Belle Villa 1

1.4K 16 0
                                    

"Belle, asan ang boss mo?" Tanong ko rito.

"M-ma'am... Yun na nga po. Si Sir, kasama si Ma'am Savannah..."

"Anong ginagawa?" Taas-kilay kong tanong.

"M-ma'am..."

"Anong ma'am?! Ano nga ang ginagawa nila?!"

Namuo ang luha sa mga mata ni Belle at yumuko ito.

"Naglalampungan po-"

Hindi ko na pinatapos si Belle sa pagsasalita at tumakbo ako papunta sa office ni Brandon. Doon tumambad sa akin si Savannah, na nakabra lang at nakapatong kay Brando na topless rin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila at hinawakan ko sa buhok si Savannah.

Hinila at kinaladkad ko siya palabas ng office ni Brandon. Nagbibihis pa lang si Brandon, pero nasa labas na si Savannah. Nilampaso ko siya sa sahig na parang isang dugyot na basahan. Nakahawak naman ito sa kamay ko at nagmamakaawa.

"M-ma'am! Masakit po..."

"O, 'di ba makati ka? Ikamot mo ang sarili mo sa sahig..."

"Cheska! Tumigil ka na!" Sigaw sa akin ni Brandon.

Hinila ko pa lalo si Savannah hanggang sa magkagulo ang mga tao doon. Tuwang-tuwa talaga ako dahil nakabra lang ito, at pahiyang-pahiya na siya sa ginagawa ko. Nagpapapadyak na si Savannah sa sobrang sakit at halos kalbuhin ko na talaga si Savannah.

"Ma'am! Tama na!"

"Anong tama na?! Ikaw ang tama na! Apat na beses, apat na beses kitang inihiwalay sa asawa ko! Pero grabe ang kati mo, kahit yata paliguan kita ng muriatic acid mangangati ka parin."

"M-ma'am..."

Binitawan ko na ang buhok ni Savannah at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Nakita niyo 'yan?! Nahuli ko yan na nakikipaglampungan sa asawa ko! Sabihin niyo, dapat ba na ginagalang ang mga tulad ni Savannah Dizon?!"

Lumapit sa kanya si Brandon at binalot niya ang katawan ni Savannah.

"Enough, Cheska! Sobra ka na!"

"Anong sobra-"

"Alam mo kung bakit hindi nagwo-work ang relationship natin?"

"Bakit?!"

"Dahil lagi kang busy! Ambisyosa ka! Alam mo ba, andito si Savannah tuwing wala ka! Lahat ng pangangailangan ng pagkalalaki ko, naibibigay niya. Ikaw, ano ang naibigay mo sa akin? Puro sakit sa ulo, puro problema!"

Namumuo na ang luha sa mga mata ko pero pinilit ko na titigan sila nang masama.

"Alam mo, ayaw ko na sa'yo. You're obsessive. Masyado kang marahas!"

"N-naging marahas ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo-"

"Pagmamahal?! Ano ang pagmamahal sa ginawa mo?! Sana man lang, hinayaan mo na magpaliwanag ako-"

"Paliwanag?! For God's sake, lagi kitang pinapalagpas! Pero ngayon na nakita ko na talaga kayo, nandidiri ako! Nakakadiri ka! Nagsisisi ako, n-na pinakasalan k-kita!"

Tumakbo na ako paalis sa eksena nila at dumiretso ako sa opisina ng kaibigan ko sa baba. Hindi ako dito nagtatrabaho, dahil magkaiba kami ng pinag-aralan ni Brandon. Kumatok ako dito at pinagbuksan ako ni Kimberly.

"F-friend, aalis ako..." Sabi niya.

"H-hala, kailangan kita..."

Biglang pumasok sa office niya si Belle.

"Ma'am Cheska, pwede po ba kitang makausap?"

"Friend, may kausap ka na. Bye!"

Lumabas na ito sa office niya at naiwanan kaming dalawa ni Belle sa loob.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon