Chapter 2

293 9 0
                                    

Nasa isang lugar ako na mapuno. Parang gubat. Nakakatakot sa lugar na toh lalo na sobrang tahimik at hakbang ko lang ang naririnig ko. Kaya binilisan ko maglakad.

May nakita akong parang kalsada at building sa pinaka dulo. Kaya lalo kong binilisan. Pagkarating ko don, nagulat ako sa nakita ko.

Isang kastilyo ang nakita ko. Kastilyong puti at sobrang ganda. May nakikita akong mga kalesa at mga sasakyan sa kalsada.  Medyo malayo sa kastilyo ang iba't ibang building.

Napatingin ako sa mga taong naglalakad. Nakakapagtaka na ang putla nila. Halos lahat sila maputla.

Ilang sandali pa ay biglang naglaho ang gandang nakita ko kanina at biglang  naging itim lahat. At parang naging gabi bigla. Pagkatingin ko sa mga taong naglalakad,  napahinto sila at bigla silang tumingin sakin, nakakatakot ang tingin nila sakin, at para silang walang dugo sa putla nila.

Lalo akong natakot ng may nakita akong dugo sa gilid ng labi nila. Maya maya pa ay bigla na lang may lumabas na..... pangil sa labi nila. At nakangiti sila sakin ng nakakatakot at bigla silang tumakbo papunta sakin....... napasigaw ako.

-------

Napadilat ako bigla. Akala ko totoo na yun. Panaginip lang pala. Anu kaya ibig sabihin ng panaginip ko na iyon? Ngayon lang ako nakapanaginip ng ganun. Siguro nag-o-over thinking lang ako.

Tumayo na ako sa kama ko at tinignan ang oras, nakatulog pala ako kanina. Maghahapunan na pala.

Bumaba ako para tignan kung nasaan si mama at nakita syang nanunuod. Napatingin sya sakin ng maramdaman nya presensya ko.

"Oh, gising ka na pala Erise. Halika na at kakain na tayo. Ikaw lang hinihintay ko." Tumango ako at saka ko hinanda ang plato na gagamitin namin. "Mama, ansama ng panaginip ko." Napatingin sakin si mama na kakagaling lang sa kusina para kunin ang makakain namin. "Ano naman yang panaginip mo?" Habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko sinabi ang napaginipan ko.

Napahinto si mama sa paglalagay ng kanin. Pagtingin ko sakanya para syang nagulat pero nawala rin agad yun at tumingin sya sakin ng mataman. "Anak, panaginip lang yun. Hayaan mo na yun." Tumango ako. "Pero diba Ma may meaning ang mga panaginip? Anu kaya ibig sabihin nun kung sakali?" Di na sumagot si Mama at kumain na lang. Kumain na lang din ako at nanuod habang kumakain.

Pagkatapos kumain, hinugasan ko na agad pinagkainan namin ni Mama. Kaming dalawa lang ni Mama dito sa bahay.

Si papa daw ee namatay bago pa lang ako isilang. Nakakalungkot lang dahil di ko man lang sya nakita. Walang naitagong litrato si Mama di ko alam kung bakit. Siguro para makalimutan na nya si papa? di ko alam.

May mga kamag-anak kami pero nasa probinsya ang karamihan.  Si mama naman isang fashion designer. Nagdedesign sya damit at pinapagawa sa factory ang mga damit na dinesign nya at ibebenta nya online. May sarili na ring botique si Mama pero di sya madalas dun masyado dahil nandun naman yung kanang kamay nya or assistant.

After ko maghugas, umakyat agad ako sa kwarto ko. Nilaro ko yung tablet ko. Nung magsawa ako, ginawa ko yung iba kong assignment at after nun bumaba ako at nakinuod sa pinapanuod ni mama. "Malapit na Empress ki?" Sabi ko, "Ayan na." At maya maya lang nagfocus na kami sa panunuod. Anwafu talaga ni Togon kahit may pagka eng eng. Haha joke. After namin manuod. Pinapatulog na ko ni Mama. "Erise matulog ka na. May pasok ka pa at mamaya dyan magmamadali ka dahil late ka nanaman." Tumango ako. "Good Night Ma!" Umakyat na ako sa kwarto ko at nagtoothbrush sa banyo ko. Inayos ko na higaan ko at umupo. Nagdasal muna ako bago humiga atsaka ako natulog.

---

Yung Empress ki po ay korean novela po sya sa channel 7. Gandang ganda ako sa story na yan kaya talagang pinapanuod ko yan gabi-gabi. HAHA Sorry maikli. :3

Guuuys! Gusto nyo ng dedication? Comment kayo guys! And Vote! Vote! Vote! Comment your Reactions! Labya. :-*

Godbless us!

-Annamich25

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon