Belle Villa Final

1K 12 0
                                    

Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa tahanan ni Belle. Tinawagan ko siya habang nagmamaneho ako.

"Hello, Ma'am?"

"Belle, handa ka na ba? Susunduin na kita..."

"Ready na po, ma'am..."

"Puro ka ma'am, Cheska nalang kasi."

"Ma'am Cheska?"

"Sanayin mo naman ang sarili mo, Belle. Cheska nalang ang itawag mo-"

"Ma'am, baka mamaya aksidente kitang matawag na Cheska sa opisina. Nakakahiya po kasi..."

"Bahala ka, sige na. Goodbye."

"Goodbye."

Pagdating ko sa bahay ni Belle, binuksan ko na kagad ang pinto. May duplicate key kasi ako sa bahay niya, dahil binigyan ako ni Belle ng kopya. Lumibot ako sa tahanan ni Belle, at hindi ko siya makita. Sinilip ko ang banyo, pero nakalabas na siya dito. Mabango ang banyo niya, at halatang kakatapos lang maligo ni Belle. Sumilip naman ako sa bintana, at baka nasa labas si Belle. Huling pinuntahan ko, ang kwarto niya. Nandoon siya sa loob, at nakatuwalya lang. Nanlaki ang mata niya pagkakita sa akin.

"Ma'am, ang bilis niyo naman po! Akala ko, mamaya niyo pa ako susunduin. Hindi pa po ako bihis..."

"Take your time, Belle."

Inayos na ni Belle ang isusuot niya at ipinatong ito sa kama. Nagdekuwatro naman ako habang pinapanood ito. Hindi pa nagsusuklay si Belle, at tumutulo ang tubig hanggang sa balikat niya. Natatakam ako sa itsura niya, at nag-iinit ang pakiramdam ko. Mestiza kasi si Belle, at litaw na litaw ang kaputian nito sa tuwalya na bumabalot sa kanya.

"Ma'am, first day ko ngayon! Excited po ako..."

"Sila rin, excited. Hindi ba't, ipinakilala kila kila Zane? Gusto ka nilang makatrabaho, dahil maganda daw ang ugali mo."

"Ma'am, magbibihis na po ako..."

"Anong gagawin ko?"

"Ma'am, tumalikod po kayo hehehe..."

Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at itinabi ko sa bedside table ang salamin ko. Tumayo ako at lumapit kay Belle. Idinikit ko ang hintuturo ko sa leeg niya. Tinitigan ko ang mga mata nito at naglapit ang mga mukha namin.

"Sabi ko, huwag mo akong tatawaging ma'am kapag wala tayong dalawa sa trabaho."

"Ma'am..."

Lumunok siya nang paulit-ulit habang nakatingin sa akin. Sinisimulan ko nang tanggalin ang pinakababang butones ng suot ko habang nakatingin nang matalim dito. Kinagat naman ni Belle ang labi niya, habang inaantay ang susunod na hakbang ko. Niyakap ko si Belle kaya saktung-sakto ang pagdidikit ng mga labi namin. Hinawakan ko siya sa likod at hinahanap ang nakaipit na parte ng tuwalya sa kanya.

Gumanti naman ng halik si Belle at inilabas na nito ang dila niya, dahilan para magfrenchkiss kami. Naghahalo na ulit ang mga laway namin, at dikit na dikit ang mga katawan namin. Hinubad ko na ang polo ko at ipinatong ko sa kama ni Belle. Niyakap naman ako nito at tinanggal ang hook ng bra ko, at inihagis niya rin ang bra ko sa kama. Kahit naghahalo pa lang ang mga laway namin, pinuno na ng halik ni Belle ang leeg ko. Nakakagat ko naman ang labi ko habang hinahanap ng mga kamay ko ang iniipitan ng dulo ng tuwalya niya.

"Hmm... Belle naman... Ang sarap a-ah..."

"Ikaw ang pumilit sa akin, magdudusa ka..."

Nahanap na ng mga kamay ko ang iniipitan ng tuwalya niya kaya nahila ko ito. Tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Belle, at talagang nakakatakam ito. Maliit ang bewang niya, maputi ang suso at matambok ang puwitan niya. Hinimas ko kaagad ang puwitan ni Belle habang hinahalikan niya ang leeg ko.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon