CHAPTER 11

188 14 0
                                    

Jane/Zurielle's POV

Napabuntong hininga ako at mabilis na inubos ang pagkain ko, napatingin ako sa mga kasama ko at napabuntong hininga ulit.

"Sunod naman nating puntahan ay ang paborito kong shop store, for sure magugustohan niyo rin 'yun" napairap ako sa sinabi ni Charlotte, mukhang napansin naman 'yun ni Lux na nasa harap ko lang.

Bakit ba ako nasama dito? Hayst kainis, kung wala lang sana akong sinadya rito ay hindi sana ako sasama.

*****

Kasalukuyan akong nagbabasa ng isang libro patungkol sa medisina ng bigla na lang bumukas ang pinto ng walang pasabi.

"Ano ba naman, Myulan, matuto kang kumatok" saad ko habang nasa librong binabasa pa rin ang tingin.

"Come with me" kumunot ang noo ko ng hindi boses ni Myulan ang narinig ko, napaangat ang tingin ko at saktong nagtagpo ang tingin naming dalawa.

Anong ginagawa ng lalaking 'to rito? "At bakit naman? Saan mo naman ako dadalhin?" Mataray na saad ko, hindi ko alam kung anong nakain niya pero hinding hindi ako sasama sa kaniya.

Baka kung ano pang gawin nita sakin, malay mo siya pala ang papatay sakin at hindi 'yung mga bandido, may malaking galit pa naman siya sakin.

Binalik ko na lang sa libro ang tingin ng hindi ito nagsalita. "Czeron" huh?

Napalingon ulit ako sa kaniya ng marinig ang pamilyar na pangalan ng isang lugar. "Come with me to the Czeron, also don't misunderstood it I'm just doing this because it's her favor"

Nawalan ako ng interest sa sinabi niya, mukhang kilala ko na kung sinong 'her' ang ibig niyang sabihin. "Me? No thanks, ayokong maging hadlang sa date niyo" saad ko at nagbasa na lang ulit sa libro.

"Tsk" inis na atungal nito at may nilapag sa mesa, tiningnan ko 'yun at binasa.

I see, it's a letter from Charlotte. She want me to come with them para pangbawi niya sa nagawa niya, pero mas lalong ayokong sumama, magmumukha lang akong third wheel.

"Just tell her that I'm not interes--" napahinto ako ng may maalala. Sakto! May kailangan nga pala ako sa lugar na 'yun, this is my opportunity! "On second thought, I'll come with you"

*****

That's what happened, kaya heto ako at napasama sa kanila. Akala ko nga lang talaga ay makakatakas ako kaso hindi, lalo na't kanina ko pa napapansin itong si Lux na mukhang binabantayan ang bawat kilos ko.

Ewan ko nga ba at bakit nandito rin ang male lead, nagmukha tuloy 'tong double date...pero atleast hindi na ako magmumukhang third wheel.

Napa poker face na lang ako habang nakatayo sa sulok ng store, nandito kami sa favorite shop 'kuno' ni Charlotte na talagang magugustohan daw namin.

Kaso ang boring dito, mas maganda pa mga gawa ni Julia kesa sa mga 'to eh. "Why don't you try and buy some dress"

Napalingon ako sa katabi ko. "Why don't you also try and buy some for you, my lord?"

Napatingin ito sa ibang direksyon. "I..uhh..I have no experience..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ah! Come to think of it, lumaki nga pala siya sa loob lang ng palasyo, kahit kailan ay hindi pa siya nakapunta sa ganitong lugar.

I find it cute, he looks like a lost puppy right now. "Pfft.." hindi ko napigilang matawa, tiningnan ko ito na ngayon ay namumula ang tainga.

May sakit ba siya? "Ayos ka lang ba? Mukhang namumula kayo, your highness"

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now