The Actress Named Anna 1

4.6K 30 2
                                    

"Cut!"

"Direk, sorry. Hindi ko po maintindihan-"

"Lagi nalang ganyan, Anna! Lagi nalang ganyan ang excuses mo! Wala na bang bago?!"

"Hindi ko po makuha yung emotions na dapat na inaarte ko-"

"Anna, pang-ilan na 'yan!" Sigaw ko sa kanya. "Gusto mo ba talaga patunayan na totoo ang blind items na boba ka?!"

"Ano pa bang papatunayan ko?! Stressed na ako! Lahat nalang, binubuhos ko! Pagud na pagod na ako! Lagi nalang!"

Napangiti naman ako.

"Good, Anna! Ganyan ang gusto kong pag-arte. Take 45!"

Nadismaya naman si Anna sa sinabi ko at bumalik na sa pag-arte.

"Hindi ko ginusto ito." Sabi niya sa kapartner niya.

"Mary, ako rin. Kailangan nating gawin ito, para hindi na tayo madawit. Masakit man sa akin na iwanan ka, kailangan ko talagang gawin."

"Hindi ko na gustong marinig pa ang mga sasabihin mo. Iwanan mo nalang ako kung gusto mo, at huwag ka nang mamaalam. Baka umiyak pa ako sa bisig mo at magmakaawa."

"Cut!" Sigaw ko. "Good take. Pack up na!"

Umalis na ang lahat ng katrabaho ko. Naiwanan ako para tignan ang angulo ng camera ng kinunan ko, at para ayusin ang ilang audio problems. Tinignan ko ang paraan ng pag-arte ni Anna. Magaling talaga si Anna, pero minsan namomoblema ako dahil dinadala niya sa trabaho ang problema niya sa bahay.

Nakilala ko si Anna dahil ni-refer ito ng isang kaibigan ko, na direktor rin. Dati itong child actress, na nagpunta sa Canada para magbakasyon. Nawalan ito ng ng karera, kaya kinailangan na pasikatin ko ulit. Hindi naman ako nagkamali sa pagme-mentor sa kanya, dahil sumobra na ang galing nito. Siya ang gem ko, kumbaga. Puro box-office ang pelikula, basta siya ang bida.

Tatlong taon ko na siyang mine-mentor. Noon, kinuha siya sa isang international film. Nagalit ako sa kanya nang tanggapin niya ito. Nagulat ako nang tawagan niya ako dahil muntikan na siyang gahasain ng direktor ng pelikula na dapat na bibidahan niya. Bumalik siya sa akin, pero may agwat na sa amin nang dahil sa nangyari. Hawak ko na ang bag ko at palabas na ako sa silid ko nang biglang mag-on ang monitor ng computer ko. Binalikan ko ito para i-off. Nagulat ako nang mag-play ang intimate scene ni Anna, na kasama ang kapartner niya. Lumiliyad pa ito, at todo-pikit.

"Ang galing talagang umarte ni Anna, pati ako nag-init." Natatawang bulong ko sa sarili ko.

Isinara ko ang computer at nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway. Napansin ko na medyo nakabukas ang pintuan ng wardrobe ni Anna. Sinilip ko ito, at tumambad sa akin si Anna habang nakaupo ito sa harap ng salamin. Tinatanggal niya ang lahat ng makeup niya.

"Hindi naman ako pangit, bakit kailangan ko 'to?!"

Inilugay na nito ang buhok niya at sinuklay-suklay.

"Akala ni Direk, matalino siya. Kada insulto niya sa akin, nasasaktan ako. Oo na, boba na kung boba. Siya na ang magaling, siya na ang talented."

Hindi ko maisawang makadama ng guilt sa lahat ng sinabi ko. Matalino naman si Anna, pero hindi kagaya ng iba. May oras na tatanga-tanga ito. Halos magkaedad lang kami. 27 ito, 29 lang ako.

"Hindi porke direktor siya sa batang edad niya, matalino na siya. Mapagmataas, feeling magaling."

Naging direktor ako dahil kumuha ako ng acting classes sa France, at kaagad akong binigyan ng project.

"Si Direk Marielle, ay dapat na tinitingala ko. Pero hindi ko maiwasan na magalit sa kanya. Hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko, at pakiramdam ko napapahiya ako kapag nililihis niya-"

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon