CHAPTER 12

288 19 5
                                    

Jane/Zurielle's POV

I'm currently walking para bumalik sa kalesa pero...kanina pa ata ako pabalik balik sa lugar na 'to? It's already dark at alas syete na ng gabi.

Sana pala nagpasama na lang ako, alam ko naman 'yung daan kanina eh...n-nakalimutan ko lang.

Hayst Anong gagawin ko? Baka nga umuwi na 'yun sila eh, wala rin akong makitang mga kalesa sa daan. Tapos nilalayuan naman ako ng mga tao kung susubukan kong lumapit at magtanong.

Napasandal ako sa isang pader para magpahinga muna kakalakad, masiyado nang masakit ang paa ko lalo na't naka heels ako.

"Mmm...mmm!"

Kumunot ang noo ko ng parang may narinig ako, lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa napansin ko ang madilim na parte ng lugar na nasa gilid ko.

Sumilip ako doon pero wala naman akong makita dahil sa sobrang dilim, hindi ko na lang 'yun pinansin at baka guni guni ko lang.

Akmang lalakad ulit ako ng may nagtakip sa bibig ko at hinila ako sa madilim na parte, dahil sa gulat ay mabilis kong inapakan ang paa niya saka siniko ang tyan niya, dahil don ay nakatakas ako sa bisig ng kung sino mang tao ang humila sakin.

"Who are you people?" Malamig na tanong ko, nasanay na ang mata ko sa dilim kaya alam ko na kung ilan ang bilang nila.

Napatingin naman ako sa hubo't hubad na babae sa likoran nila, they were raping someone huh at balak nila na ako ang isunod?

Ano 'to? Deja vu? Nangyari na rin 'to dati sa mundo ko ah, anyway let's just focus. Mukhang wala silang balak sumagot, pero sino namang t@nga ang sasagot sa tanong kong 'yun.

"Binibini, nakita kasi namin na mag isa ka kaya sasamahan ka namin" hindi ko man masiyadong naaaninag ang mukha nila ay alam kong nakangisi silang lahat.

Nasa anim ang bilang nila, kailangan ko lang tapusin 'to saka tulongan ang babaeng 'yun. "Kung gusto mo ay ihahatid ka pa namin, mukhang kanina ka pa kasi naliligaw"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng isang lalaki, kung ganun ay sila pala 'yung nararamdaman kong sumusunod sakin?

"Hindi ko kailangan ang tulong niyo, kilala niyo ba ang kinakausap niyo ngayon?" Seryosong tanong ko, nagsitinginan naman silang lahat sa isa't isa saka nagtawanan.

"Hahahaha binibini wala kaming pakealam kung sino ka man, alam mo sinasayang mo lang ang oras namin eh" saad ng lalaki saka sinenyasan ang kasamahan niya na dakpin ako.

Mabilis akong kumilos at iniwasan ang mga kamay nila para hindi nila ako madakip, nang makakita ng pagkakataon ay malakas kong siniko ang dibdib ng lalaki na ikinasuka niya ng dugo.

Napangiti ako, kahit papano ay malakas pa rin ako kahit na nasa ibang katawan na ako ngayon. Sunod ay sinapak ko ang mukha ng lalaking nasa kanan ko, hinila ko naman ang braso ng isa pang lalaki na nasa harap ko at sinalubong ito ng malakas na suntok sa mukha.

Naipatumba ko ang tatlong sinusubukang dakpin ako saka nginisihan ang lalaki na mukhang leader nila.

"Mga walang silbi, isang babae lang 'yan bakit hindi niyo siya magawang dakipin!"

Dahan dahang tumayo ang tatlong pinatumba ko at pumwesto sa likod ng tatlo pang natira. "P-pasensya na boss, sadyang marunong lang siya makipag--"

"Tahimik, walang kwenta!" Galit na sigaw ng boss nila.

Napa poker face na lang ako, pati pala rito ay madami ring mukhang adik. "Binibini, kung hindi ka lang sana nanlaban ay matatapos sana ito ng maayos" saad nito na halata ang kalaswaang binabalak sa mukha, isa-isa silang naglabas ng patalim at dahan dahang lumapit saakin.

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now