Nasa kotse kami ngayon ni papa at mama. Guess what?! Papunta na agad kami nila papa sa school. Nakakagulat nga ee. Kasi ambilis ng proseso ng pag-eenroll namin tatlo. Isang tawag lang ni papa sa kausap nya ay ok na daw?! Naalala ko yung sinabi ni papa kagabi.
Flashback
Pagkatapos namin kumain ay nanuod muna kaming tatlo sa sala ng isang palabas. Binisita agad ako nila Edrea at Eric after ng pagkagising ko kahapon. Grabe, ang gaganda talaga ng mga kagamitan dito. Akala ko magaganda na ang nakikita ko sa mundo namin, may mas gaganda pa palang gamit. Katulad nitong t.v , magsalita ka lang ng channel or kung iplaplay ba ang movie or stop or pause gagawin na nya at may sensor din sya na parang iwagayway mo lang kamay mo. Galing!
Napahinto kami sa panunuod ng biglang bumaba si papa ng hagdan sa likod namin. "Salamat aa...... Bukas na bukas din pwede na? Ay naku maraming maraming salamat talaga!..... Sige. Bye." Napabalik kami sa panunuod ng binaba na ni papa ang phone nya. Di namin sinasadya makinig! T.T sadyang malakas lang talaga boses ni papa.
"Mia." Kinabahan ako ng tawagin ako ni papa. Seryoso kasi ang pagkakasabi nya. Nakakatakot!! Di ko pa naman masyado alam ugali ni papa. Baka pagalitan nya kami at kunin ang dugo. Huhuhu. Sorry na. T.T Kaya dahan dahan akong lumingon. "Y-yes pa? He-he." Sabi ko ng nanginginig ang tono ko at pati kamay ko.
Bago pa makapagsalita si papa kasi baka pagalitan nya ako, nagsalita na ako. "Waaaaa! T.T Papa! Sorry na! Di namin sinasadyang makinig sa usapan nyo! Actually ako lang ang may kasalanan! Wag mo na po idamay sila Edrea at Eric! Sorry na Papa!" Bigla naman sumabat si Edrea. "Ano ka ba Erise?! May kasalanan rin kami! Wag mo na kami pagtakpan! Di ka namin iiwanan sa pagpaparusa sayo! Nandito kami! Sama sama tayong tatanggap ng parusa! Diba Eric?!" Siniko nya si Eric. "Huy anu ba magsalita ka naman!!" Pabulong na sigaw si Edrea kay Eric.
Ngumuso naman si Eric. "Anung nginunguso nguso mo dyan? Gusto mo ng kiss?! Hoy lalake! Wala tayong panahon para jan! Wrong timing ka manghingi ng kiss!" Sabi ni Edrea. Nagpatuloy lang si Eric sa pagnguso at parang may sinesenyas ito. "Erise! Bigyan mo na nga toh ng kiss at ng magti-" Binatukan naman sya ni Eric. "Hoy anu ba?! Bat mo ko binatukan?!" Sigaw ni Edrea.
Kinalabit ko naman si Edrea kasi mukhang alam ko naman na kung ano ang gustong,iparating ni Eric. Tinuro ko si papa, at napatingin na si Edrea doon at natigilan. Ako din natigilan nung una ee.
Nakita kasi namin si papa na nakahawak sya tiyan at tumatawa pero walang sounds. Naiimagine nyo ba? Grabe, mukhang matatawa na rin ako ee. Pinipigilan ko lang. Napatingin ako sakanila at mukhang nagpipigil din ng tawa. Pero maya maya pa at natawa na rin kami. "Hahahahaha!"
Napatigil kami sa pagtawa ng tumikhim si papa at naging seryoso ulet ng mukha. "Kayong dalawa, umuwi na kayo sa inyo." Sabi ni papa kila Eric at Edrea. "Bakit po? Ayaw nyo na po kami ipakita kay Erise kasi magiging B.I kami? Sorry na po. Di na po mauulit. T.T" Sabi ni Edrea ng malungkot.
"Huh? Patapusin mo muna ako Edrea. Hahaha. Nakakatawa ka. Umuwi na kayo at magimpake dahil bukas na bukas din ay papasok na kayo. At magimpake ka na rin Mia." Nagulat kami sa sinabi ni papa at napanganga.
End of flashback
Grabe, ambilis talaga ng mga pangyayari. Di ko akalain na mangyayari agad toh. Dinaig pa ang sa tao, pipila pa ng pagkahaba haba bago ka makaenroll. Dito, isang tawag lang ni papa?! Amaziiiiiiiing!
Napabalik ako sa diwa ko ng biglang huminto ang Van na sinakyan namin. Bago kami bumaba ay kinausap muna nila ako. "Mia, makakasama mo ang kakambal mo sa kwarto ng dorm. Gusto ko kayong magkasama para makasalamuha mo agad kapatid mo. Sa ngayon, siguro wala pa ang kapatid mo dahil nasa field work sya." Bilin ni papa.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasiThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.