Peighton Arnaiz

1.2K 17 0
                                    

"Tell me, bakit ka ba nagkakaganyan?" Tanong sa akin ni Sharmaine, kaibigan ko.

"Hindi ko rin alam..."

"Yung totoo? Promise, hindi kita huhusgahan. Bestfriend kita, kaya dapat kong malaman kung ano ka ba talaga–"

"Ikukuwento ko, pero ipangako mo na isisikreto mo ang mga sasabihin ko."

Itinaas niya ang kanang kamay niya.

"Pangako."

*Flashback five years ago*

"Tay, sige na. Pumayag na kayo."

"Anak, hindi ako papayag. Nasimot na ang lahat ng pera natin, at yung trust fund mo nalang ang inaasahan mo."

"Tay, kaya ko nga po gagamitin sa'yo. Kahit maghirap ako, okay lang. Basta ang gusto ko, tumagal pa ang buhay mo at makasama kita nang mas matagal."

"Hindi na. Anak, hindi na kakayanin ng katawan ko ang napakaraming gamot. Kung mahal mo ako, hahayaan mo nalang ako. Anak, gusto ko nang makita ang lolo at lola mo."

"Tay, please. Kasalanan 'to ng nanay ko, e. Iniwan niya tayo."

"Anak, masama ang matanim ng sama ng loob. May dahilan–"

"Dahilan?! Ano ang idadahilan niya?! Na nakakahiya tayo?! Siya ang nagtaksil! Ako ang bunga ng pagtataksil niya... At isang napakalaking kasiraan 'yon sa akin. Bastarda na ako."

"Anak–"

"Tay, wala na akong ina. Pati i-ikaw... Ayaw ko na mawala ka. Magiging successful ako, tay. Aalagaan kita hanggang sa huling sandali mo. Gugustuhin ko na mamatay nang dahil sa katandaan, hindi dahil sa isang sakit! Sakit lang 'yan, at kayang-kaya mong gumaling. Sige na, gamitin na natin ang pera ko–"

"Desidido na ako, anak. Sige na, umuwi ka na. Tapos na ang oras ng bisita. Tatandaan mo, mahal na mahal ka ni Tatay. At kahit nasa kabilang buhay na ako... Mamahalin parin kita. Ikaw ang natatanging kayamanan ko."

"Tay–"

"Anak, okay na. Umuwi ka na."

"Babalikan kita, tay! Mangungutang ako para may maipagamot pa ako."

"Anak–"

"Tay, please. Kung ako ang natatanging kayamanan mo, ganun din ako sa'yo. Para saan pa ang paghihirap ko, kung patay ka na?!"

Lumabas na ako sa ospital saka ako dumiretso sa bahay ng mga kaibigan ko. Pinilit kong mangutang, pero hindi parin sumasapat ang ipon ko. Nangako ako sa ama ko na hindi ko gagalawin ang trust fund ko, kaya kinailangan kong sundin 'yon.

Pagkatapos ng isang linggo, tuluyan nang bumigay ang katawan ng ama ko. Nagsulputan ang nga abuloy, na umabot sa malaking halaga. Hindi ko ito tinanggap. Pinapasok ko lang sa burol ng ama ko ang mga tumulong sa akin, at ang ibang kamag-anak.

May dumating na bulaklak sa burol ng ama ko, at sinabi nila na galing ito sa napakagaling kong ina. Kinuha ko ito at itinapon sa labas ng simbahan.

"Nung walang-wala kami, hindi mo kami tinulungan. Ngayon na wala na ang ama ko, saka mo ipapadala ang lahat ng 'yan!"

Nakakasuklam ang ina ko. Kahit piso, wala kaming natanggap mula sa kanya. Saan kaya siya kumuha ng kapal ng mukha para makiramay?

*End of flashback*

"Ah, gets ko na. Happy ako na after five years, naging successful ka. Imagine, Summa Cum Laude ka? Tapos nursing pa, with matching top notcher sa exam! Magaling ka talaga!"

"Aanhin mo pa ang kasaganahan ko, kung wala na ang ama ko–"

"Sorry, nagtanong ako."

"Hindi, ah! Actually, gumaan ang loob ko. Masarap pala kapag ikinukuwento mo ang mga hinanakit mo sa buhay. Ang gaan sa loob."

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon