Elevator 3

950 9 0
                                    

"Nadya, ikaw na ang bahala sa mga ipapalagay ni ma'am, please?" Pagmamakaawa sa akin ni Mercy.

Bagay sa kanya ang pangalan niya, puro makaawa.

"Ano ba ang gagawin ko?"

"Ito." Naglapag siya ng papeles sa table ko. "Pakidala naman ito sa stock room, o."

Ay shit! Oo nga, magkikita kami ni Dianne sa stockroom. Dali-dali kong kinuha ang inilapag niya at patakbong pumunta sa stock room. Nakasalubong ko si Clara, na kalat-kalat ang lipstick.

"O, anong nangyari Clara?" Tanong ko. "Para kang nilaplap ng Janitor Fish diyan."

"Janitor Fish? O Ma'am Dianne?" Tanong niya sa akin.

"Hinalikan ka ni Ma'am Dianne?!" May halong selos sa boses na tanong ko sa kanya.

"Oo, sinunggaban ako kanina sa stock room. Shit, ang hot niya."

Nilagpasan ko na si Clara at dumiretso sa stock room. Andun si Dianne, pinupunasan ang labi niya ng tissue. Tinitigan ko siya kaagad ng masama at napansin ko na natakot siya nang bahagya.

"N-nakasalubong mo ba si Clara?" Tanong niya sa akin.

"Oo, sarap na sarap nga sa pakikipaghalikan sa'yo, e."

Tumayo siya. "H-hala... Mali ang iniisip mo. Akala ko kasi i-ikaw..."

"Magsama kayo! Nako, idadamay niyo pa ako sa kababuyan ninyo!" Sigaw ko.

Dali-dali akong lumabas sa office at naglakad papunta sa kalsada sa labas. Gaga ba siya? Lumang palusot yung nagkamali siya ng akala. Kung nagkamali siya, bakit hinayaan niya na lumalim pa ang paghahalikan nila?! Bakit?!

Akala niya ba, libog lang ang nararamdaman ko sa kanya?! Mali siya! Mahal ko siya, mahal na mahal!

Biglang nasira ang pagmumuni-muni ko nang may mabangga ako na bata. Tumalsik ito nang bahagya at may tumakbo rin na isang bata papunta dito.

"Julius, okay ka lang?" Tanong ng batang babae dito.

"Okay lang ako. Ikaw po ate, okay ka lang po ba?" Tanong sa akin nito.

"Aba?! Yung ale na nga yung nakabangga sa'yo, siya pa inaalala mo?!"

Tumayo ang bata. Lumapit ako dito at pinagpag ang tuhod niya. Nagsorry na rin ako.

"Sorry po sa kapatid ko na si Anastasia, masungit po talaga yan." Natatawang sabi sa akin nito.

"Mga anak! Bakit andiyan kayo?! Nako, kanina ko pa kayo hinahanap!" Sigaw ng isang babae.

"Mommy, tinamaan nung ale si Julius." Sumbong ni Anastasia.

"Ay, hindi ko po sadya." Sabi ko sa babae.

"Okay lang yun. Anak, dito ka lang kasi. Kanina ka pa namin hinahanap ni Mommy Chel mo..."

"Shannara!" Sigaw ng isang babae. "Andiyan na pala kayo! Kayong kambal talaga, ang likot ninyo! Ang sakit niyo sa ulo..."

Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa bahay. Masama parin ang loob ko dahil sa nakita ko. Nagseselos ako nang sobra sa nakita ko.

May kumatok sa pinto ko at pinagbuksan ko yon. Andun pala si Vivian at Shiela, mga kapitbahay ko.

"Gusto mo ng macaroni?" Tanong sa akin ni Vivian. Inilagay niya ito sa kamay ko. "Wag ka na tumanggi, niluto namin yan."

"Kainin mo yan, mukhang malungkot ka." Sabi sa akin ni Shiela.

"Sige ha, salamat!" Nakangiting sabi ko sa kanila.

Isinara ko na ang pintuan ko at inilagay ang binigay nila sa mesa. Mainit pa, at baka mapanis pag nilagay ko sa ref.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon