The Fashion Designer

1.2K 8 0
                                    

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ko nang marinig ko ang malakas na kalabog sa mesang kinahihigaan ko. Naningkit ang mga mata ko, at pilit kong inaninag ang taong gumawa ng ingay.

"Melinda!" Sigaw nito sa akin.

"Ano nanaman ba?" Inis na sabi ko dito, dahil nasira nito ang pagtulog ko.

"Tignan mo 'yan." Sabi nito, habang nakaturo sa magazine sa harapan ko.

Kinuha ko ito, at binasa ang unang pahina.

"O, anong mayroon?"

"Gaga."

Kinuha niya sa akin ang magazine, at inilapag ito sa harap ko. Ipinakita niya sa akin ang cover nito, at itinuro ang suot na gown ni Lucy Torres.

"Kita mo ba 'yan? Ikaw ang nagtahi niyan, hindi ba? Nakita ko sa Facebook ang comments tungkol sa damit niya."

"Anu-anong sinabi? Pangit daw?"

"Hindi! Ang ganda daw ng pagkakagawa mo, at parang sasali sa beauty pageant si Mrs. Lucy. Nung nalaman nila na ikaw ang gumawa niyan, dumagsa ang gustong magpagawa ng damit sa'yo. In-schedule ko na silang lahat."

"Nag-schedule ka? Without my permission?"

"Huwag ka nang magalit! Ikaw lang ang magpo-front, para kunwari ikaw ang gumawa. Ako na ang bahala. Ang over naman..."

"Kahit na. Pandaraya ang balak mo–"

"Mandaya man o hindi, same parin. Kikita parin tayo. Mas kikita nga lang tayo kapag nandadaya. Hindi ka pwedeng umangal, dahil ako ang boss mo. You should be thankful na in-acknowledge ko sa lahat na ikaw ang gumawa ng gown, gayong pwede namang ako ang magpakilala na gumawa ng gowns mo."

Tumahimik nalang ako, at hindi na ako umangal dito. Tumayo ito ng tuwid, at tinitigan ako nang matalim.

"Baka sabihin mo, masama akong boss."

"Hindi..."

"Pupunta si Josephine Brandanillo, abangan mo. Siya ang nauna sa appointments mo, dahil magpapagawa daw siya ng maraming gown. Ikaw ang magmeasure, at magpakita ka ng sketches mo. Ako na ang gagawa."

"Para namang may choice ako." Naiinis na bulong ko.

"Ano?"

"I mean, sige ba! Para may choices sila sa gawa ko. Magpapakita ako ng sketches, tapos ipe-present ko sa'yo ang final na napili niya."

"Good. Ganyan ang gusto ko."

Umalis na ito at binalot ako ng kakaibang kalungkutan. Lungkot, dahil para akong bilanggo sa isang hawla. Lagi nalang ganito, ang minamanipula ako. Gusto kong magtayo ng fashion brand ko, pero lagi akong sinasabihan ng boss ko na hindi ko kayang tumayo sa sariling mga paa ko. Nagpapadala nalang ako sa mga sinasabi nito, at hinayaan ko nalang ito. Malaki-laki naman ang kinikita ko, pero aware ako na mas malaki ang mapupunta sa bulsa ko kapag nagkaroon ako ng sariling trademark. Ipinipikit ko nalang ang mga mata ko palagi, at ini-imagine na isa akong sikat na designer, at maraming nagkakandarapa sa akin. Sa ganoong paraan, gumagaan ang loob ko.

Pagkatapos ng isang oras ng pag-aayos ko sa mesa ko, nakarinig ako ng katok. Pumasok doon si Josephine, at may nakasunod dito na babae.

Femme Lesbian si Josephine, at mahilig ito sa mga damit at sobrang hilig magpaganda. Tuwing may events ang pamilya nila, sa akin nagpapagawa ito. Malaki-laki rin ang kinikita ko, dahil hindi bababa sa tatlo ang pinapatahi nito sa akin. Suki ko na ito, at malaki ang utang na loob ko dito dahil laging ako ang nire-refer niya sa mga kaibigan niyang mayayaman.

May gusto sa akin si Josephine, pero ako ang nambusted dito. Hindi ko siya gusto, dahil masama ang ugali niya. Napansin ko 'yon nang harap-harapan niyang sampalin ng malakas ang katulong niya noon. Nagulat ito nang makita na nasa kanila ang tingin ko, at nagbait-baitan sa harap ko. Simula noon, nawala na ang anumang paghanga ko kay Josephine.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon