CEO And Her Dirty Lil' Secrets 2/2

1.2K 10 0
                                    

"Carol, call Nelia immediately." Utos ko sa kanya.

"Ma'am, hindi po ba-"

"No questions! Tawagan mo na!"

"O-opo..."

Inutusan ko pa siya na kalkalin ang papeles ko at yung naiwan na biodata sa mesa ko sa taas.

Pagkaabot niya sa akin, dali-dali kong dinial ang numero ni Nelia. Hindi na ito sumasagot, at nagloloko pa ang reception ng phone ko.

Pati sa social media, hinanap ko na siya. Pero walang nangyari, deactivated lahat.

"Shit ka, Cecelia. Dahil lang sa init ng katawan, nagkakaganito ka?!" Tanong ko sa sarili ko.

"Ma'am, naririnig kita." Pang-aasar sa akin ni Carol. "Ikaw ha, may nangyari pala nung binisita ka-"

"Che! Manahimik ka!"

Lumipas ang araw, pati ang mga buwan. Hindi na ako masyadong umasa na magkikita ulit kami ni Nolan, at nakakalimutan ko na rin ang nangyari.

Si Carol, siya nalang ang pinagkaabalahan ko. Lagi siyang nasa office ko, kaya sa kanya ko nalang binuhos ang interes ko.

Nagkaroon kami ng Party sa kompanya. Siyempre, ako ang star of the night. Nakasuot ako ng long gown. Mukha akong ikakasal doon pero laglag-panga ang karamihan sa kanila.

"Ma'am, gusto mo belo?" Tanong sa akin ni Carol.

"Che, tigilan mo ako. Pagkaabalahan mo ang sarili mo diyan."

Nakaapat na glass ako ng wine pero nanatili akong nakatayo.

Dumating ang oras na sasayaw na ang lahat. Marami ang umaya sa akin para makipagsayaw, pero tinaggihan ko lang sila. Lima yata ang lumapit sa akin? O mas marami pa? Hindi ko mabilang.

Lagi ko nalang sinasabi na nasira ang sapatos ko o masakit ang paa ko. Satisfied na ako habang pinapanood ang lahat. Ang saya-saya nila. Para kaming nasa isang palasyo at lahat sila, mga prinsipe at prinsesa.

May isang babaeng nakamask ang lumapit sa akin. Nakasuot ito ng simple na dress pero ang ganda ng pagkakagawa. Natatakpan ng buong maskara ang mukha niya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"You look so beautiful tonight." Papuri niya sa akin.

"Thank You."

"Pwede ba?"

"Sorry, hindi ako nakikipagsayaw-"

Tinanggal niya ang mask niya at tumambad sa akin si Nolan. Nanlaki ang mata ko.

"Bakit ka andito?!"

"Bakit, ayaw mo ba?"

"H-ha? K-kasi..."

Tinulungan niya akong tumayo at sinamahan maglakad. Lahat ng tao nasa party, maliban sa ibang umaalis na o kakarating pa lang. Kahit guard kasi, pinasama ko na.

Tahimik lang kami na naglalakad papunta sa likod ng building.

"Bakit ka bumalik?" Tanong ko sa kanya.

"K-kasi..."

"Ano?"

"Hinahanap rin kita."

"Bakit mo naman ako hahanapin?"

"Kasi... Gusto kita?"

"Patanong?"

"Simula nung may nangyari sa atin, nakonsensya ako."

"Ibig mong sabihin?"

"CEO ka, hindi ba? Dapat gets mo na!"

"Ang alin nga kasi?"

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon