Chapter 12

124 4 0
                                    

Natapos na ang klase at inaayos ko na ang gamit ko ng bigla kong marinig ang phone ko na nagriring mula sa bag ko. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag na ang kapatid ko. Sinagot ko naman iyon.

"Hi Sis Mia! Where are you?

"Palabas na kami ng room. Magkita na lang tayo sa may fountain." Sagot ko.

"Ok sis! Bye!"

Binaba ko na ang phone at hinarap ang mga kaibigan ko. "Hey guys!" Teka napapahawa na ata ako kay Rose aa. Haha. Humarap naman sila sakin. "Magkikita kami ng kapatid ko sa may fountain at gusto kong makilala nyo sya. Gusto nyo sumama? Mag-grocery lang kami."

"Hindi na kami sasama sa pag-grocery nyo. Para makapagbonding naman kayo. Pero sasabay na kami sayo sa pagbaba para makilala na din namin sya." Sagot ni Edrea.

"Sigurado kayo?" Sabi ko. "Oo naman!" Sagot ni Edrea at nagThumbs up lang si Eric habang nakangiti.

Lumakad na kami at lumabas na ng room para pumunta sa may fountain. Habang pababa kami, di ko maiwasang mapatingin sa ibang estudyante na nakatingin samin. Bakit kaya anung meron? Tanungin ko nga sila Edrea.

"Bakit sila nakatingin?" Tanung ko. "Baka dahil sa sinabi mo kanina na kakambal mo si polly." Sagot ni Edrea. "Huh? Bakit? Anung problema dun?"

"Kasi nga ang alam lang nila ay nagiisang anak lang si Polly ng President at isa rin pala ang papa mo sa may-ari ng school na toh." Sabi ni Edrea.

Nagulat naman ako. "Kay papa tong school?" Tanung ko. "Hinde, isa lang ang papa mo sa may malaking share dito sa school pero iba ang may-ari." Sagot ni Eric sakin.

Tumango na lang ako. Grabe pala talaga ang power ni papa dito. Naiimagine ko tuloy na sinusunod ako ng lahat dito sa school. Napangiti tuloy ako. Pero napailing ako rin ako, dahil sa naisip. Hindi ako bully noh. Kaya hindi ko gagawin yun. Tumango naman ako dahil sa naiisip ko.

Pagtingin ko kila Eric at Edrea, nakita kong nakatingin sila sakin at nakakunot ang noo. "Anung iniisip mo bigla ka na lang ngingiti, iiling at tatango??" Tanung ni Edrea.

"Huh? Wala! He-he." Sagot ko. "Baliw na ata itong babaeng ito. Kinakausap sarili ee." Sabi ni Edrea. "Siguro nagiimagine itong si Erise ng kababalaghan sa utak nya." Dagdag na sabi ni Edrea na pabulong kay Eric. Kumunot naman noo ni Eric. "Di mo ba ako nagegets? Nagiisip sya ng por-Araaaay! Bakit ka ba nangungurot?!" Sigaw ni Edrea.

"Kung anu ano kasi iniisip mo." Sabi ko. "Di mo naman kasi ako pinapatapos!" Pangangatwiran ni Edrea. "Anu ba yon huh? Ayusin mo yang sasabihin mo!" Pagbabanta ko kay Edrea. "Portrait kasi yung iniisip ko!" Sabi nya. "Portrait?" Anlayo naman ata? "Oo. Portrait ng lalaking nakahubo. Hahahah-Araaay!" Sigaw nya. Bigla ko kasi syang pinalo ng malakas. Sadista na kung sadista, makulit sya ee at ganto kami. Hohoho!

-----

Nakarating na kami sa fountain at nakita ko na si Rose sa may fountain na may kasamang isang babae na mukhang pamilyar at lalaki na pamilyar din.

Bago pa ako makalapit nakita na ako ng kapatid ko at nilapitan. "Siiiis!" Tili nya at nagbeso sakin. Bineso ko rin naman sya. Nakakatuwa naman tong kapatid ko. Hahaha

"Rose! Ipapakilala ko pala ang mga kaibigan ko. Si Eric at si Edrea." Pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko. "Hi!" Pagaaproach ni Edrea sa kapatid ko at nginitian naman ni Eric kapatid ko at medyo napatulala pa kay Eric. Natatawa ako sa itsura ni Rose. Hahaha

"Rose!" Winagayway ko pa kamay ko sa harap nya. "H-huh?" Unconcious na sabi ni Rose na dahan dahan tumingin sakin. Hanubayan! Masyado sya pahalata kay Eric! Hahaha.

"Natulala ka na dyan kay Eric ee." Bulong ko sakanya at nung lumayo ako medyo namula mukha nya at napatawa ako ng mahina. Ancute naman ng kapatid ko. Hahaha!

"Am I obvious?" Bulong din nya sakin at napahawak pa sa dalawang cheeks nya. "Hanubayan! Ang arte mo! Hahaha. Oo halata ka!" Sabi ko sakanya.

"Ssshhhhh!" -Rose

Natawa naman ako sa reaksyon nya. Bigla akong napatigil sa pagtawa ng may nagsalita mula sa likod nya. "Hellooooo! Nandito pa kami!" Sabi ng isang pamilyar na lalaki. Naningkit mata ko habang tinitignan mukha nya at nanlaki bigla mata ko ng magsink in sa utak ko kung sino sya.

"Ikaw?!" Pagtuturo ko dun sa lalaki. "Yes it's me!" Malawak na pagkakangiti nyang sabi. Naningkit lalo mga mata ko. Sya yung talipandas na lalaki kanina na bumangga sakin. Grrrr.

"Hey Mia! Kilala mo si uriel?" Sabi ni Rose na may kakaibang ngiti. Bat may kakaibang ngiti tong kapatid ko? "Eh sya lang naman yung manyak kanina na binagga na nga ako at muntik pa ko malate!" Sabi ko habang nakatingin sa lalaki ng masama.

"Hey! Don't accuse me! Wala akong ginawang masama. Nagsorry na ako sayo." Sabi ng uriel daw at nakataas pa ang dalawang kamay. "Che! Pangiti ngiti ka pa nga dyan kanina! Siguro pinagiisipan mo ko ng masama noh!" Lalo ko pang pinasama tingin ko sa kanya. Makuha sya sa tingin!

"Hindi noh! Sa gwapo kong toh? Sila ang nag-iisip sakin ng masama. Baka ikaw?" Nanunukso nyang balik sakin ng tanong ko. Ang hangin nito ah! Nakakainis sya! Ang yabang! Grrrr!

"Oo! Nagiisip ako ng masama sayo!" Pasigaw ko sakanya. Nagulat naman yung mga kasama namin sa sinabi ko. Pati sya nagulat. "Oh diba. Sabi ko na ee. Buti inam-" Bago pa nya matapos sasabihin nya. Inunahan ko na sya. "Oo! Inaamin ko na nagiisip ako ng masama sayo! Ang iniisip ko ay durugin ka hanggang sa bawian ka ng buhay! Kaya lika rito at ng maumpisahan ko na!"

Bago ko pa sya malapitan. Naharang na ako ni Eric na nagpipigil ng tawa. "Bitawan mo ko Eric. Para maturuan ko ng leksyon yang lalaking yan!"

"Teka Mia. Wag ka mageskandalo dito. Mamaya jan mahuli tayo ee. Pinagtitinginan na tayo oh. Damay damay tayo dito pag nahuli tayo at mapunta detention room." Sabi ni Edrea na nasa likod ko at pinipigilan rin ako na makalapit kay Uriel.

Tinignan ko si Uriel ng masama at nakita syang nakangiti ng mapang-asar. Nakakainis talaga tong lalaking toh. Inaasar pa ako! Grrrr!

May naisip ako bigla. Napangiti ako at kumalma. "Sige na. Bumitaw na kayo sakin. Di na ako mag-wawala." Kalmado kong sabi. "Sigurado ka? Di ka na magwawala? Mukha pa namang maraming bantay dito." Sabi ni Edrea na patingin tingin sa paligid. "Oo. Hindi na bitawan mo na ko. Takot ko lang na madetention noh. Tsaka nagjojoke lang ako." Sabi ko pa ng naka-ngiti.

Binitawan na nila ako at pumunta sa likod ko. "Siguraduhin mo lang. Mamaya jan sugurin mo sya. Kilala pa naman kita." Sabi pa ni Edrea. "Kilala mo nga ako Ed." Sabi ko kay Edrea na matamang nakatingin kay Uriel na padila dila pa kaya napagiti ako. "Syemp- T-teka-"

Bago pa ulet makalapit sakin si Edrea, tumakbo na ako kay Uriel at dinambahan sya sinabunutan. Bagay lang sakanya toh! Ininis nya ako ee. Short temper pa naman ako. Grrrr!

"Eriseee! Tumigil ka na! Nakakahiya!! Pinagtitinginan na tayo!" Pigil ni Edrea. "OMG Mia!" Pigil din ni Rose. Napatigil ako sa pagsabunot kay Uriel ng may marinig kaming Pito.

"Prrrrrttttt!"

Nagulat naman kami. Patay! Lagot kami neto! Tssssk! Umayos ako ng tayo at napatingin dun sa pumito. Nakita namin yung taga-registrar na nag-assist samin kahapon. Naka hawak sya sa bewang nya at nakatingin samin ng seryoso.

Lagot kami neto! Kasalanan ko to ee! -_____-" madadamay pa sila Rose dito. Nakuu talaga! Ang bayolente ko kasi ee. Tumingin ako sakanila at mukhang hindi rin nila alam gagawin.

Kailangan kong makaisip agad ng plano or anything para hindi sila madamay. Napaka war freak ko naman kasi eh. Tsk!

May naisip naman ako. Siguro naman alam nila pinaparating ko pag nagbilang ako diba? Nagsimula naman ako magbilang. "1.....2.....3! Takbo!" Tumakbo na kami at nagkahiwa-hiwalay. Di ko alam kung saan pupunta yung iba or saan ako pupunta. At di ko rin alam kung hinabol ba kami. Basta tumakbo lang kami ng tumakbo.

----

Happy New Year Every one!

HAPPY 2015 :D

GOD BLESS you all and your Family with a Healthy Prosperous Year filled with GOD's PEACE and LOVE.

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon