Mga Kababalaghan sa Isla 2/2

1.1K 9 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Yesha, hindi na ulit ito nagpakita sa restaurant. Napag-alaman ko sa resort staff na andoon parin si Yesha, at baka balakin na niyang tumira doon dahil kumpare ng papa niya ang may-ari ng resort.

Isang buwan pagkatapos ng pagkawala niya, nasisilayan ko na ulit si Yesha. Hindi na ito bumalik sa restaurant, at nakikita ko na siyang pumapasok sa katabi naming kainan.

Dumating ang araw ng day off ko, kaya nagpunta ulit ako sa beach para magtampisaw. Absent si Trisha dahil may aasikasuhin ito, kaya hinayaan ko nalang. Nahagip ang mga mata ko ng mga naglalaro ng volleyball. Napansin ko kaagad si Yesha, na nakasuot ng two-piece bikini. Kulay brown naman ito, at balanse lang ang kulay sa kanya. Pinapanood ko lang ito habang tuwang-tuwa ito sa pag-spike ng bola. Magaling maglaro si Yesha, at mabilis silang makapuntos kapag siya ang nagse-serve sa bola. Nag-aalugan naman ang mga suso nito kada hampas niya sa bola, na pansin na pansin ko kahit malayo ang kinalulugaran ko.

Pinanood ko sila hanggang sa matapos sila sa paglalaro. Nang matapos sila, tumayo ako at pinagpagan ko ang sarili ko. Naglakad ako papunta sa direksyon ni Yesha. Hinawakan ko ang braso nito, at kaagad siyang lumingon sa akin.

"Ano ba ang kailangan mo, Tessie?" Tanong nito sa akin.

"Gusto sana kitang makausap..."

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Tapos na ang nangyari, hindi ba?"

"Pag-usapan lang natin yung atin..."

"Ano ba ang meron sa atin?" Makahulugang tanong ni Yesha sa akin.

"Hindi mo ako pinapatahimik. Nasasaktan ako dahil sa ginawa ko sa'yo..."

"Nagi-guilty ka kasi. O siya, pinapatawad na kita..."

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Nung sinabi ko ang nararamdaman ko, totoo 'yon."

"Pero, kayo parin ni Trisha. Ayaw ko na guluhin kayo, dahil alam ko naman na nagmamahalan kayo..."

"Kung iiwan ko si Trisha, anong gagawin mo?"

"Huwag. Magagalit ang kapatid ko."

"K-kapatid mo si Trisha?!"

"H-ha?"

Yumuko ito at napatingin sa mga paa niya. Kinamot rin nito ang braso niya, habang nakatingin sa sahig.

"K-kapatid mo ba si Trisha?"

"O-oo..."

"Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Wala ka namang konesyon sa amin, hindi ba?"

"Sana sinabi mo-"

"Kaya ako andito, para ibigay sa kapatid ko ang titulo ng bahay nila. Kinuha ito ng mama ko sa ina ni Trisha, kaya ibibigay ko na."

"Alam ni Trisha na ikaw ang pumatay sa ina niya?"

"Oo. Pero hindi niya alam ang itsura ko, dahil hindi ito pinayagan na dumalo sa korte. Hindi rin naman nagku-krus ang mga landas namin. Pwede ba na ikaw nalang ang magbigay sa kanya?"

"Sige, sasamahan kita."

Umakyat na kami sa kwarto ni Yesha. Umupo ako sa kama, habang busy ito sa paghahalungkat sa maliit na closet sa tabi niya. Nang makita ang hinahanap, dali-dali niyang inabot ito sa akin.

"Sabihin mo nalang, ipinapabigay ito ng pinsan ng tatay niya. Para hindi na magtaka, at hindi na siya umusisa pa..."

"Wala si Trisha, absent kasi. Pero kapag pumasok siya bukas, ibibigay ko sa kanya."

"Salamat, ha? Mag-iingat ka sa labas."

"Pwede ba kitang makausap? Hindi tungkol dito, tungol sa atin."

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon