CHAPTER 02

158 12 0
                                    

Jane/Zurielle's POV

Halos mahimatay ako sa gulat ng malaman kung nasaan ako ngayon, and the reason kung bakit malaki ang galit niya sa suot kong dress ay dahil ang dress na 'yun ang nagpahiya kay Charlotte noon sa isang tea party.

Ito kasi ang sinuot ni Zurielle noon at nagkataong kapareho silang dalawa ni Charlotte, at dahil asawa ng isang Duke si Zurielle ay mas pinanigan nila ang side nito at pinahiya si Charlotte.

Nalaman 'yun ni Vile at pinatapon niya ang dress na ito pero ayaw ni Zurielle, kaya malaki ang galit niya sa dress na 'to, psh. Pati dress kinamumuhian, villain nga naman.

"Ayos lang po ba kayo, my lady?" Napatigil ako sa pag iling ng magtanong si Myulan.

Napansin ko rin ang mga tao sa paligid na nakatingin sakin, g@gi nagmukha ba akong baliw!?

"Ah oo, ayos lang ako" saad ko na lang at itinuon ang atensiyon sa natirang cupcake ko.

Kasalukuyan akong kumakain sa isang restaurant dito, dahil ayaw akong pakainin ni Vile ay dito na lang ako sa labas.

Mabuti na lang si Zurielle 'yung nagmamanage ng perang pumapasok at lumalabas sa mansion ng Lancester, kaya eto ginastos ko.

Pero syempre kaunti lang 'yung kinuha ko, baka singilin pa ako tapos wala akong pambayad edi paktay ako, siya pa naman villain at ayoko talaga sa kaniya.

Malas ko lang at nandito ako ngayon sa katawan ng asawa niya na mamamatay din in the future, tsk. Ano pa bang silbi ng pagpunta ko rito kung mamamatay din.

Inubos ko na ang natirang cupcake, buti na lang kahit papano ay nagkalaman ang tiyan ko pero kulang pa rin eh, gutom pa ako T^T

Magkakapera lang ako iuubos ko talaga sa pagkain. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Napalingon ako ng may marinig na sigaw ng bata, doon nakita ko ang tatlong bata na pinagtutulungan ang isang bata na ngayon ay nakaupo sa lupa.

Sa nakikita ko ay mukhang nabunggo ng batang nakaupo ang tatlong bata, pero sobra naman ata na sigawan nila siya, saka humihingi na nga ng tawad oh.

Hindi ko natiis ang nakikita ko kaya nilapitan ko sila. "Excuse me, anong nangyayari dito?"

Napalingon naman sakin ang mga bata, para namang natakot ang tatlong bata sa presensiya ko. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong pake, wala pa naman akong ginagawa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa bata, tumango naman ito kaya tinulongan ko siya sa pagtayo.

Nilingon ko naman yung tatlong bata, nagtatago ang dalawang bata sa likod ng batang nasa gitna. "Dapat nagpapatawad kayo, nagsabi naman na siya ng sorry diba?"

Nagulat ako ng biglang umiyak ang batang babae, wala naman akong ginawa ba't siya umiyak!?

Hindi ko alam kung paano magpatahan ng bata, jusme! Akmang lalapitan ko ang tatlong bata ng may tumawag sa kanila.

"Sam?" Napalingon ang batang nasa gitna sa babaeng lumapit samin.

Sunod naman ay napatingin ito sa batang babae na kasalukuyang umiiyak, don't tell me siya ang mama nila?

"Oh Bea, ba't ka umiiyak?" Tanong nito sa kaniya, hindi naman sumagot ang bata at niyakap lang siya habang umiiyak.

Sana naman hindi niya ma-misunderstand ang nangyayari 'no, tiningnan ko na lang ang bata na ngayon ay nakahawak sa dress ko habang natatakot na nakatingin sa kaharap namin.

Napalingon ulit ako sa babae na ngayon ay nakatingin din pala sakin. "Ikaw ba ang nagpaiyak kay Bea?"

Napakunot naman ang noo ko sa deretsong tanong nito, aba hindi man lang nagtanong kung anong nangyari.

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now