Natapos kaming kumain ng puro tawanan at kwentuhan. Eto na talaga ang the best Birthday Ever ng buhay ko. Kahit wala akong tatay. Ok lang yun sakin. Sanay naman na akong walang tatay. Basta magkasama kami ni Mama at ng mga kaibigan ko, masaya na ako at feeling ko kompleto na ako.
After kumain, nag games sila. Yung mga games sa Birthday party ng mga bata. Katulad ng pahabaan ng sabi ng Happy Birthday, yung Give me ata yun, at iba pa.
Nagsayawan naman sila pagkatapos nilang magpa-games. Niyaya nanaman ako ng mga boys ng sayaw pero yung sayaw namin hindi katulad kanina na pag-formal. Pang-party ang sayaw. Yung parang sa club. Di ko mapigilang matawa at ngumiti ngayong araw dahil sakanila. They made my Special daw of my Life.
"Uuwi na kami Erise. Baka kung anung oras na kami makauwi ee. Happy Birthday ulet aa." Sabi nila sakin. Magpapaiwan daw si Eric at Edrea. Napagplanuhan na nila talaga lahat ng gagawin. Galing talaga ng mga toh.
Hinatid ko sila hanggang pinto ng bahay namin. "Sige, mag-ingat kayo aa. At gabi na. Wag na kayo gumala at wag kayo maghiwa-hiwalay. Marami pa namang masasamang loob dyan sa tabi tabi." Bilin ko sakanila. "Opo ma'am!" Sabay sabay nilang sabi sakin. "Salamat sa pagpunta nyo dito at sa pagpapasaya sakin aa!" Habol kong sabi sakanila.
Di ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayong araw na toh kaya di maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa mga nangyari ngayong araw na toh.
Habang papasok ako ng bahay, napahinto ako dahil sa nararamdaman ko
May naramdaman akong nakatingin. Pero ramdam ko rin na hindi lang isa ang nakatingin. Basta di ko alam kung ilan, pero hindi lang isa ang nararamdaman ko.
Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at pumasok na ng bahay. "Erise!" Lumapit sakin si Eric at may maliit na box na dala. "Oh bakit at anu yan?" Turo ko dun sa hawak nyang box. "Eto? Regalo ko sayo." Nakangiti nyang sabi.
Nagtaka naman ako, akala ko yung scrapbook yung gift nilang dalawa sakin. Kahit nagtataka ako, binuksan ko na yung box. Nagulat ako sa nakita ko. Ang ganda kasi ng bracelet. Meron itong silver plate na maliit na nakalagay yung pangalan ko. Di ko maexplain ang nararamdaman ko dahil dito. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa saya. Sa ilang taon na namin na magkaibigan, ngayon ko lang toh naramdaman.
"Eric...." Naiiyak nanaman ako dahil sa tuwang nararamdaman ko. "Yan talaga ang regalo ko sayo Erise. Nagpatulong lang sakin si Edrea sa regalo nya sayo. Sensya na yan lang nakayanan ko." Sabi nya habang hawak ang batok nya. Napangiti naman ako at kinuha nya sa akin ang bracelet at isinuot nya sa kamay ko.
Niyakap ko nanaman sya bigla katulad nung sinayaw nya ako kanina at niyakap nya din ako pabalik. "Salamat talaga sa lahat Eric. Di ko makakalimutan na naging masaya ako sa araw na toh dahil sainyo. Maraming mara-"
Tok! tok! Tok!
Naputol ang sasabihin ko dahil sa kumatok. "Sino naman kaya ang kumatok na toh?" Sambit ko habang pinupunasan ko luha ko. "Tignan natin." Seryosong sabi ni Eric.
Binuksan ko ang pinto. At nagulat ako sa nakita ko. Tatlong tao na naka-black coat nanaman at pulang pula ang mata. "Kailangan mong mamatay!" Sabi nung lalaki na nasa harapan ko sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya at natakot.
Bakit? Bakit........ kailangan kong ....... mamatay?? Lalo akong natakot lalo syang lumapit sakin upang sakmalin ako. Pero ilang segundo pa ako naghintay at wala akong nararamdamang ginawa sakin.
Dinilat ko ang mga mata ko, at nakita ko ang likod ni Eric sa harap ko at nakahawak sya sa dalawang braso ng lalaking susugod sakin kanina. "Erise! Tawagin mo sila Tita Lea at umalis na kayo! Ako ng bahala dito!" Bilin ni Eric habang pinipigilan niya ang pagsugod ng tatlo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/28491090-288-k33075.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasyThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.