Kaven
Naka-ngiting muka ni Noah ang naabutan ko sa parking lot pag dating ko dito."How school? Did you enjoy?" Tangina ano ako grade school? Tumingin ako sa kanya na naka buntot sa likod ko.
"Doon ka nalang mag hintay sa motor mo may bibilhin lang ako." Pagod ako tapos may buntot pa nang buntot sa'king isip bata. Nakita ko ang pag haba ng nguso nya na agad kong kina-irap.
"Sama ako, tapos sabay tayong babalik sa motor." Hindi ko nalang sya pinansin at dumeretso sa maliit na tindahan sa tabi ng parking lot.
"Kav, gusto mo mag kain sa labas? Treat ko? As a tokens of our friendship ba." Anong tokens of our friendship? Tangina nakaka-gago talaga pag si Noah ang kausap ko.
"Na I'm good tsaka pagod ako." Tanggi ko dito.
"Then pwedeng pa tambay sa bahay nyo?" Tumingin ako dito, bukol sa parang asong tahol ng tahol ang isang 'to, para pa syang bata na excited sa mga pinag-gagawa nya.
"Nope next time." Next time? Hindi ko alam kong kailan but definitely not now. Kahit magkaibigan na kuno kami ay estranghero parin sya para sa akin.
"Next time? Sure ka ah? Pero it's still 6 palang we can go to park doon sa tinatambayan mo hatid ulit kita pag uwi na...." Tumingin sya sa 'kin nang matagal tinatanya ang magiging reaksyon ko sa bawat salitang lumabas sa bunga-nga nya. "Ano--- if you only want lang naman. Ah pagod ka pala noh? Sige next time nalang siguro." Akma syang ta-talikod nang hawakan ko ang braso nya.
He's manipulating me. I knew it.
"We can do that," ani ko bago panuurin ang expression nyang unti-unting nag liwanag, at bakit ako pumayag? Hindi ko rin alam.
"Really?" Masaya nitong tanong kulang nalang ay mag talon-talon ito sa excitement. "Should we buy snacks? Yes, we should. What would you like to eat?" Hindi nya ako tinantanan sa kakatanong hanggang makarating kami sa motor nya, kahit nang nakasakay na kami ay daldal parin ito nang daldal.
"Do you eat burgers? Gusto mo may cheese or wala? How about drinks?" Na w-weirduhan nakatingin sa amin ang crew ng burger stall dahil sa parang tangang pag aasta ni Noah, lahat kasi ng ino-order nya ay kinukunsulta nga muna sa akin. I'm not a picky eater so everything's fine para sakin.
"Just order anything mag-gagabi na." Gigil kong bulong sa kanya. Kaya nakangiwi syang tumingin sa crew ng burger stall, habang sinasabi ang order nya.
Umupo kami sa ilalim ng puno, malapit sa playground, kaunti nalang ang mga batang naglalaro dahil mag gagabi na. Pareho kaming nakatingin sa mga batang sinusundo ng kanilang mga magulang.
"Nag lalaro kadin ba ang mga ganon noong bata ka?" Out of the blue nyang tanong habang nakatingin sa playground. Tumingin ako sa kanya bago binalik ang tingin sa kabuuan ng non.
I never experience playing in this kind of place before, bukod sa pagiging aloft ko ay palagi din akong na bubully. Tsaka mas pipiliin ko pa ang mag kulong sa kwarto at mag basa ng mga libro kesa mag laro.
"Pag umalis yung last na bata laro tayo." Bulong nito malapit sa tenga ko, kaya bagot akong umiwas sa kanya dahil ramdam ko ang mainit nya hininga. Dalawa lang kami dito pero may pa bulong bulong pa syang nalalaman.
Humaba ang nguso nito ng makita ang reaksyon ko, "ayaw mo? Hindi pa ako naka try nang mga ganoon eh." Parang bata nyang bulong habang naka-yuko, na syang kina ngiwi ko. This man's acting like a child again and guess what? Wala nanaman akong lakas ng loob na tanggihan ang nagpapa-awa nyang muka.
"Sige na," tumingin ako doon sa huling batang umalis, magulang ata ang sumundo dahil sa mabilis nitong pag takbo at lapit sa dalawang taong naka-abang sa kanya. Umiwas ako nang tingin dito bago lumipat ang tingin kay Noah na ngayon ay tulalang nakatingin sa akin, kung kaya't kunot noo ko syang tinignan pabalik. Problema nya?
"Kav tulak mo ako." Sigaw nito at mabilis na sumakay sa swing. "Tutulak din kita mamaya ako muna." Excited nitong ani, bago pinuwesto ang sarili at maayos na umupo sa upuan ng swing. Wala akong magawa nang nakangiti itong tumingin sa akin.
Akmang itutulak ko na ang swing nang bigla nya akong pigilan, "kinakabahan ako wait lang." pigil nito at mahigpit na humawak sa handle ng swing. "Hindi ba ako mahuhulog dito pag tinulak mo?" Inosente nitong tanong, halata din ang kaba sa expression nya.
"No you won't, tsaka wala akong planong alalayan kang umuwi pag pilay ka." Sumingot ito sakin bago muling inayos ang pwesto ng pagkaka-upo nya, "ang sama mo." Bulong nito na dinig ko naman, pero hindi ko na sya pinansin at dahan dahan ang pag tulak sa swing.
Hindi ko alam kong bakit at napunta sa ganitong sitwasyon.
Naka-upo sa kabilang side ng seesaw habang nag ta-taas ba-baba. Masama ang tingin na pinukol ko sa tuwang-tuwa na Noah. It's already 7 last na daw ito. Andami nang nag daan na last. Para akong nag aalaga ng 5 years old na bata dahil sa inaasta ni Noah. First time nga daw naranasan to lahat kaya sino ako para tanggihan lahat ng request nya, and. He looks so happy, healing his inner child must be fullfilling. Ako din first ko ding naranasan 'to.
First time kong mag alaga ng malaking bata. Tsk.
"Kav...." Tawag nito, papunta na kami sa parking lot, dahil sa wakas nakaramdam narin ng pagod 'tong damulag ma kasama ko. "Thank you, this is the best playground experience na naranasan ko." Nakangiti nitong sambit.
The best? Malamang first time nya to.
"Oo na, let's go home na hindi kapa napapagod?" Humaba ang nguso nito at marahang tumango.
"Balik tayo dito sa susunod ah." Sinabayad ako nito maglakad, naririnig ko pa ang hinihingal nitong pag hinga. Tumango nalang ako, dahil pakiramdam ko inubos na lahat ni Noah lahat ng lakas ko.
"Good night Kaven. Susunduin kita tomorrow ah." Ani nito habang tinatanggal ang helmet na suot ko. Kaya ko namang tanggalin pero ewan ko sa isang to, well bahala sya.
"Bye-bye Kaven." Marahan akong tumango habang pinapanood syang sumampa sa motor nya.
"Pasok na, alis nadin ako." Pumasok ako sa gate Bago sya muling tinignan.
"Bye!" Kumaway pa ito bago tuluyang umalis.
Matapos kong i-lock ang gate ay marahan akong sumandal dito bago pumikit. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod sa lahat ng pinaggagawa namin ni Noah.
Napangiti ako nang maalala ang mga nangyayari kanina. It's my first time too riding swing, seesaw, even those spring riding hindi pinalampas ni Noah. Masaya naman pala.
~~~Bye~~~

BINABASA MO ANG
Restored and Shattered (Available In Finovel And Novelah)
AcciónKaven Mikael Gutierrez was infamous for his silence and intimidating appearance. He may have looked daunting from the outside, but in reality, he was a soft-hearted and light-hearted man who yearned for love. Despite being treated unfairly, he alway...