Jane's/Zurielle's POV
*****
Huh? Nasaan ako? Wala akong makita kundi puro kadiliman lang."Hello?" Nagulat ako ng mag echo ang boses ko sa buong lugar.
Nagsimula akong lumakad pero wala atang hangganan ang lugar na 'to, umikot ako at tiningnan ang buong paligid ng unti unti itong nagbago.
Gubat? Anong...paanong nandito ako? T-Teka, nasa panaginip ba ako? I slap my face at wala nga akong naramdamang sakit pero bakit parang totoo talaga ito?
"H-Help!" Napatingin ako sa paligid ng may marinig na sumigaw.
"Help me please!!" Narinig ko na naman ito, sunod naman ay may mga nagtatawanan, para akong kinilabutan sa naririnig ngayon.
Sinundan ko ang ingay at dinala ako sa isang daan, napatingin ako sa di kalayuan ng mapansing may mga lalaki doon.
Curious akong lumapit sa kanila, doon ay napansin ko na pinagkakagulohan nila ang isang babae.
Hahawakan ko na sana ang isang lalaki ng akma niyang hubaran ang babae nang tumagos lang ang kamay ko, wth?
Napatingin ulit ako sa babae ng mapansing pamilyar ito, napahawak ako sa bibig ng makilala kung sino 'yun.
'Z-Zurielle?'
Sinubukan kong hampasin ang mga lalaking hinahalik halikan siya pero wala itong silbi, tumatagos lang ako at mukhang hindi rin nila ako napapansin.
Puno ng tawanan at mala demonyong ngiti ang lugar habang naririnig ang malakas na paghingi ng tulong ni Zurielle.
Napaupo na lang ako sa lupa ng wala akong magawa, napapanood ko kung paano nila ito binaboy. Ito ba....ito ba ang nangyari sa kaniya, ito ba ang parte kung saan ni r@pe siya?
Unti unti ay bigla akong nakaramdam ng hilo at pagkatapos ay agad din itong nawala, nagulat ako ng nasa harapan ko ang mga lalaking nangbaboy kay Zurielle.
N-No wait, what am I doing here? Bakit nandito ako sa kalagayan niya?! What the h*ll?! "No no no, don't touch me!!" Sigaw ko pero pinagtatawanan lang nila ako.
Wala akong nararamdaman at hindi ko makontrol ang katawan ko pero nandidiri ako sa mga ginagawa nila lalo na't nasa katawan ako ni Zurielle.
Unti unti ay nakaramdam ako ng antok, bago pa man tuluyang nagdilim ang paningin ko ay may pamilyar na tao akong nakita mula sa isang puno na nasa likod ng mga lalaking 'to.
Bakit hindi niya ako tinutulongan?
*****"My lady....my lady...!" Habol hininga akong napabangon sa higaan, sobrang sikip ng dibdib ko na para ba akong nalulunod.
"My lady, buti naman at gising na kayo" dinig ko ang pag aalala ni Myulan pero hindi ako makapag focus sa kaniya.
Paulit ulit na nag f-flash sa isipan ko ang taong nakita ko, bakit nanonood lang siya? Bakit hindi siya tumulong? At parang natutuwa siya sa nakikita niya, para bang...siya ang may pakana ng lahat ng nangyari.
"My lady?" Napatingin ako kay Myulan. "Kanina ko pa po kayo ginigising, mukhang binabangungot po kayo"
Bangungot? But it feels so real, mabuti naman at panaginip lang 'yun. Ayokong isipin na ang importanteng tauhan sa librong 'yun ay ang may pakana sa nangyari kay Zurielle.
Pero imposible nga naman 'yon dahil hindi pa naman 'yun nangyayari, pero may tsansang mangyayari at totoo nga 'yun dahil hindi naman ipinaliwanag ang mismong nangyari kay Zurielle habang nire-r@pe siya.
Napahilamos ako sa mukha, masiyado akong nagpakampante. Hindi ko naisip ang paparating na kamatayan ni Zurielle.
Kailangan kong iwasan ang pangyayaring 'yun, ayokong...ayokong mangyari sakin 'yun. Nakakapandiri, kahit panaginip lang 'yun ay halos maiyak ako.
YOU ARE READING
The Villain Is My Husband
RandomA Girl who was reincarnated inside of the book she has read, she died tragically and woke up as one of the characters who will die sooner. But for her, the worst was the villain is her husband, whom the character she hate the most. "T-THE VILLAIN IS...