CHAPTER 04

150 12 0
                                    

Jane's/Zurielle's POV

Nakauwi ako sa mansion ay halos alas dos na ng hapon, pagkarating ko ay wala si Vile, tapos na rin ang trabaho ko sa opisina ni Zurielle kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa sa library.

Hindi naman pwedeng umasa ako sa story na 'yun, hirap pag nasa totoong mundo ka mismo. Marami pa akong hindi alam sa mundong 'to, puro kasi naka focus sa fl na walang ibang ginawa kundi pag agawan ng mga lalaki at kasali na si Vile doon malamang.

Isinarado ko ang libro matapos makaabot sa last page, pang apat na libro na 'to patungkol sa histories at businesses lang naman ang laman.

Ngayon lang ako sinipag magbasa ng ganito dahil gusto kong mabuhay ng may alam, baka mapaghalataan na nila ako at ipapapatay pa ako.

Anong oras na kaya? Wala pa akong kain, baka nandito na si Vile at bawal na naman akong kumain sa dining.

Naalala ko rin ang kontrata ng dalawa, talaga ngang nagmukha akong weird sa mata nilang lahat.

*****
"I'll accept this proposal on one condition"

Malawak akong napangiti sa narinig. "Kahit ano sabihin mo lang!"

"I'll have three rules that you can't ever break" malamig nitong saad, napaisip naman ako. It's fine as long as he accept my proposal, right?

"Okay, I wanna hear your rules"

"Okay then, first rule, you can't touch me unless if I'll give you my permission. Second, you can't eat with me. Third, I can love another girl"

Unti unting nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa mga sinabi niya, is it really okay? "If you're fine with those rules, you can do whatever you want"

Right, it's only three rules at magiging asawa niya ako. Maybe magbabago rin siya kapag nagsama na kami, I will make him fall inlove with me! Don't lose hope, Zuri. As long as you're his wife you can have him sooner!

"Okay!"
*****
Ang t@nga niya, bakit ba masiyado siyang inlove sa lalaking 'yun? Ganun ba talaga kapag magmamahal ka? Kung hindi ka lang nabaliw sa lalaking 'yun edi sana masaya ka pa rin at hindi sinasaktan niya.

Napailing na lang ako ng maalala ang memoryang nakita ko, ibinalik ko na lang ang mga librong kinuha sa tamang lalagyan saka lumabas na sa library.

Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom kaya napag isipan kong pumunta sa dining, sana lang at wala siya doon.

Wala na masiyadong maid sa daan kaya siguro gabi na, ang iba sa mga maid ngayon ay paniguradong nagpapahinga na.

Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa dining area, malayo pa ako ay kitang kita ko na ang ibang maids na nasa pinto ng dining area. Anong meron?

Lumapit ako doon at mukhang napansin naman nila ako, namumukhaan ko ang iba sa kanila. Sila 'yung mga nagtatrabaho sa dining area, bale sila 'yung nagse-serve ng mga pagkain.

"Greetings, Lady Zurielle" sabay na saad nila at yumuko pa, konektado ata utak nila.

"Anong meron? Bakit nandito kayong lahat?" Takang tanong ko.

"P-Pinalabas po kami ng Duke, my lady" sagot ng isa sa mga maids.

Bad timing naman, nandito agad siya? Usually ay hindi siya umuuwi ng ganitong oras, tsk. Sana pala kumain na lang ako ng maaga.

Bawal bang pumasok? Sa pagkakaalam ko ay dalawang pinto lang ang daanan papuntang kusina ang isa ay nasa loob ng dining area ang isa naman ay kailangan mo pang umikot papuntang gilid ng mansion, balak ko sanang magluto na lang at sa kusina na kumain.

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now