The Setup

1.2K 15 0
                                    

Unti-unting lumapit sa akin si Noah, ang boyfriend ko.

"Hi, My Princess. Happy Birthday sa'yo." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you, honey. Asan gift mo?" Nagtatampo ko na tanong sa kanya.

"Nasa sahig yun, nalaglag yata."

"Bakit? Tiles ba ang regalo mo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

Dumapa siya sa sahig at parang may hinahanap.

"Kwintas yun, e. Kaso nahulog." Malungkot na sabi niya sa akin.

"Okay lang. Kaso, mukhang mahal 'yun, e 'di papaano?"

Ngumiti siya sa akin at tumingala.

"Iba nalang. Jewelry rin, pero mas maliit."

"H-ha?"

Umayos siya ng pagkakaluhod sa harap ko at naglabas ng isang maliit na box.

"Wala nang drama. Sa 5 years natin, puro pagmamahal ang binigay ko sa'yo, na lagi mong sinusuklian. Tinanggap mo lahat ng tungkol sa akin. Tinanggap mo ang nakaraan ko. Ms. Autumn Solana Vera, gusto mo ba na maging si Mrs. Autumn Cruz?"

Tumingin ako sa mga kaibigan at kapamilya ko na nakapaligid sa akin. Lahat sila, malaki ang ngiti at pilit akong pinapa-oo.

"O-oo."

"Bakit natatakot ka?"

"Oo! Papakasalan kita." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Dali-dali siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Hinawakan niya ang kamay ko at isinuot na ang singsing.

*End of flashback*

"O, ang saya-saya mo pala nung sinagot mo siya. Bakit ngayon, parang umaatras ka?" Mapang-usisa na tanong sa akin ni Janna.

"Alam mo, pressured lang ako."

"Che, pressured ka diyan. Girl, di ka na pwedeng umatras! Nakahanda na ang reception, bridal car, saka yung simbahan. Naku, ikakasal ka na. Wala nang uusog! If I were you, magpaparty ako bago yung araw ng kasal ko. Meet new boys, hehe."

"Tulad mo pa si Autumn sa'yo? Gagawin mong lalakera?" Tanong sa kanya ni Angelu.

"Manahimik ka nga, sa akin ka nga nagpapareto ng boylets diyan."

"O, wag na magtalo. Kung magpaparty tayo, tara na." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Kinagabihan, pumunta kami sa isang local na bar. Nakasuot lang ako ng cocktail dress at high heels. Si Janna at Angelu naman, halos wala nang saplot. Malapit na mag 30 itong dalawa na 'to pero parang batang paslit kung manamit.

Binilhan muna nila ako ng inumin at saka kami lumayo. Maingay kasi ang music at hindi kami magkarinigan.

"Kamusta naman, Autumn? Nag-eenjoy ka?" Tanong ni Angelu sa akin.

"Oo naman..."

"Ay? Parang hindi." Sabi naman sa akin ni Janna.

"Pag ako ikinasal, wala na. Hindi na ako pwedeng pumunta dito, magiging mommy na ako." Malungkot na sabi ko sa kanila.

"Girl, bakit hindi ka nalang tumakas? Magpapanggap ako na lalaki, tapos tututol ako sa kasal niyo. Itatakbo kita tapos sasakay tayo sa kotse."

Lumiwanag ang mukha ko.

"Naku, Angelu. Alam mo, hindi forever ang kabataan natin. Kailangan natin magsettle sa iisang tao. Anong gusto mo? 45 ka na tapos gumigiling ka pa sa parties? Ang sagwa nun, hindi ba?"

"Okay, fine." Nakaismid na sagot ni Angelu kay Janna. "Saglit, bakit ganyan ka Autumn? May nangyari ba?"

"A-ah... K-kasi..."

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon