COINCIDENCES
“TARA NA SA CAFETERIA. Ililibre kita.” yaya ni Marcus sa akin.
Lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang salitang LIBRE. Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil galing iyon sa kaisa-isang member ng Aces na hindi mahilig makipag-usap. Isa itong malaking himala.
“Anong ganap, Zachary? Mukhang maganda gising mo ngayon ah?” kantyaw ko sa kaniya.
“Something good happened. It has something to do with Frankie.” Oh that smile. Smiling because of how inlove he is. Hindi ko inaasahang ganito pala ma-inlove ang isang Marius Cuslov Zachary. Lalong hindi ko ma-imagine si Frankie. Iʼve never seen her inlove for all the years of our friendship.
“Lover boy naman pala.” asar ko pa sa kaniya. Mukhang hindi naman siya naaasar sa akin. “Ano bang nangyari?” Kailangan ko ng information na ikakalat ko sa group chat namin mamaya.
“I wonʼt go into details. Ang importante makakatikim ka ng libre ko.”
“Okay!” nag-thumbs up ako sa kaniya kasama ang malapad na ngiti.
Paglabas namin ng classroom, naabutan naghihintay si Ashley sa may gilid ng pintuan.
Kinawayan niya kami, “Hi.” she greeted, awkwardly.
“Hey.” bati ni Marcus saka nag-aalangang itaas ang kamay para kawayan si Ashley. This is when Mister socially awkward meets another socially awkward person.
Wow, Marcus is improving on his social life. Hindi na siya ʼyung tipo ng tao na hinding-hindi mo talaga makakausap kahit anong gawin mo.
“Good to see you here. Do you need something?” tanong ko.
“Well... Some of my classmates told me na magkakaroon ng event this February. May dance contests din?” she clarified. Her classmates must be rooting for her... More than us.
I nodded. “Youʼre right.”
“Why donʼt we talk this over at the cafeteria?” Marcus suggested.
“Tara na nga, mukhang gutom na ʼtong isang ʼto.” Sumenyas na ako kay Marcus na tumuloy na kami sa paglalakad.
“Teka nga, Marcus. ʼDi ba wala naman tayong klase bago ang break time? Bakit gusto mo agad pumunta ng cafeteria?”
Abaʼt lumapad ang ngiti nitong kaibigan ko. “Pupuntahan ko si Frankie. Bibilhan ko siya ng pagkain niya.”
Ah kaya naman pala. Iba talaga ʼpag pinana ni kupido. Hindi na ʼyan ʼyung Marcus na nakilala namin. Heʼs changing... But for the good.
“How about you, Ashley? Wala ka bang klase ng ganitong oras?” baling ko kay Ashley.
“Hindi raw kasi papasok ʼyung prof namin ngayon kaya naisip kong tumambay dʼyan sa harap ng classroom niyo. Malamig kasi e.” aniya.
Nagpatuloy na kami.
…
NAKA-ORDER NA KAMING TATLO. And of course, nilibre nga ako ni Marcus. Impressive! A man of his words. Alam ko naman na hindi ito prank dahil hindi naman siya tulad ng iba naming kaibigan.
“You sure are interested in dancing.” sambit ko nang makaupo na kaming tatlo. “Are you planning to join the contest?” tanong ko kay Ashley.
“I would love to.” masayang sagot niya. “Ano bang mga requirements para makasali?”
“Hindi pa namin sure sa ngayon pero baka wala namang masyadong requirements.” si Marcus na ang sumagot. Siya kasi ang tipo ng tao na laging nakikinig. Mas marami pa nga siguro siyang tsismis kung lagi lang siyang magsalita.
“Kailan ang event?” tanong niya. And of course tanong ko rin iyon dahil tulad din ako nila Primo—hindi nakikinig.
“Valentineʼs day.” mabilis na sagot ko.
Her mouth went round in shock. “That would be so much fun!” and now her eyes lit up.
It was fun, so much fun. If thereʼs a specific event na nilu-look forward ng marami, iyon ay ang Valentineʼs day events dito sa SDA.
Noong Valentineʼs day noʼng nakaraang taon, ang daming booth at food stalls. Marami ring performers ang sumali. It was a blast. Sana ay ganoʼn din ngayong taon.
…
KINABUKASAN, nakita ko ulit si Ashley sa hallway. But this time was coincidental. She was heading to somewhere. Basing from the looks, sheʼs confused as she looks down her phone.
“Ashley.” tawag ko sa kaniya. Sakto naman dahil nahawakan ko ang kaniyang braso na naging dahilan kung bakit siya napatigil sa paglalakad. Gulat siyang humarap sa akin.
“Papunta ka na ba sa cafeteria?” tanong ko.
She looked at me, confused. Then she shook her head. “Pupunta ako sa library. Kailangan kong kumuha ng library card.”
“Alam mo na ba kung saan ʼyon?” I was testing her. We both know na hindi pa siya familiar sa mga buildings and rooms sa loob ng Scottsdale Academy. Malaki rin kasi itong campus na ʼto. Kahit ako ay naligaw noong unang araw kong mag-aral dito.
“Hehe.” bungisngis niya. Finally she admitted, “Nope.”
“If you want, pwede naman kitang samahan papunta roʼn.” I insisted.
“Naku ʼwag na.” mabilis siyang umiling. “Alam kong kakain ka na sa cafeteria. Magtatanung-tanong na lang ako kung saan man ʼyon banda. Kaya ko na ʼto, donʼt worry.” She even show me a thumbs up.
Nag-isip ako ng pwedeng dahilan para samahan siya ngayon. I just feel like she badly needed my help.
When I hear library, the first person that comes through my mind is the one and only Marcus Zachary.
“Pupunta ako ngayon ng library. Nandoon kasi ngayon si Marcus.” I uttered.
“Ah ganoʼn ba... Sige sabay na tayo papunta roʼn.” Wala na siyang nagawa pa.
…
NANG MAKARATING KAMI SA LIBRARY, sumenyas ako kay Ashley na maunang pumasok.
“Marcus, hey.” tawag ko. Buti na lang talaga aware akong library itong pinuntahan ko.
“Ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin nang makita ang paglapit ko sa kaniya. Tinabihan ko siya.
And there was Frankie at his side, I didnʼt noticed she was there. “Hi Frankie.”
“Sino siya?” Frankie mouthed.
Tumingin ako sa gilid ko. “This is Ashley Lewis.” I introduced to her.
“Hi.” simpleng kumaway si Ashley.
“Iʼm Frankie Denver. Iʼm the librarian—student librarian, rather—in charge here.”
“Oh, great. Iʼm here for a library card.” Ashley replied.
Agad namang tumayo si Frankie. Tumayo din ako para magbigay daan sa kaniya. Pumunta sila sa front desk para asikasuhin ang card ni Ashley habang kami ni Marcus ay nanatili sa puwesto.
“Been reading a lot these days, huh.” I said to Marcus.
“What else must I do? Iʼm already done with my schoolworks unlike soneone I know.” he replied. Sarcastic as ever.
“Good for you, Cus.” I smiled, “Youʼve been smiling a lot too this days.”
“Well, thatʼs because Frankie was always with me.” He smiled, proudly as he looks to her direction. Looking at her made me look at Ashley who was becoming shy to Frankie.
“Cy,” tawag ni Marcus sa akin. Nalipat na ang atensyon ko sa kaniya. “Napapansin ko, nagiging close na kayo ni Ashley ngayon ah. Are you interested on her?” dagdag niya.
“Yes, I am. Sheʼs just...” Napatigil ako.
I am only interested on her. I wanna know whatʼs behind those rumors. Thatʼs all. Hindi naman siguro ako aabot sa magugustuhan ko na siya. It wouldnʼt even reach an inch. Right?
“Well?” Marcus was waiting for me to close my phrase.
“Sheʼs just mysterious.”