Mia Erise's POV.
Arrrgh! Napahawak ako sa ulo ko sa sakit. Nakakainis, sobrang sakit. Di ko mamulat mata ko sa sakit. Ansakit sakit talaga pero pinilit ko imulat ang mata ko. Di ko alam pero gusto ko talagang idilat ang mata ko.
"Gising na si Erise." Sabi ng isang pamilyar na boses. Dinilat ko ang mata ko. At nakita ko sila Mama, Eric, Edrea at isang di pamilyar na lalaki na sobrang putla na mukhang nasa mid thirties lang at matingkad na pula ang kulay ng mata nito.
Natakot ako, naalala ko ang nangyari nung gabi ng birthday ko. Yung mga lalaking pulang pula din ang mga mata. Napatayo ako sa pagkakahiga ko kahit sobrang sakit ng ulo ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaa!!" Pagkatayo ko, napasigaw ako habang nakatingin sa lalaki. Nakatingin rin sakin ang lalaki ng seryoso at may bahid ng lungkot ang mata nya.
Lumapit sakin si Edrea. "Erise! Bakit? Anu nangyayari sayo?" Napatingin ako kay Edrea at bigla kong naalala ang nangyari nung birthday ko. "Wag kang lalapit! Kayo! Kayo ni Eric! Nag....." Napalunok ako at naiiyak habang inaalala ang mga nangyari.
"Ssshhh. Mia, wag kang mag-alala. Sila pa rin ang mga kaibigan mo. Di ka nila sasaktan." Sabi ni mama habang lumalapit sakin at niyakap ako. "Mama anu ba nangyayari? Naguguluhan ako. At......" nilibot ko ang tingin sa paligid. "Nasa...an ta...yo?"
Doon ko lang napansin ang lugar. Maganda ang lugar. Makikita ang mamahaling mga kagamitan sa kwarto. Kulay puti na may highlights ng Gold ang mga kagamitan, mapa higaan na parang princess bed na may poste sa magkabilang dulo ng higaan na kulay Gold na may kurtina at hugis pyramid na puti na tela rin sa taas ng higaan, walk in closet, pinto na papuntang banyo na kulay puti at may highlights ng gold at iba pa.
Makikita sa kwartong ito kung gaano karangya ang may-ari. Sobrang ganda ng paligid. Pero di ko maapreciate ang ganda dahil sa mga nangyayari. "Anak umupo ka muna at ipapaliwanag ko sayo ang lahat." Sabi ni Mama.
Umupo naman ako dahil kating kati na akong malaman kung ano ang nangyayari. "Nagsimula ang lahat nung hindi pa kayo ipinapanganak." Pagsisimula ni mama. Pero teka? Bat kayo? "Wag ka muna magtanung ng kung ano anak. Makinig ka muna." Di ko na naitanung ang itatanung ko sana dahil sa sinabi ni mama.
"Nagsimula ito nung kasing edad mo rin ako noon na may nakilala akong isang lalaki, nahulog ang loob ko sa lalaking ito. At nagmahalan kami. Pero isang araw may mga taong pulang pula ang mata at may mga pangil ang sumira sa date namin. Sinugod nila kami at kinalaban sila ng kasintahan ko, nagulat ako nung una kasi nakakayang talunin ng kasintahan ko noon ang mga nakakalaban nya. At natuwa ako kasi natalo nga nya. Pero nung humarap sya sakin, nagulat ako at natakot sakanya. Kasi kauri nya ang mga sumugod samin. Imbis na plano ko syang isurprise sa balita ko kanya noon na....... buntis ako." Huminto sandali si mama at huminga ng malalim.
"Oo, ang kasintahan ko na yun ay ang ama mo. Hindi ko nasabi sakanya dahil sa nalaman ko na isa syang bampira. Nung una natakot ako, pero kalaunan nakita ko sakanya kung gaano sya kasincere sa mga sinasabi nya at binigyan sya ng pagkakataon na alagaan tayo nun." Napahinto si mama at napatingin sa lalaki kanina na sa tingin ko kasing age ni mama, at halatang gwapo ito. Pero nakakatalot parin ang mga mata nito.
Kumunot ang noo ko dahil nagngitian sila sa isa't isa. Nagpatuloy na si mama sa pagkwekwento. "Ng ipinanganak ko kayo-" pinutol ko ang pagkwekwento ni mama. "Teka? Ka...yo? Anung ibig mong sabihin ma?" Natahimik si mama ay napatingin ulit sa lalaki. "Kanina pa kayo nagtitinginan. Sino ba sya mama?" Nagkatinginan nanaman sila. "Aahm.. Mia.... aaahhm sya an-" Bago pa matuloy ang sinasabi ni Mama, nagsalita ang lalaki.
"Ako ang ama mo, Mia." Seryoso nyang sabi ng may bahid din ng lungkot. Nagulat ako sa rebelasyong nalalaman ko. Anu pa bang nakakagulat ang malalaman ko? "A-ano? T-totoo ba toh? Wina-wow mali nyo lang ata ako eh pano nangyari yun eh mukhang malaki ang agwat ng edad ninyo? Ha?" Imposible mangyari yun diba? Hindi Pedophile si Mama. Ang bigat ng pakiramdam ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28491090-288-k33075.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasyThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.