CHAPTER 14

169 10 0
                                    

Jane/Zurielle's POV

Nandito ako sa harap ng pinto ng drawing room, kakakain ko lang ay bigla akong pinatawag dahil may bisita raw ako.

Bumuntong hininga ako saka pumasok, doon may nakita akong dalawang taong nakaupo sa couch at isa na doon si Lux.

"Greetings" bahagya akong yumuko para magbigay respeto.

"Duchess Lancester, please sit down" kagaya ng sinabi ni Lux ay umupo ako sa kaharap na couch.

"This is Viscount Bourgell, he is an inspector" pagpapakilala ni Lux sa katabi niyang lalaki.

"Greetings, my lady" teka...inspector? Wait lang nandito ba sila para dakipin ako!! Don't tell me sinisisi nila ako sa pagkamatay ng mga lalaking 'yun?!!

"Inspector? Uunahan ko na kayo, kung pag uusapan natin ang tungkol sa nangyari ay wala akong alam, hindi ako ang pumatay at hindi ko kilala kung sino ang taong yun" deretsang saad ko.

I don't know that woman pero alam ko kung saang grupo siya, kung alam ko lang kung anong chapter ngayon ay malalaman ko sana kung saan ang hide out nila ngayon.

Marami silang hide out, dahil palipat lipat sila ng lugar. "Relax, Duchess Lancester. We're just here to ask you some details. You said hindi mo kilala ang taong yun pero hindi mo sinabing hindi mo siya nakita, right? So you did see that person, ang taong pumatay sa mga lalaking 'yun"

Oh, so they're here para magtanong. Wews medyo nakahinga ako doon, akala ko gagawin nila akong suspect.

"Don't worry, Duchess, you're not a suspect. We just need your cooperation, as you can see there are serial killers at umabot na sila ngayon sa Capital"

"What!" Ganun ka bilis?! Muntik ko ng masabi, kung nasa capital na sila ibig sabihin lang nun ay malapit na rin ang kamatayan ko.

Napatingin ako sa dalawa, should I help them? Pero ayoko namang masangkot pa sa kahit anong bagay, kailangan kong mag focus para mailigtas ang buhay ko 'no.

"Sorry, pero wala akong maitutulong sa inyo" saad ko, I know them pero ayokong tumulong. Malaki na ang nagbago sa istorya dahil sakin at ayokong masira ito lalo.

"But can you just describe to us kung ano ang mukha ng taong nakita mo" saad ng inspector.

"There are two of them that time, one is a woman and the other one I don't know, that's all I can say" also they are my prey, kung sakali mang makakaligtas ako sa paraan ng pagkamatay ni Zurielle ay mamatay naman ako sa delubyong dadating.

"Please excuse me, your highness, inspector" saad ko at yumuko bago umalis.

Pagkalabas ko ng pinto ay napabuntong hininga ako, I already decided. Matapos kong makatakas sa darating na kamatayan ko ay sila naman ang isusunod ko.

Wala naman akong magagawa dahil kahit na magpakalayo-layo ako ay tutugisin ako ng grupo nila, kung sino man ang makakaalam o makakita ng mukha nila ay kailangang patayin. Yan ang batas ng grupo nila.

Now that I saw that woman's face, for sure ay hindi nila ako patatahimikin, nadaanan ko ang mga maids na naghahanap pa rin sa bulaklak, ano ba kasing nangyari rito habang tulog ako?

"Myulan, samahan mo ko sa kwarto ko" tawag ko rito, ngayon ko lang naalala na wala pala 'yung dagger at kwintas ko, kailangan ko ang mga 'yun.

Tumango lang si Myulan at sumunod sakin, nang makarating kami sa kwarto ay mabilis kong hinila si Myulan papasok.

"Myulan, sino ang nagbihis sakin?" Tanong ko rito.

"Ako po, my lady. Bakit--"

"Yung kwintas...yung kwintas at dagger ko sa bulsa ng dress, nakita mo ba!?"

Nag isip pa ito sandali. "Ah! Opo, may nakita ako. Itinabi ko 'yun sa loob ng closet mo, my lady"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, mabilis siyang lumapit sa walk in closet ni Zurielle at may kinuha doon.

May inilabas siyang lalagyan at binuksan 'yun pagdating sa harap ko, nakita ko doon ang kwintas at dagger na hinahanap ko.

Kinuha ko ang kwintas at sinuot, sunod naman ay ang dagger. Sa tuwing nahahawakan ko ito ay may kakaiba akong nararamdaman, para bang mas lumalakas ako at mas napapakiramdaman ko ang nasa paligid.

Iwinasiwas ko sa ere ang dagger at napangiti, tiningnan ko si Myulan na ngayon ay nakatingin ng may paghanga.

"Myulan, pwede mo na akong iwan. Sabihin mo agad sakin kapag nahanap mo na ang bulaklak" saad ko, bahagya lang yumuko si Myulan at lumabas na ng kwarto.

Nang masigurong wala na siya ay mabilis akong pumunta sa study table ni Zurielle, sa ilalim non ay may pinindot akong button. May nagbukas naman sa ilalim na agad kong hinila saka kinuha ang nasa loob.

Binuksan ko ang librong kinuha ko, dito ko isinulat ang lahat ng mga naalala ko sa story. Inilipat ko ang mga pahina at hinanap ang susunod na mangyayari.

Napahinto ako sa parteng sinulat ko kung saan ang grupo nila ay nakarating na sa Capital, binasa ko ito at napahinto sa isang linyang nabasa ko.

"The young prince Pierre will die..." basa ko rito, napatakip ako sa bibig at naalala ang bunsong kapatid ni Lux. "On the same day one of the Duchess will also die" pagbasa ko sa sunod na linya.

Lalo akong nagulat ng ma realize ang nakasulat, one of the duchess will die? Walang ibang Duchess ang namatay sa story kung di ay si Zurielle lang.

Bakit hindi ko 'to na realize nong sinusulat ko ito!? Ang tanga ko talaga! Now what should I do, ngayon ay naalala ko nga na mamamatay si Pierre at ilang araw ang nagdaan ay ibinalita rin ang pagkamatay ng isang Duchess which is si Zurielle!

What should I do!? Pierre died--he was killed by that group and Zurielle died dahil sa mga natamo niyang sugat na hindi agad naipagamot.

Nong binabasa ko lang ito ay hindi ako naaawa sa pagkamatay ni Pierre lalo na't dalawang beses lang naman inilabas sa story si Pierre pero ngayon na kilala ko siya ay parang nakakaramdam ako ng awa.

I want to save that kid pero papaano kung hindi ako aabot sa tamang oras, papaano kung natakasan ko nga ang kamatayan ko pero hindi ko naman maililigtas si Pierre...

I know he's just a character but he's only a kid...masiyado pa siyang bata para mamatay. Napahilamos ako sa mukha at sinirado ang libro, I have decided, I will save that kid no matter what happens.

Ibinalik ko sa sikretong lalagyan ang libro at lumabas sa kwarto, gusto kong magpahangin sa garden.

Bakit kasi kailangan pang patayin siya, ang bata pa niya para mamatay. Narinig ko ang tawag sakin ni Zack pero hindi ko ito nilingon, gusto ko munang mapag isa sa ngayon.

I need to change my plans...no, wait. Hindi ko na pala kailangang ibahin, dadagdagan ko na lang ang plano ko but for now I need to refresh my mind.

Pumunta ako sa paboritong pwesto ko sa garden, ang pinaka gitna ng garden, ang parteng 'yun ang pinaka paborito ko. Nakakagaan lang kasi ang hangin at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak sa hangin.

Lumiko ako at mabilis na lumakad papalapit sa pwesto ko pero...

"Vile, why are you so quiet today?" It was Charlotte's voice.

Napapansin ko lang ah, bakit palaging magkasama ang dalawang 'to? Hindi ba dapat si Lux dapat ang kasama niya?

"It's nothing" tanging narinig ko lang mula kay Vile.

"You're so cold, is something bothering you?" Napairap na lang ako sa hangin, ewan ko ba pero naiirita ako sa kanila.

Talagang sa paboritong spot ko pa talaga sila naglalandian, hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Nothing"

"Your eyes were telling different though--" napahinto ang dalawa matapos ko silang lampasan.

Umupo ako sa isang bemch sa di kalayuan sa kanilang pwesto, umupo ako doon at napatingin sa kanilang dalawa.

"What? Oh don't mind me, I'm just here to refresh my mind" nakangiting saad ko sa kanila.
________

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now