Chapter 13

141 4 0
                                    

Papunta na kami sa Grocery Store ni Polly. Ang astig talaga, sa likod ng dorm dun mo makikita ang iba't ibang mga store's. Grocery store, department store, restaurant's, coffee shop at iba pa.

Grabe talaga hingal ko kanina ng tumakbo kami. Di ko akalain na hindi kami mahuhuli. Kamusta na kaya yung iba?

Pagkadating ko kasi sa dorm, nandun na rin si Polly at hinihingal, mukhang kararating din at mukha ring natuwa pa sa nangyari. First time daw tumakbo ng ganun kabilis. Natatawa ako nung nagkwekwento sya. Lalo syang hinihingal. Hahaha!

Nagpahinga muna kami ng kapatid ko bago kami pumunta ng Grocery at mamili. Ng makapagpahinga kami, nag palit na kami ng damit at umalis. Then eto na nga. Papunta ng Grocery Store.

Nakapasok na kami sa grocery store at may mangilan ngilan akong nakikitang mga kaschoolmate namin na namimili.

Pumunta na kami ng kapatid ko sa iba't ibang stall.

"Dun muna ako sa mga condiments Mia ah." Paalam ni polly.

"Sige. Kita na lang tayo later. Kukuha na rin ako ng ibang mabibili natin." Sabi ko.

Papunta ako ng meat section at bumibili ng chicken, fish, shrimp, vegetables at iba pa at nilalagay sa cart na dala ko.

Hahanapin ko na si Rose. Baka hinahanap na ako.

Naglalakad ako para hanapin si Rose ng may marinig ako sa isang stall. Ewan ko pero napukaw ng atensiyon ko ang nagsasalita na iyon.

"Di pa ako nakakagawa ng paraan. Pero kapag may naisip na akong paraan, i will make sure na makukuha natin ang lahat sakanya." Sabi ng isang lalaking nakatalikod sa akin sa kausap nya sa phone.

Ancreepy naman ng pinaguusapan nila. Daig pa ang kontrabida eh. Ng ibaba nya ang kanyang telepono, dali dali akong tumalikod para hindi nya ako mapansin.

Ng maramdaman kong wala na sya, tumingin ako sa direksyon na tinakhak ng lalaki pero wala na ito doon. Ang bilis naman. Tsssss.

Nagpalinga linga pa ako at nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko. Isisiko ko sana ang humawak ng makita kong si Uriel pala yun.

"Oh! Easy! Sisikuhin mo pa ako eh!" -Uriel

"Anung ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!"

"Ikaw lang ba may karapatang pumunta dito?" Sabi nya ng naka-smirk pa.

Tsk! The nerve! Grrr! Inirapan ko lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hahanapin ko na lang si polly para maka-alis na kami agad dito.

"Ahhm, anung ginagawa mo dito?" Tanung ni uriel.

"Obviously." Sabay turo sa dala kong cart.

"Sabi ko nga namimili ka. Sino kasama mo?" Tanung pa nya.

Hindi ko na lang sya sinagot at tumingin tingin sa paligid para makita si polly.

"Uy! Kausapin mo naman ako. Kung wala kang kasama sasamahan na lang kita." Pag-aalok nya.

Pagkasabi nya nun, nakita ko na agad su polly sa may Stall ng canned goods.

"Polly!" Tawag ko kay polly. At lumingon naman sya sa direksyon ko.

"Sabi ko nga may kasama ka eh." Umabot sa pandinig ko na sabi ni uriel bago ako makalapit kay polly.

"Oh mia, anu na napamili mo?" Tumingin naman sya sa cart na tulak tulak ko. "Wooow! Ambilis mo naman makapamili. Nakarami ka na agad. Ako kasi nahihirapan parin sa mga corned beef dito eh. Binabasa ko pa kasi yung nutrition facts eh." Sabi nya ng naks-pout pa.

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon