CHAPTER 18

129 9 0
                                    

Zurielle's POV

Napahinto ako sa pagtakbo ng may mga lalaki ang humarang sa daanan ko, napakuyom ako ng kamao ng makilala ko ang suot nila.

Mga bandido, sila na ba 'yun?

"Saan ka pupunta, binibini?" Malaswa ang tingin ng lalaki sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napahakbang ako paatras nang sinubukan nilang lumapit sakin, nagsitawanan naman sila ng makita nila ang reaksyon ko.

"Bakit nag iisa ang isang magandang binibini sa gitna ng gubat?" Nakangising tanong ng lalaki.

Hinawakan ko ng mahigpit ang patalim ko at naghahanda sa kung ano mang gagawin nila.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kaba, hindi ko alam pero bigla akong natakot kahit alam ko namang kaya ko silang labanan.

Hindi...kinakabahan ako dahil iniisip ko na baka dito na lang talaga ako lalo na't tinadhana akong mamatay sa mga sandaling ito.

No no! Don't think like that, nagpakahirap ako para malampasan ang sandaling ito, hindi ako mamamatay!

And I will save that kid, no matter what happens! Sinubukang hawakan ng isang bandido ang braso ko pero mabilis ko itong sinipa na ikinatumba niya.

Inilabas ko ang patalim ko at humanda na sa labanang magaganap.

Tiningnan lang ng mga bandido ang kasamahan niyang nakasalampak sa lupa saka napatawa ng malakas.

"Hahahaha isang binibini lang pala magpapatumba sayo"

"Hindi ko alam na ganito ka pala kahina choks hahahaha"

Napangiwi na lang ako sa pangalang itinawag sa kanya, wala na bang ibang maisip ang author ang pangit ng tawag sa kaniya kasing pangit ng mukha niya.

"Manahimik kayo, dakpin niyo na lang ang babae kagaya ng inutos satin"

"Dadakipin agad natin? Hindi ba't wala naman siyang sinabi na bawal natin galawin ang babaeng 'to"

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi nila, may nag utos sa kanila? Pero sino? At sinong gustong magpapatay sakin?

"Tama, mukhang masarap ang binibining ito" nagsimula silang lumapit sakin na may malalaswang tingin, kinilabutan ako dahil doon.

Isa isa kong sinipa ang mga ito pero may nakahawak sa paa ko at hinila papalapit sa kanila kaya nahawakan ako ng iba.

Kinilabutan ako sa paraan ng paghawak nila at sa mga daliri nika na naglalakbay paibaba sa katawan ko, hindi!

Hindi! Kailangan kong makawala! Gamit ang dagger na hawak ay isa isa kong pinutol ang mga daliri nila na ikinahiyaw nila sa sobrang sakit.

"W-Walanghiya ka!" Sigaw ng isang lalaki at mabilis akong nilusob.

Napayuko ako ng umatake siya gamit ang hawak nitong malaking patalim, ng makitang hindi naka depensa ang tyan niya ay mabilis ko itong sinaksak at pwersahang itinulak na ikinatumba niya.

Sumuka ito ng dugo at nagsisisigaw sa sakit. Sunod sunod na silang nagdi lusob at puro iwas at sangga ang ginawa ko, ang iba naman ay nasusugatan ko.

Ilang minutong labanan ang nangyari ay halos naitumba ko na ang karamihan sa kanila, sa ngayon ay may tatlo pang natitirang nakatayo.

Mga sugatan na ito pero parang hindi man lang nila iyong nararamdaman, akmang lulusob ako ng bigla na lang akong natumba dahil sa palaso na tumama sa braso ko.

"Sh-Sh!t" daing ko, paanong nasugatan ako? Hindi na ba talaga gumagana ang kwintas?

Napahawak ako sa leeg ko pero nagtaka ako ng wala doon ang kwintas.

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now