Jane's/Zurielle's POV
"My lady, tumigil na kayo kakasimangot" saad ni Myulan na inaayos ang buhok ko.
Paano ba ako di sisimangot kung papasuotin niya ako ng dilaw na dress, ayoko nga sa dilaw, hmp!
"Kailan ba kasi dadating 'yung mga binili kong damit?" Nakasimangot na saad ko.
Nakita ko naman ang pagngiti nito, ewan ko kung anong nginingiti niya hays. "Masiyadong madami ang binili niyo, my lady. Saka maraming malapit na dressing store ay doon pa talaga kayo sa malayo bumili"
Eh sa 'yun ang store na magiging sikat in the future, atleast ako ang magiging first buyer nila, diba. Hindi ko na lang siya sinagot at tumayo na ng makitang tapos na siya.
"Ang ganda niyo po, my lady!" Puri niya, hindi ko siya pinansin at tiningnan ang sarili sa isang whole length mirror.
Totoo ngang maganda si Zurielle pero masasabi kong hindi bagay ang kulay dilaw sa kaniya, hindi ba bagay o ayaw ko lang sa kulay? Siguro both.
Lumabas na ako ng kwarto, naghihintay na 'yung kalesa sa labas. Bihis na bihis ako ngayon dahil pupunta ako sa isang tea party na inimbitahan ako.
It's been a week, since the day I woke up in this world. Wala akong ibang ginawa kung di ang gawin ang trabahong binilin ni Zurielle sakin! Saka wala atang araw na hindi kami nag aaway ng lalaking 'yon.
Yes, I mean Vile! And speaking of the devil, nakita ko itong lumabas sa isang kwarto at saktong nagkatinginan kami.
Hindi ko ine-expect na magkalapit lang pala kami ng kwarto, dahil sa loob ng pitong araw hindi ko siya nakitang natutulog! Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Ano na naman ang problema niya?
Nilampasan ko na lang siya at nagkunyareng wala siya sa paningin ko, sa loob ng isang linggo puro pag iwas lang ang ginawa ko.
Ayokong magaya sa totoong Zurielle na sa kaniya nabubuntong ang galit ni Vile kaya ang ending ay kawawa siya, ayoko 'no! My second chance na ako kaya gusto kong mabuhay ayon sa gusto ko.
"Where are you going?" Napahinto ako ng marinig na nagsalita siya.
Hindi ko ito nilingon. "It's none of your business" feeling cool ang anteh niyo, pero wahhhh mukha talaga akong cool don 'no!! Nababasa ko kasi ganun eh, kaya gaya gaya ang lola.
I heard him scoffed pero di ko na 'yun pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad, dzuh ayoko munang makipagsagutan sa kaniya.
Nakasakay na ako sa isang kalesa at kasalukuyang bumabyahe papunta sa mansion ng Crollus, ang bunsong anak ng mga Crollus invited me on her tea party.
Sa totoo lang marami akong invitation na narecieve, wala akong balak pumili sa mga 'yon pero si Myulan ay naminilit, kailangan raw pumili ako kahit isa sa isang linggo.
Diba nakakapagod 'yon? I hate socializing in my past life tapos dito sasali sali ako sa mga tea party na super unfamiliar sakin.
Huminto na ang kalesa at binuksan ng kutsero ang pinto, nilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman.
Pagkababa ay napatingin ako sa ganda ng mansion, pero walang katapat 'to sa ganda ng mansion ni Vile.
Pagbukas ng pinto ay may isang babae ang bumungad samin, bahagya itong yumuko. "Greetings, Lady Zurielle. Ako nga pala ang mayordoma ng Crollus. Lady Chlea is waiting on the greenhouse"
Nginitian ko lang ito at saka sinundan siya sa paglalakad, dinala niya ako sa greenhouse kuno. Ang akala ko talaga ay kulay green na bahay 'yun pala it's surrounded by a glass wall and full of flowers.
YOU ARE READING
The Villain Is My Husband
RandomA Girl who was reincarnated inside of the book she has read, she died tragically and woke up as one of the characters who will die sooner. But for her, the worst was the villain is her husband, whom the character she hate the most. "T-THE VILLAIN IS...