"Mia, tulungan mo ako dito sa pagluluto." Sabi ni mama. This day is my birthday! Andami ko ng natatanggap na bati sa facebook at text. Hohoho. "Mia!" Pagtatawag ni mama sakin. Napatayo naman ako bigla at pumunta ng kusina. "Yes? Anu gagawin ko?" Pagtatanung ko.
"Bantayan mo itong niluluto ko na sauce ng carbonara. Ihahanda ko lang yung pang roast sa chicken." Bilin ni mama. "Aye aye! Mama!" Sabi ko.
Naeexcite ako na at the same time kinakabahan. Di ko alam kung bakit. Lately, may napapansin ako sa sarili ko. Para akong namumutla. Maputi ako, pero iba na yung puti ko. Tapos sumasakit pa ngipin ko. Wala naman bulok. Tapos na tumubo wisdom tooth ko. Grabe, inom ako ng inom ng pain reliever dahil sa sakit. Tapos nahihilo pa ako. Haaaays. Pero ngayon di naman na nagpaparamdam yung hilo at sakit sa ngipin ko.
"Erise! Tulungan mo kong buhatin tong pangroast dyan sa kusina." Dali dali naman akong lumapit kay mama at dinala sa kusina ang pangroast ng buong chicken.
Hinanda na ni mama ang ilalagay sa loob ng chicken. Yung pampabango, bawang at sibuyas etc.. "Erise, ok na yang sauce. Isalang mo na yung pasta." Sinunod ko naman yung sinabi ni mama.
Parang ang dami naman ata ng niluluto ni mama. Eh apat lang naman kaming magcecelebrate ng birthday ko? Hmmm. Ayos na rin. Para pag may natira, nakuuu! Lamon na ito sa gabi. Hahaha.
Ng matapos kaming magluto. Nagpahinga muna kami. After kong makapagpahinga nag-ayos na ako sa sarili ko. Naligo na ako at nagtoothbrush.
Humarap ako sa salamin at nagsuot ako ng dress. Nilagyan ko naman ang sarili ko ng light make-up at kinulot ko ang buhok ko ang mahaba komg buhok. After ko ayusin sarili ko. Tinulungan ko na si mama sa sala.
--------
Habang hinahanda na namin yung mga pagkain na para sa mga bisita ko, actually dalawa lang naman sina Edrea at Eric lang ng biglang may nagdoorbell. "Oh buksan mo na yun Erise. Baka mga kaklase mo na yun." Lumapit naman na ako sa pinto at binuksan ang pinto. "Happy Birthday!!!" Sabay sabay nilang sabi na nakataas pa ang dalawang malaking cake.
"Woooah! Salamat guuuys! Pupunta pala kayo di nyo man lang ako sinabihan!" Hindi lang kasi si Edrea at Eric ang dumating. Pumunta rin ang mga classmate ko. "Surprise? Haha" Sabi ni ces. "Di ko lang ineexpect." Nakangiti kong sabi. "Expect the unexpected!" Sabi ni Ian. Natawa naman kami sa sinabi nya. "Pasok na kayo!" Binuksan ko lalo ang pinto at pinapasok sila.
Nung nakapasok na sila. Biglang nagsalita si Edrea isang microphone na nakakabit sa stereo namin. May hinanda pa lang ganun si mama. "Good Afternoon Everyone! Today is the Birthday of our special friend, not only a birthday but a Special debut of our pretty and gorgeous friend Mia Erise Frost! Before we start our program. Let's begin with a prayer. Ms. Birthday celebrant, can you lead the prayer?" Tumango naman ako. Angaling mag emcee ni Edrea. Haha.
"Dear Lord, thank you po sa araw na ito na nagsama sama kami para icelebrate ang binigay nyong isang taon pa sa buhay ko. Maraming maraming salamat po sa pagpunta ng mga kaklase ko dito. Maraming maraming salamat po dahil nandito si mama para paghandaan ang birthday ko. At maraming maraming salamat po sainyo dahil sa pagbibigay sakin ng mga supporting friends and classmates at si mama. We love you and Bless my Birthday with your love." Nagpalakpakan naman sila ng matapos ang prayer ko.
"Ok to start our program! Kakain muna tayo! Haha joke. Syempre sayawan muna! Boys! Start nyo na ang six roses!" Six lang kasi yung boys na dumating at five naman sa girls. Nilahad ni Ian ang kamay nya sakin. "Shall we dance?" At inabot nya sakit ang isang piraso ng rose. Wooow! Talagang pinaghandaan nila toh aa. Nakatuwa na nakakaiyak. Tumango naman ako at sumayaw kami ni Ian sa saliw ng musika na galing sa stereo. Pinipicturan naman kami ni Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/28491090-288-k33075.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasyThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.