Chapter 3

227 7 0
                                    

Asusual, malalate nanaman ako. -___- Binilisan ko na ang pag-aayos ko sa sarili ko at pagkain. Nagtricycle na ko at naghintay ulet ng bus. Nakasakay na ko ng bus. At after ng ilang minutes nasa school na ko. Pagkababa ko, bigla nanaman akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. Nahihilo nanaman ako. Pero kaya ko pa naman.

Tumakbo na ako papuntang room ko. Pagkarating ko ganun na lang relief ko ng makita ko si Eric at Edrea sa labas. Mukhang may pinaguusapan sila.

"Malalaman din naman nya ang totoo. Maghintay na lang tayo na dumating yung panahon na si President na ang magsasabi." Sabi ni Edrea. Di ko masyado marinig sinabi nya dahil hinihingal na talaga ako at pabulong nya sinabi yun. "Sinong pinaguusspan nyo? Uy aa! Nangchichismiss kayo aa. Sino? Dali!"

Tanung ko sakanila. Grabe di man lang ako hinintay para mangchismiss rin. *pout* Mukhang nagulat sila sa sa pagtanung ko. "Ah- nagndyan ka na pala Mia. Wala pa si ma'am. Aga aa." Sabi ni Edrea. "Oo ee. Hehe. Tinakbo ko na kasi kala ko malalate ako. Teka! Sagutin mo na tanung ko. *pout*" sabi ko. "Huh? Ah-" napatingin naman sya sa may salamin sa pinto. "Si... si President! Tama! Si ces, parang... ahhm... Parang nagbago na. Hehe." Sabi ni Edrea. "Oh? Sabagay napapansin ko nga yun. Ee anu yung malalaman nya?" Tanung ko. Di pa kasi nya kumpletuhin yung kwento ee. Haaaays.

"Oh, anu ginagawa nyo dito sa labas. Bat di pa kayo pumasok?" Nagulat kami sa nagsalita. Dumating na pala si ma'am. "Hehe. Hinihintay ka namin ma'am." Palusot ko. "O'sya, pumasok na kayo." Sabi ni ma'am. "Opo ma'am." Sabay naming sabi ni Edrea. Napatingin ako kay Eric, tahimik nya ata. Napatingin sya sakin at ngumiti. Ngumiti rin ako.

Natapos na ang klase ko ngayong araw. Gusto ko ng umuwi. Hilong hilo na ko. Tsk! "Mia!" Lumingon naman ako nung tawagin ako ni Edrea. Pakatingin ko kasama nya si Eric. "Mia! Pupunta kami Mall. Sama ka-Teka, bat namumutla ka ata?" Nag-aalalang tanung ni Edrea. "Di ko nga alam ee. Pero nahihilo ako. Gusto ko na umuwi. Sensya na aa. Di ako makakasama." Sabi ko habang hawak ko yung ulo ko. "Sige, umuwi ka na para makapagpahinga ka." Sabi ni Eric. "Sige, sensya na aa." Tumango lang sila at nakatingin sakin ng seryoso. Bat ganun sila makatingin? Nakakapanibago.

Sa wakas at nakauwi na ako. Hilong hilo na talaga ako. Gusto ko ng masuka. May naramdaman naman ako bigla sa balat ko na nasa kanang balakang ko, na hugis crown. Ang cute lang dahil meron palang ganun. Pero bat ganun? Humahapdi sya. Di ko na lang yun pinansin at nagbihis na ako sa kwarto ko at humiga. Wala ngayon si mama kaya mag-isa lang ako. Napaidlip ako bigla.

Nakatingin nanaman sila sakin. Ansama ng tingin nila at takam na takam sila na kainin ako dahil naglalaway na sila. Tumakbo ako papuntang gubat at hinahabol nila ako. Habang tumatakbo ako, may napansin akong bulto ng tao sa dulo ng daraanan ko.

Napahinto ako ng ilang metro na lang ang layo ko sakanya. Napansin kong wala ng humahabol sakin. Pero sino tong nasa harap ko? Inaninag ko ang mukha nya, nung una wala ko masyadong makita sa itsura nya.

Pero nagulat ako ng unti unti kong makita ang itsura nya. Gulat na gulat ako at napanganga. Bat ganun ang itsura nya? Kahit may pagkaseryoso at may lamig ang tingin nya di pa rin ako makapaniwala. Bakit?

Bakit, kamukhang kamukha ko sya?

"Erise!" Nagising ako sa tawag ni mama sa labas ng pinto. Napatayo ako bigla. Bat ganun mga panaginip ko? Di ko maintindihan. Ganun ba talaga mga panaginip? Sa pagkaka-alam ko, related yung panaginip mo sa kung anong iniisip mo bago ka matulog. Pero iba yun ee. Iba talaga. Parang totoo na ewan.

"Erise!" Bumalik ako sa diwa ko ng kumatok na ng malakas si mama sa pinto. Napabangon ako at tumayo para pagbuksan si mama ng pinto. Papungaypungay kong binuksan ang pinto. "Oh, bat antagal mong buksan ang pinto? Alam mo bang kanina pa kita kinakatok? Teka bat pinagpaswisan ka?" Napahawak ako sa bandang noo ko. Oo nga pinagpapawisan nga ako. Ngayon ko lang napansin. "Sorry ma, nakatulog ako. Di ko ata nabuksan electric fan ko." Pagdadahilan ko dahil kahit ako di ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.

"Teka, namumutla ka. May sakit ka ba?" Sinapo ni Mama ang noo ko at leeg. Napakunot noo sya. "Ikaw talagang bata ka! Antaas na pala ng lagnat mo di mo man lang sinasabi!" Nagulat naman ako, sinapo ko rin noo at leeg ko. "Oo nga noh! Yes! Di ako papasok bukas!" Binatukan naman ako ni Mama. "Aray ma! Bat ka naman nambabatok?" *pout* "Natuwa ka pang may sakit ka! Alam mo bang-" pinigilan ko si mama sa pagsasabi ng favorite line nya at ako na nagtuloy. "-Mahirap ang buhay ngayon. Maraming gastos pag nagkasakit. Anhirap hi-" di ko naituloy sasabihin ko dahil sinamaan ako ng tingin ni Mama.

"Hehe. Joke lang ma. Alam ko namam kasing nag-aalala ka lang kaya di mo na kailangan idamay ang gastusin." Lalo pa kong sinamaan ng tingin ni Mama. "Hehe. Labyu Ma!" Sabay yakap ko sakanya. "Magbihis ka na dun at ipaghahanda kita ng sopas mo." Nanlaki naman mata ko sa sinabi nya. Sopas daw! Noooo! "Ma-" pinigilan agad ako ni Mama. "Hep! Wag ka ng umangal! Dalian mo at makakatikim ka nanaman sakin!" At bumaba na si Mama papuntang kusina. Uwaaaah! Huhu ayoko nuuun. Heeeelp meeeee!

--

Sorry Maikli mga updates.  :(

Guuuys! Gusto nyo ng dedication? Comment kayo guys! And Vote! Vote! Vote! Comment your Reactions! Labya. :-*

Godbless us!

-Annamich25

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon