CHAPTER 13

166 10 0
                                    

Third Person's POV

"Yna"

Napaigtad ang babae ng marinig niya ang kaniyang pangalan. "B-Boss?"

"Narinig ko mula kay Limuel ang nangyari, bakit hindi mo napatay ang babae?" Malamig na tanong ng boss nito sa kaniya, napalunok naman ang babae sa kaba.

"H-Hindi ko rin po alam b--"

"BAKIT HINDI MO ALAM!!" galit na saad ng boss nito at hinampas ng malakas ang mesang gawa sa kahoy na naging dahilan ng pagka wasak nito.

"M-Mukhang may kung anong pumoprotekta rito, sinubukan ko siyang patamaan ng dalawang beses pero parang tumatalbog lang ito palayo sa kaniya" nakayukong saad ng babae.

Huminga ng malalim ang lalaki saka nilagok ang hawak na baso ng wine. "Sino ba ang babaeng 'to?"

"S-Siya po ang Duchess ng Lancester--"

Napapikit ang babae at hindi na natuloy ang sinasabi nito ng mabasag ang hawak hawak na baso ng lalaki.

"Ang babaeng 'yun...hindi ba't pinatay ko na siya noon? Kung ganun nakaligtas pala siya" saad nito sa sarili. "Yna, bantayan mo ang bawat kilos nito. Baka magiging hadlang siya sa hinaharap"

"Masusunod, hindi ko na uulitin ang parehong kapalpakan"

"Umalis ka na" saad ng lalaki rito na agad namang sinunod ng babae.

"Zurielle, bakit buhay ka pa. Hindi ka na dapat nabuhay pa, sisiguruhin kong mamatay ka na sa susunod na magkakaharap tayo"

******

Jane/Zurielle's POV

"Is she really her?"

"Uh-huh! She's pretty, right!"

"Hey hey, don't get near her!"

"Ow! I just want to see her face closer!"

"You three, can you shut your mouth up! You might wake her up--"

"Then that's good! I badly wanna talk to her"

Arghh! Sino ba ang mga taong 'to? Ang iingay! Kitang may natutulog rito oh.

Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ang mga taong 'yun, pero kumunot ang noo ko ng makilala ko kung sino sila.

"Sister Zuri!!" Napadaing ako ng bigla na lang siyang tumalon sakin.

"Ow! T-That hurts.." mabilis itong bumangon sa pagkakapatong sakin.

"S-Sorry--"

"Huno! Why did you do that"

"S-Sorry, Big brother"

What are these four doing in my room? Dahan dahan akong bumangon sa higaan at inobserbahan silang apat.

"Yuri, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Zack, he's Zurielle's big brother.

Napalingon naman ako sa tatlong kambal, they were Zurielle's cousins. Mabuti na lang talaga at nasa akin ang memorya ni Zurielle. "Yeah, I'm fine--" nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinila at niyakap.

"Don't make us worry again, yuri" naramdaman kong may likidong tumulo sa balikat ko, doon ko napansin na umiiyak pala ito.

I caressed his hair and pat his back to calm him. "I won't, I promise" hindi na talaga ito mauulit, pero hindi ko masasabing hindi ulit ako masasaktan ng ganito.

Ngayon na nakealam ako sa grupo nila, paniguradong tutugisin nila ako o di kaya ay nagbigay na sila ng taong magbabantay sa bawat kilos ko ngayon.

Kaya kailangan kong mag ingat. "You already said that to us before but you did it again"

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now