Chapter 5

268 6 0
                                    

Nagising ako sa katok ni Mama sa pinto. "Erise! Gumising ka na! Para makainom ka na ng gamot mo!" Pagkasabi non ni Mama, bumangon na ko sa higaan ko. "Opo Ma!"

Pumunta agad ako sa c.r para maghilamos at magmumog. Buti di ko napaginipan yung napapaginipan ko lately. Thank you lord! Ansaya nga ng panaginip ko ngayon ee. May ka cuddle ako na wafung boylet! Buwahahaha- "Erise! Di ka pa ba lalabas dyan?!" Sabi ni Mama sa labas. Anlakas ng boses ni mama.

Parang megaphone. Di lang ata megaphone. Speaker na malaki ata ee. Rinig hanggang kwarto ko yung boses ni mama na galing sa baba. Haaays. "Eto na po! Pababa na!" Narinig naman ata ni mama yun. Pareho kami ee, mega phone bibig. Hohoho char.

After ko kumain, ininom ko na gamot ko. Buti di na pinakain sakin ni mama yung sopas na gawa nya kahapon. "Erise, aalis na ko. Inumin mo gamot mo aa! Wag pasaway. Dito ka lang ss bahay." Bilin ni mama. "Sige po ma." Sabay halik ko sa pisngi nya. "Nga pala ma, pupunta dito sila Edrea." Napahinto naman si mama sandali sa pagpunta ng pinto at tumingin sakin. Hmmm? "Sige, ingat kayo aa. Wag masyadong magharot at baka mabinat ka pa, pagaling ka na ee." Tumango ako. "Sige na Ingat ka rin!" Tumango naman si Mama at lumabas ng pinto.

Hinugasan ko na ang pinagkainan namin, kaya ko naman na kahit may sakit ako. Effective naman kasi yung sopas, di lang talaga masarap. After ko maghugas, pinunasan ko na lamesa at saka pumunta ng sala para manuod ng t.v.

Nanunuod ako ng biglang nagtext si Edrea.

From Edrea
Malapit na kami. :)

Kita mo toh, di man lang nagtext kanina kung papunta na sila para makabili manlang ako ng makakain nila. Tsss.

To Edrea
Di mo man lang sinabi na papunta na kayo kanina. Edi sana nakabili ako ng makakain natin.

Nagreply naman sya agad.

From Edrea
Wag ka na mag-alala. Bumili na kami.

To Edrea
Oh? Bait aa! Sige sige.

From Edrea
Ngayon lang toh! AT! BABAYARAN MO TOH! BUWAHAHA. CAPSLOCK YAN PARA BAYARAN MO TALAGA! :-P Btw, labas ka na. Nandito na kame.

Kahit kelan talaga yung babaeng yun! Tsk! Lumabas na ako at nakita sila na may dalang junk foods, tinapay at juice na hawak ni Eric. "Dami naman nyan!" Sabi ko. Ee baka naman kasi mahal babayaran ko dyan. Tssss! "Wag ka na umangal. Kilala ka na namen. Kulang pa nga ata sayo yan ee." Sabi ni Edrea. "Siraulo toh aa! Ako kaya magbabayad nyan sabi mo ! Tsaka oy babae! Papasok ka sa bahay ko kaya umayos ka!" Pagsusungit ko. Pero sa tagal na rin naming magkakilala, alam namin na biro biro lang yon. HAHAHA.

"Di mo na kailangan bayaran Erise. Ako gumastos nito at walang inambag si Edrea." Tinignan ko naman ng masama si Edrea. "Eto naman. Binibiro ka lang. Hehe Namiss ka lang ee. Lika na pasok na tayo. Hehe" Pumasok na si Edrea at tahimik na pumasok din si Eric. "Edrea, bat di mo gayahin si Eric oh. Tahimik lang." Sabi ko kay Edrea.

Napatingin naman samin si Eric na nilagay sa lamesa ang pinamili nila. "Well, di ko kaya. Tinry ko na. Di ko matiis na di mag-salita. HAHA. Buti nga di bumabaho hininga nyan kase di nagsasalita ee." Binatukan nsman sya ni Eric. "Di lang kasi talaga ako madaldal katulad mo." Tinignan naman sya ni Edrea ng masama. "Di mo na kailangan na batukan ako! Tssss!" Napatawa naman ako sakanilang dalawa.

Lumapit na ako sakanila at inayos na rin pinamili nila. "Oh sya kainin na natin yang binili nyo." Habang nag-aayos kami, napatingin ako sa bintana namin. Parang may nakatingin samin. Bigla naman umalis ang nakatingin samin.

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon