Chapter 10

212 4 0
                                    

Habang naglilibot ako, napadpad ako sa malaking fountain sa gitna ng school. Grabe, ang ganda talaga ng school na toh. Ang lawak lawak at ang gaganda ng mga pasilyo. Napapaisip tuloy ako kung magkano ang binabayad sa school na toh. Di kasi sinabi ni papa. Nakalimutan kong itanong. =____=

"Bago ka lang dito?" Nagulat ako sa taong nagaalita. Sino nanaman toh? Kumunot ang noon ko. "Oh sorry, Im samael. You can call me sam." Sabi nya at inilahad ang kamay sakin. Syempre nice person sko tinanggap ko ang hand nya at nagpakilala. "Erise." Nakangiti kong sabi. Gwapo si sam. Mukhang hollywood actor na maputla at blonde ang buhok. Siguro vampire toh. Maputla ee.

"Naglilibot ka?" Tanung nya. "Oo, ang ganda nga dito ee. Di ko malilibot toh ng hapon lang dahil sa sobrang laki nitong school." Pagkwekwento ko sakanya.

"Gusto mo, ako maging tour guide mo dito?" Sabi ni sam. Nag-aalinlangan naman ako. Pano na lang kung vampire nga sya at kagatin ako. Or baka rape-in ako? Omo! "H-huh a-" Di ko natuloy sasabihin ko ng hawakan nya kamay ko. "Wag ka mag-alala. Di kita sasaktan." Sabi nya ng nakangiti.

Kahit nag-aalinlangan man. Nagpatangay na lang ako sa hatak nya. Habang hini-hila nya ako nadadaanan namin ang iba pang naglalakad na mga estudyante. Naririnig ko mga bulungan nila. Anlakas naman kasi ng bulungan ee.

"Bat may kasamang babae si sam?"

"Alam ko wala naman syang Girlfriend ee."

"Sino ba sya?"

"Teka? Si polly ba yan? Sila na ba?"

"Waaaaaa! Ang gwapo ni sam ko! :">"

Woooah! Sa mga naririnig kong bulung-bulungan na malakas ee, mukhang sikat tong lalaking ito aa. Kung sikat toh, bakit naman nya ako kinakausap ee bago lang naman ako.

Napansin ko naman na hindi na masyado matao ang lugar na dinadaanan namin kaya napahinto ako. "Teka, saan ba tayo pupunta? Bakit hindi na matao ang lugar na? Anung lu-" Napahinto ako ng may itinuro sya.

Napanganga ako sa ganda. Papunta pala kami sa isang Greenhouse. Ang ganda talaga! Andamimg mga halaman at bulaklak. May mga iba't ibang kulay ng paru-paro ang lumilipad. Nakakagaan bg loob ang lugar na toh.

"Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag-isa. Ang ganda kasi dito. Nakakagaan ng loob. At kahit hindi ko gawin, napapangiti na lang ako bigla sa ganda ng lugar na toh." Sabi nya habang nakatingin sa paru-pari na dumapo sa kamay nya. Ang cute naman nya habang pinagmamasdan ko sya.

Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla syang tumingin sakin. Nakakahiya! Nahuli nya akong nakatingin sakanya! Huhu. Nagulat naman ako ng bigla nanaman nya akong hilain. Di na ako nagreklamo at nagpatangay na lang.

Sa tabi ng Greenhouse, napunta kami sa isang lake na may maliit na bridge. Napanga-nga nanaman ako sa ganda. "Kanina ka pa numanga-nga, mamaya dyan mapasukan na ng insekto yan. Hahaha!"

Nahiya naman ako. Grabe naman toh. "Di ko mapigilan ee! Ang ganda kaya dito! Di ko alam na may ganto pala sa school na ito." Sabi ko habang pumupunta kami bg bridge. "Sabagay, ako rin naman. Nung una di ko akalain na may ganto sa school."

Ang gaan gaan ng loob ko sa nga nakikita ko. Napapikit ako ng nakangiti. Ang sarap idama ang simoy ng hangin sa lugar na ito. "Maganda ka kapag nakangiti Erise." Napadilat ako sa sinabi ni Sam at napatingin sakanya. Nakita ko na nakatingin sya sakin ng mataman.

Naramdaman ko na namumula ang pisngi ko. Hala ka! Nagbablush ba ako? Baka makita nya! Omo! Omo! "Hahaha! Sensya na. Nakita mo pa tuloy ako na nakatingin sayo." Sabi nya at nakita kong nakahawak sya sa batok nya. Mukhang nahihiya din.

Natahimik naman kami bigla. Parang biglang naging awkward ang atmosphere. Bigla naman nagsalita si Sam. "Bat ka nga pala lumipat ng school? Kasi kalagitnaan na ng school year eh. Tapos ngayon lang kita nakita dito."

My Twin Sister is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon