CHAPTER 06

147 11 0
                                    

Jane's/Zurielle's POV

As days passed, paulit ulit kong napapanaginipan ang parehong bangungot. Pero sa paulit ulit na nangyayari ay unti unti rin itong nag iiba.

Katulad na lang sa napanaginipan ko kagabi, Charlotte was rape and it's because of me, I'm the one who plotted it. Though it's just a dream but it feels real, para bang nasa ibang mundo ako tuwing natutulog.

Napabuntong hininga na lang ako, nandito ako ngayon sa garden, inuubos ang oras sa pagtanaw sa mababango at magagandang bulaklak.

Hindi ako mahilig sa bulaklak pero naging habit ko na ang pagpunta rito sa tuwing nag aaway kami ni Vile, na i-stress ako sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ni Vile.

Hindi ko naman magawang makipaghiwalay sa kaniya dahil may kailangan pa ako, wala rin kasi akong mapupuntahan kapag nakipaghiwalay ako.

Zurielle's family abandoned her, pinili ni Zurielle na pakasalan si Vile na sobrang against naman ng pamilya nito pero dahil masiyadong bulag itong si Zurielle sa pag ibig ay mas pinili niyang talikoran ang pamilya niya.

Nang maramdaman kong maayos na ako ay nagsimula akong lumakad, hindi ko pa nalilibot ang buong mansion kaya naisipan kong ngayon na lang 'yun gawin.

Sinundan ko lang ang daan sa garden, hindi ko pa napupuntahan dito na parte ng garden. Nakakapagtaka nga dahil sobrang laki ng mansion, ilang ektarya kaya 'to?

"Hah!"

Napatingin ako sa paligid ng may marinig na boses, saan ba 'yun galing? Hinawi ko ang mga damong nakaharang sa harap ko hanggang sa muntik na akong mahulog sa bangin.

Bangin nga ba? Tiningnan ko ang ibaba at doon ay may nakitang isang tao na mukhang nag eensayo ng espadang gawa sa kahoy.

I think isa itong training place ng mga kawal? Nandito lang pala 'yun, then this means nandito rin siya!!

Youm, isang side character at ang isang kawal na kaibigan o mas magandang sabihin na kababata ni Zurielle. Matagal ko ng hinahanap ang lugar na 'to, mabuti na lang talaga at nakita ko na, siya talaga ang pakay ko rito eh.

Youm entered in the Lancester's Ducal and applied as a knight, sinadya niyang pumasok dito para mabantayan si Zurielle.

Ayoko naman magtanong kay Vile o kay Myulan, 'no. Basta ayoko lang, baka kasi kung anong isipin nila, iba pa naman mga utak  ng mga taga rito.

Tatalikod na sana ako ng bigla akong natapilok! Puno ng gulat at kaba ang naramdaman ko ng unti unti akong nahulog, may kalaliman pa naman at semento pa ang sahig!

Ito na ba!? Dito na ba ako mamatay!! Ang aga masiyado, isang buwan pa nga lang ako rito! No no no, someone...help me!

Napapikit na lang ako ng malapit na akong bumagsak, kung may diyos man dito sana dinggin mo ang panalangin ko, may magliligtas sana sakin! Yung gwapo sana--joke lang po, help me uwahh!

.

.

.

Areh? Ilang minuto na ang nagdaan ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng sakit sa katawan, dahan dahan kong binuksan ang dalawang mata ko at halos masilaw sa kagwapohan ng taong nakikita ko--joke, oa.

"Uhmm s-salama--aray!" Napadaing ako ng bigla na lang niya akong binitawan dahilan ng pagkabagsak ng pwet ko.

"Ang tagal mo kasing bumaba, akala mo magaan" dinig kong saad nito at tinalikoran ako.

"Heh! Magpapasalamat na sana ako pero wag na lang! Shete ang sakit ng balakang ko!" Dahan dahan akong tumayo habang hinihimas ang pwet, ang sakit talaga.

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now