"Maaaa!" T.T gusto ko na maiyak. Huhu grabe bat kasi ganto lasa nito. Sa sobrang daming herbal ang nilagay ni Mama. Sa lasa ng sopas na toh, di mo na alam kung gusto mo pang kumain pag ito kinain mo. "Ubusin mo yan!"
Gusto ko na talaga umiyak! Huhuhu "Maaaa! Di naman toh masarap ee! Ampangit ng lasa. Bat kasi dami mo nilagay na herbal? T.T" sabi ko habang nakasimangot. "Wag ka na mag-inarte. Gusto mo magkasakit diba? Yan pagdusahan mo. Muwahahaha!" Napatingin naman ako kay mama dahil sa tawa nya. Anu yan? Feeling kontrabida?
"Ubusin mo yan at mahal ang bili ko sa mga herbals na yan." Bilin ni mama. "Ma, kakainin ko toh. Pero wag mo ipaubos. T.T please ?" Mangiyak ngiyak kong sabi. "O'sige na nga. Tsk!" Narelief naman ako dun.
After ko makain ang di kaaya-ayang soup. Ee, dumiretso agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pumunta ako sa banyo upang makapaghilamos at toothbrush. Habang nagtotoothbrush ako, biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko. Ang weird talaga. Di ko maintindihan kung anu meron dun. Haaays. Angulo. Imbis na magisip ako ng kung anu-ano. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagsisipilyo ko at sa paghihilamos.
After ko gawin ang dapat kong gawin sa banyo, napagpasyahan kong ilaro ang tablet ko. Nilaro ko yung High school story ko. Yung laro na toh ay about sa pagtulong sa mga student at sa pagpapaganda ng school. Nagawa ko na yung mga quest at pinapagawa dun. After ko gawin magtablet. Wala nanaman ako magawa. Nabobore ako. Napaisip ako. Itetext ko na lang si Edrea kung natuloy sila sa mall.
To Edrea
Uy babae! Musta date? Haha joke. Natuloy kayo sa mall?
Sent.After ilang minutes, nagreply na sya.
From Edrea
Oo natuloy kami. At nagdedate nga kame. Grabe answeet nya. Inaalalayan nya ko, super gentleman at nililibre pa ko. HOHOHO. Why friend? Selos ka?Takteng yan. Kala naman nya maapektuhan ako? Yun ang akala nya.
To Edrea
Hoy babae! Nagtanung lang ako kung natuloy kayo! Dami mo na sinabi jan. Tsaka sino niloko mo? Kilala ko yan noh, di nya yan gagawin. Ang cold cold kaya nyan.
Sent.Hohoho. Kala nya aa. After ilang minutes di na nagreply ang loko. Tssssss. Bahala nga sya dyan. Si Eric naman itetext ko.
To Eric
Eric, magkasama kayo ni Edrea ngayon?
Sent.Agad naman nagreply si Eric. Buti pa toh, di ako pinaghihintay sa text. Yung Edrea na yun, nakuuuu! Tsk! Tsk! Tsk!
From Eric
Oo, kasama ko sya kanina. May binili lang kame. Pero umuwi kami agad. Di na kame magkasama ngayon.Tignan mo yung babaeng yun. Di na nga ako nireplyan, nagsinungaling pa! Humanda sakin yung babaeng yun sa fb, ibabash ko sya. HAHAHA joke lang. Humanda na lang sya pag pumasok na ako.
To Eric
Di kayo magkasama? Tsk! Sabi ng babaeng yun magkasama kayo ngayon at nagdedate. Tsk! Tsk! Tsk! Kahit kelab talaga yung babae na yun. Sige Er. Salamat!
Sent.After ko itext yun, nagtext ako sa kanilang dalawa.
To Edrea & Eric
Oist! Mga people! Di ako makakapasok bukas. Sa kadahilanang ako'y nagkasakit. Pakisuyo na lang ang pagsabi nitong impormasyong ito sa ating mga guro. Maraming salamat at Good Night. :)
Sent.After ko masend yun sakanilang dalawa. Nagtext na ulet si Edrea.
From Edrea
Huwow! Tagalog na tagalog. Anu nakain mo?To Edrea
Che! You're a liar! Yung soup ni Mama nakain ko.From Edrea
Hahaha. Biglang may english. Sorry na friend. Im just kidding lang naman ee. Oh? Yung soup ng mama mo? No wonder kaya kung anu-ano pumapasok sa utak mo. Haha.Nakwekwento ko kasi sakanya yung soup ni mama. Sa pagkakatanda ko natikman na nya isang kutsara nun nung nagkasakit ako tapos pagkatapos nya tikman diretso sya sa c.r at nagsuka. HAHA epic itsura nya dre!
To Edrea
Che! Matulog ka na!From Edrea
Sige Good night :-* Get well soon! Dadalaw kami bukas aa! :) hihihiTo Edrea
Sige Good night. :-*Di naman nagreply yung isa. Kung sabagay, anu naman aasahan ko dun. Kuripot yun sa load. Hahaha.
After ng pagtetext namin, bigla naman pumasok si mama dala ang gamot at inumin. "Oh, inumin mo na yan. At matulog ka na, wag ka na gumawa ng kung anu-ano." Tumango naman ako at inunom na ang gamot. "Good night Ma!" Sabay halik ko sakanya sa pisng. "Sige Good night na. Matulog ka na."
After nya sabihin yun ee, lumabas na sya ng pinto. Bago ako makatulog, binabagabag nanaman ako ng panaginip ko. Mapapaginipan ko nanaman ba yun? Wag naman na sana. Nakakatakot na weird ee. Haaaays.
Bago ako matulog, nagdasal muna ako after ko magpray, inayos ko na mga unan ko at saka ako unti unting dinalaw ng antok hanggang sa makatulog ako.
--
Guuuys! Gusto nyo ng dedication? Comment kayo guys! And Vote! Vote! Vote! Comment your Reactions! Labya. :-*
Godbless us!
-Annamich25
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is a Vampire
FantasiaThe adventure of The Twins. A Human and A vampire.