Kunti niyang sabi sakin at lumabas siya ng room para tingnan ang guard house.
Napaupo nalang ako sa upuan ni justine, kaya agad akong tumungin kay alisa at dito nga ay nakita ko siyang nakangiti.
"Hays, i wonder if mabubuhay kaya ang pat*y na daga pag nilagyan ko ng microbe ang utak nila." Sabi niya sa sarili tsaka siya tumingin sakin.
"Diba lea?" Ika pa niya.
Agad akong nabigla at sumagot.
"H-ha?... E-ewan... di ko alam alisa." Sagot ko.
Dahil dun ay agad na humarap sakin si alisa at nagsalita.
"Alam mo ba? na may microbe na kayang gawing zombie ang mga daga?" Sabi niya sakin.
Agad akong kinabahan sa sinabi niya.
"Ayan ka nanaman alisa, kanina kapa banggit ng banggit ng mga pat*y na muling mabubuhay!" Panermon ko pa sa kanya.
Agad naman siyang natawa at sumagot.
"Parang alamat lang diba? O kaya'y sabi sabi." Dagdag pa niya at tumitig sa mga mata ko.
"What if sasabihin ko sa'yo na totoong merong ganun?" dagdag pa niya at nagsalita pa.
"Ang pangalan ng microbe na ito ay Toxoplasma gondii, at ito ay isang parasites na may kakayahang makahawa sa isang malawak na hanay ng mga hayop." Sabi niya at lumapit sakin.
"Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit nagkakainteres ako na pag aralan sila?" Tanong niya.
Umiling lang ako kaya nilapit niya ang bibig niya sa teynga ko tsaka siya bumulong.
"Dahil kaya rin nilang gawing zombie ang mga tao." Mahina niyang sabi at natawa.
Biglang lumaki ang aking mga mata sa narinig, nagsimula nanaman akong matakot sa kanya, napaka obsessed talaga niya sa mga ganitong uri ng eksperimento.
"Alisa, anong nangyare sayo?" Deretsahan kong tanong.
Bigla siyang nagulat sa sinabi ko.
"H-ha? May nangyare ba sakin?" Tanong niya.
Hindi na ako nag dadalawang isip at kinumpronta ko na siya.
"Hindi ka naman ganyan noon! Nagawa mo ngang sumagot sa science teacher natin kaninang umaga! Tapos nag iba pa ang ugali mo! At kumikilos ka ng kakaiba!" Sigaw ko, dahilan para makuha ko ang atensyon ng lahat ng mga kaklase namin.
"H-ha? Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wag ka nang mag maang maangan pa alisa! Alam mong nagbabago ka!" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL: SECRETARY
Teen FictionDahil sa isang kakaibang eksperimento ni Alisa sa agham (science), aksidenteng sumabog ang kanyang inimbento dahilan ng pagkasawi ng kanyang buhay. Kaya nilagay siya sa morgue para ihanda ang kanyang katawan pauwi, pero nagulat nalang ang nurse nang...