Mia's Pov
Nandito ako ngayon na office ni ma'am. Gusto ko sana sya makausap tungkol doon sa play. Hindi ko pa rin talaga kaya umarte! Mamaya dyan ako pa ang magbigay ng kahihiyan sa klase namin. Di ko na alam gagawin ko.
"So what's the matter Miss. Frost? Im busy so please be hurry." Pagtatanung ni ma'am habang nakatingin lang sa mga papers nya.
I cleared my throat before i speak. Im so nervous.
"Ma'am ayoko pong gumanap na cess." Diretso kong sagot.
Napa angat bigla ng tingin sakin si ma'am ng seryoso at inayos ang salamin nya bago nya ulit ibalik ang tingin sa ginagawa.
Nagpatuloy ako. "Di ko po kaya ma'am. Di ko po kayang umarte. Baka magcause lang ako ng disapointment nyo. Baka---"
Napatigil at napatitig ako kay ma'am dahil sa sinabi nya. "So don't disapoint me Miss. Frost." Sabi ni ma'am ng hindi pa rin nakatingin sakin.
Biglang nag angat ng tingin sakin si ma'am at tumingin ng seryoso sa akin. "Pumayag ako na maging ikaw si cess di dahil sa sinabi lang ni Miss. Beaumont. Kundi dahil may tiwala ako sayo Mia Erise Frost."
Napatahimik ako sa sinabi ni ma'am. Natamaan ako. Si ma'am may tiwala sakin pero ako sa sarili ko wala akong tiwala.
Sila Polly at mga kaibigan at kaklase ko may tiwala na magagawa ko ito pero sa sarili kong ako wala akong tiwala. Parang nakakapangliit.
Di ako makatingin kay ma'am cruz. Nahihiya ako sakanya. Nanliliit ako sa sarili ko. Di na ko makapagsalita pa. Yung determinasyon ko na hindi na talaga ako sasali ng play biglang nawala. Yung mga sasabihin ko at dahilan biglang nawala sa isip ko.
"So miss frost. What are you still doing here? May practice pa kayo mamaya." Untag sakin ni ma'am at napatingin ako sakanya.
"Ma'am im so sorry for what i have said. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko ngayon kasi kayo may tiwala kayo lahat sakin na magagawa ko ito pero ak-"
"Ssshh! It's ok now miss frost. Dalian mo na at bumalik ka na doon. May practice pa kayo." Pagpapatigil at pagpapaalis sa akin ni ma'am.
"Thank you again ma'am." Sabi ko kay ma'am. Nginitian lang nya ako at umalis na ako papuntang room.
~~~
Nandito na ako ngayon sa room at binabasa ang scrip ko. Bat ganto? Nakakaiyak sya. Huhu nakakaiyak sa sobrang haba.
"Mia! Bat napapangiwi ka dyan?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Eric na papalapit sa akin."Ang haba kasi eh! Bat ganto ito?!" Sagot ko sakanya at nagpout. Tumabi naman sya sakin.
"Ganyan naman talaga yan. Isipin mo na lang, nagrereview ka sa exam. Tsaka mahaba rin naman lines ko and may mga scene naman na hindi ka kasama eh."
Nasabi ko na ba na sya ang leading man?? Well, sya kasi ang pinaka pogi daw sa class kaya sya na lang daw at hindi sya nagdalawang isip na pumayag.
Napabuntong hininga na lang ako at binasa ang script ko.
"Mia. Kamusta ang pagkakausap mo kay Miss. Cruz?" Untag sakin ni Eric.
Bigla ko tuloy naalala yung paguusap namin ni Ma'am Cruz. Siguro sakin na muna yun, di ko na muna ikekwento yung buong pangyayari, medyo nahihiya kasi akong ikwento. Hehe
"Ahhm.. Ok naman. Dahil sa pag uusap namin na yun nadetermine ako na ipagpatuloy ito at gawin ang makakaya ko dito sa play." Sabi ko sakanya na puno ng determinasyon at nakangiti.
"Mabuti naman at naisipan mo yan Mia. Atleast ngayon, dahil sa determinasyon mo na yan mas makakaya mong gampanan si cess ngayon." Malawak na pagkakangiti ni Eric sa akin.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasyThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.