The Writer and The Talkshow Host

1K 8 0
                                    

Nakaupo ako sa sofa ng bahay ko habang nakaturo sa akin ang camera. Nasa tabi ko naman ang pinsan ko, habang abala sa pagme-makeup sa akin.

"Wala ba talaga akong script?" Tanong ko sa babae sa harap ko.

"Miss, wala po talaga. On the spot rin po ang questions sa inyo ni Miss Gretchen, kaya hindi pwede ang scripted na sagot."

"Ganun pala talaga? Akala ko noong una, biru-biro lang na on the spot kung magtanong si Miss Gretchen. Mali pala ako, dahil totoo nga. Ang professional kasi niya kung magtanong, at halatang sinisipat ang lahat ng impormasyon na alam niyang gustong malaman ng madla."

"Yes po Ma'am, napakagaling nga ni Ma'am Gretchen. Hinahangaan namin siyang lahat, dahil professional siya."

Biglang nagring ang phone ng kausap ko at nagulat ako nang dali-dali siyang tumakbo papunta sa pintuan ng bahay ko. Binuksan niya ang pinto at pumasok si Gretchen. Suot ang skirt niya, ang polo na kulay pink at sandals na gawa sa abaca. Sikat kasi si Gretchen sa larangan ng hosting dahil mahilig ito magpromote ng mga pinoy products. Habang lumalapit siya sa akin, sinisigurado ko kung siya ba talaga ang sobrang crush ko noon.

Noon, reporter si Gretchen sa lugar namin. Kung walang balita sa lugar namin, hindi ko siya nasisilayan sa tv. Nadiscover siya ng isang network, at kinuha bilang host ng "Know it all". Tinatalakay ng programa niya ang iba't-ibang sikat na tao, at inaalam niya lahat ng pwedeng makabenefit sa manonood. May segment naman ang palabas niya, kung saan hinahanapan niya ng butas ang iniinterview niya at binibigyan niya ito ng tsansa para i-explain ang side nila. Doon ako labis na naghanda, dahil alam ko ang tatalakayin ni Gretchen; ang tema ng libro ko.

Umupo siya sa tapat ko. Nagdekwarto at may hawak na clipboard. May ballpen ito sa kaliwang kamay. Tinitigan ko ang mukha niya, at halatang batang-bata parin ito. 25 pa lang si Gretchen, at magkaedad kami. Mas matanda lang siya ng isang buwan sa akin.

Ngumiti siya sa camera.

"Maayos ba ang face ko? Kailangan ko ba ng concealer, lipstick, anything?"

"No, you look beautiful." Sabi ko sa kanya.

"Nah, 'di mo nga nakikita ang itsura ko sa monitor." Mataray na sabi sa akin nito.

"Shit, bakit ko pala nasabi 'yon?" Nahihiyang bulong ko.

Kasalukuyang nakatutok sa mukha ni Gretchen ang camera, at ipinakita sa kanya ang rehistro ng mukha niya. Maganda si Gretchen. Maputi ang balat, mahahaba ang pilik-mata, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, at mapula ang labi. Hindi na kailangan ng retoke ni Gretchen, dahil maganda na ito noon pa.

Nakasuot siya ng salamin sa harap ko, at parang si Charo Santos ang datingan niya. Sabagay, pamangkin naman talaga ni Miss Charo si Gretchen, kaya hindi na nakakapagtaka. May maliit ito na hikaw sa tenga, at kumikinang ito sa harapan ko.

"Let's start." Sabi ni Gretchen sa akin.

"Tagalog, English, or Taglish?" Tanong ko sa kanya.

"Just use any language. Kung saan ka kumportable, doon ka."

"Okay."

"Miss Pauleen, ano ang inspirasyon mo sa pagsusulat?"

"First of all, ang magulang ko. Sinusuportahan nila ako sa passion ko, at hindi nila ako pinigilan. I remembered, they bought me novels, para daw makakuha pa ako ng ideas. Hindi sila nagkulang sa pagsuporta sa akin, dahil damang-dama ko ang pagmamahal nila. Pangalawa at huli sa lahat, ang crush ko."

"Crush? Wala ka palang kalaguyo, Miss Pauleen."

"Yes, wala. Open naman ako sa lahat na Bisexual ako, pero iisa lang ang napupusuan ko. I bet, hindi siya ready sa relationship, dahil sa career niya. At hindi rin ako mapapansin ng crush ko, dahil busy siya sa ibang bagay at wala siyang oras para sa kasiyahan."

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon