Hacienda Mirasol 2/2

878 9 0
                                    

Paggising ko kinabukasan, wala na si Ava sa tabi ko. Bumangon ako at tinitigan ang sarili ko. Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ko at nagulat ako dahil nakahubad ako.

"Huh? Anong nangyari?"

"Good Morning!" Nakangiti na bati ni Ava sa akin.

Galing siya sa kusina ko at may nilapag siya na pagkain sa mesa ko. Tumayo ako at binalot ang sarili ko ng kumot. Dumiretso ako sa kuwarto ko at naligo sa banyo. Nagbihis na ako at umupo saglit sa kama para mag-ayos.

"Mali ito..." Bulong ko sa sarili ko.

Mali na pinagsamantalahan ko ang apo ng Donya. O siya ang nanamantala sa akin? Magulo. Mali ang ginawa namin, at ayaw ko na lumalim pa ito.

Bumaba na ako at umupo sa harap niya. Hawak niya ang cellphone niya pero nang marinig niya ang kubyertos ko na tumutunog, ibinaba na niya ito at nagsimulang kumain. Iniiwasan ko siya ng tingin dahil ang lagkit ng pagtingin niya sa akin.

"Quentine, galit ka ba?" Tanong niya sa akin.

Shit, 'yan yung tinanong niya sa akin bago niya ako halikan. Unti-unting bumabalik lahat ng memories na ginawa namin kagabi. Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

"Ayaw mo ba yung nagawa ko? Sorry, ha?"

"O-okay lang..."

"Iniiwasan mo ba ako?"

"H-hindi..."

"Bakit tipid ka sumagot?"

"Kasi nahihiya ako."

"Saan? Sa nangyari last night?"

"Kasi apo ka ni Donya Annalita, tapos hinayaan ko yung ganito."

"May mali ba?"

"Hindi mo ba nakukuha ang pinupunto ko?"

"What? The cliché na nababasa mo? Bawal ang langit sa lupa? Ganon? You're funny, ano? Hindi na ganon ang mundo ngayon. You can have sex with anyone. Kahit sino, pwede mong mahalin. Hindi na importante ngayon ang katayuan sa buhay."

"Yung sinabi mo kagabi-"

"Na mahal kita? I mean it, Quentine."

"Sigurado ka ba-"

"I though at first sinabi ko yun dahil nga sa miracle na nangyari kagabi. Pero hindi, sinabi ko talaga yun dahil yun ang nararamdaman ko."

"Talaga?"

"Oo nga. Wag ka nang makulit, baka mabago ang isip ko."

Kumain na kami ni Ava at pagkatapos, lumabas na kami.

"I-tour mo nga ako dito, kasi hindi ko pa nalilibot ito nang buo."

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Inikot ko siya sa buong hacienda at pinakita sa kanya ang paborito kong puno.

"Ayan, matanda na yung puno na 'yan."

"Mangoes yan. Am I right?"

"Oo, indian mangoes. Ang sarap ng bunga niyan."

"Masarap sana, kaso walang matamis-"

"Kukuha kita."

"Paano? Wala tayong panungkit."

Tinawanan ko siya.

"Nalimutan mo na ba na laking probinsya ako? Aakyatin ko yung puno, siyempre."

Pinahawak ko sa kanya ang tsinelas ko at umakyat na dito.

"Quentine, mag-ingat ka!" Sigaw niya sa akin.

"Kaya ko 'to, sanay na ako."

Kumuha ako ng maraming mangga at hinagis ito kay Ava. Pinisil ko muna, matamis daw kasi ang gusto niya. Nagpakuha siya ng basket sa isang trabahador niya at doon niya nilagay ang mangga. Bumaba na ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hawak ko ang basket habang siya, nililibot ang paningin niya.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon