Hacienda Mirasol 1/2

1.3K 13 0
                                    

"Quen, tawag ka ni Donya Annalita!" Sigaw sa akin ng katrabaho ko.

"Saglit lang. Tinatapos ko lang ito."

Naglakad ako papunta sa mga kwadra at tinapos ang pagpapakain sa mga inaalagaan kong kabayo. Nakatapos na akong magpakain ng sampu, at pinakain ko na ang natitirang iba. Hinuli ko si Stag, ang paborito kong kabayo. Ito ang pinakamabilis sa lahat ng Stallion Horses dito, at siya ang pinaka nakakasundo ko. Lagi ko siyang kinakausap, at pakiramdam ko, nakukuwentuhan ko siya.

"Hello! Kumusta ka?" Nakangiting bati ko sa kanya.

Naglagay na ako ng maraming damo sa kainan niya. Pinuno ko na rin ang inuman niya.

"Alam mo ba, inaalok ako ni Donya DeSilvanos na magtrabaho sa Maynila. Pero ang sabi ko, huwag na. Dito na ako sa Hacienda Mirasol lumaki, kaya sa malamang... Dito na rin ako mamamayapa."

Normal lang naman na kausapin ang kabayo, hindi ba? Hindi lang normal kapag sumagot na ito sa'yo.

Lumabas na ako at inutusan ang isa kong trabahador.

"Pinakain ko na silang lahat. Ikaw, linisin mo nalang ang kulungan nila."

Dali-dali akong tumakbo sa bahay ni Donya Annalita at dumiretso sa kwarto niya. Nagmano muna ako bago umupo sa kama niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Quentine, hija."

"Po?"

"Hindi mo na ba tatanggapin ang alok ko na maging tagapamahala ko sa Maynila?"

"Pasensya na po, hindi talaga. Mas pipiliin ko nalang na maging resident dito sa Cassandra Farmland kaysa pumunta sa Maynila."

"Kita mo nga naman..."

"Ang alin po?"

"Magkaiba talaga ang mga kabataan. May taga probinsya na ayaw magpunta sa Maynila, may taga-Maynila na ayaw magpunta dito sa probinsya..."

"P-po?"

"Wala. Ang sinasabi ko lang, marami ka pang panahon. Pag-isipan mo ang lahat, at wag kang magpadalus-dalos."

"Donya-"

"Quentine Zara, sige na. Magpapahinga pa ako."

Kapag buong pangalan ko na ang sinasabi niya, pinapatigil na niya talaga ako. Tumayo na ako at nagpaalam.

Dumiretso na ako sa tinutuluyan ko at nahiga sa kama. Walang pasok bukas, dahil Sabado. Tumayo na ulit ako at nagpalit ng damit. Tumambay muna ako sa kwadra at binalikan si Stag. Umupo ako sa tabi niya.

"Hoy, wag mo na ako sisipain ah." Natatawang sabi ko sa kanya.

Huminga ako nang malalim. Hinaplus-haplos ko rin ang gilid ni Stag at nagsimula nang magkuwento.

"Alam mo, gusto ni Donya na tumuloy ako sa Maynila. Tapos mamamahala ako doon sa poultry farm niya. Ang dami niyang pinagkakakitaan. Dapat ba tanggapin ko 'yon?"

Tumingin ako kay Stag at hinaplos ulit ang gilid niya.

"Oo, gusto ko na kumita ng malaki. Pero lahat kayo dito, malaki ang naging ambag sa buhay ko."

Lumikha ng ingay si Stag.

"O, kinikilig ka? Naku, ikaw talaga."

Tumungtong ako at umupo ako sa likod niya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Lahat kayo dito, kapatid na ang turing ko. Nanay ko na si Donya. Ikaw, parang matalik kitang kaibigan. Siguro dito na ako mag-aasawa."

Bigla itong humakbang nang malakas at muntikan na akong mahulog.

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon