Belle Villa 2

1.1K 13 0
                                    

"Kung ikaw ang magiging secretary ko, dapat ibahin mo na ang style ng pananamit mo." Nakangiting sabi ko kay Belle.

"May mali po ba sa suot ko, ma'am?" Tanong niya sa akin.

Si Belle, napakainosente minsan. Ang hirap i-approach, dahil kung gumalaw siya minsan parang walang kakaibang nangyari sa amin. Napakapropesyonal niya, at hindi mo makikitaan ng bahid ng kapilyahan.

"Wala namang mali sa suot mo, need mo lang mag-upgrade? Hehe."

"Ah! Gets ko na ma'am. Sige po, bibili ako-"

"Ako na ang bahala, tara na." Sabi ko sa kanya.

Isang buwan matapos ang nangyari sa amin ni Belle, marami ang nagbago. Tama siya, dahil tinanggal siya ni Brandon. Pero mas maganda nga ang nangyari, dahil nakahanap na ng mas matino na trabaho ito, at bilang secretary ko nga. Kailangan ko pang hanapan ng pagkakamali ang dati kong sekretarya para paalisin ito. Sumakay kami sa kotse ko at nagmaneho na ako papunta sa mall. Nakaupo naman sa tabi ko si Belle, at nakatingin sa bintana.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala po, ma'am. Namimiss ko lang po ang pamilya ko..."

"Pamilya mo? Asan ba sila?"

"Nasa probinsya. Kaya nagpapadala ako ng pera sa pamilya ko. Nangako ako sa kanila na kapag nakaipon ako, dito na kami titirang lahat."

"Oh, bakit hindi ka nalang pumayag sa alok ko na-"

"Ma'am, mukha na kayong sugar mommy niyan."

Tinarayan ko si Belle.

"Anong mommy, 28 pa lang ako!"

"Mommy nga, 21 pa lang po ako..."

"7 years gap? Not bad..."

"Bakit mo binibilang ang gap natin ma'am, ha? Bad 'yan!"

"Anong bad, ikaw nga ang tumikim sa akin. E 'di mas bad ka."

"Hala... Wala po akong ginawa na ganon..."

"Che."

Pagdating sa mall, bumaba na kami ni Belle. Sinamahan ko siya sa department store, dahil maraming magagandang damit doon. Tinititigan niya ang price tag ng mga damit na nilagay ko sa cart niya.

"Ma'am? Ang mahal po nito..."

"Ako na ang bahala sa lahat, Belle."

"Kahit na, ma'am. Nakakahiya po..."

"Naku, ikaw talaga. Sige na, magsukat ka na."

Dumiretso na si Belle sa fitting room at doon isinukat ang mga binili ko sa kanya. Paglabas niya, nakangiti siya nang malaki sa akin.

"Ma'am, kasya lahat! Ang galing mo mamili... Sakto lahat sa katawan ko."

"Isukat mo, sasamahan kita."

"Ma'am, nasukat ko na-"

"Tsk. Sabi ko, hindi ba?"

"Okay po..."

May nabuong kapilyahan sa utak ko habang pumapasok ako sa fitting room. Nakangisi lang ako habang nakatingin kay Belle. Hinubad ni Belle ang damit niya, kaya tumambad ang bra niya na kulay itim at ang malulusog niyang suso, na mas malaki pa kaysa sa akin.

"Ay, 'wag na pala. Nagbago na ang isip ko." Nakangising sabi ko sa kanya.

"Okay po ma'am..."

Akmang isusuot na ni Belle ang damit niya pero hinila ko ito at inihagis sa upuan malapit sa amin. Hinawakan ko ang bewang ni Belle at idinikit ko ang katawan niya sa akin.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon